CHAPTER THIRTY-EIGHT

693 25 5
                                    

Rescue

*CLARK*

Isang note ang iniwan ng mga kidnappers sa bench na naririto.

And it says...

If you want to save your girlfriends, find us at ***** street.

"Pinapapunta nila tayo sa isang abandoned place." Sabi ko kela Jude.

"Abandoned na ba ang ***** street?" Si Luke.

Nakatanggap naman siya ng batok mula kay Jhordan.

"Oo kaya." Si Jhordan.

"Grabe. Kelangang mangbatok, 'dre?" Si Luke.

"Pasensiya hahaha."

"Tara." Sabi ko saka pumunta sa sarili kong kotse.

Nagsisakayan na rin naman sila sa mga kotse nila. Pinaandar ko na agad ang kotse ko para puntahan ang street na iyon.

Don't ever lay a finger on my Hailey.

*HAILEY*

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Hinayaan ko munang mag-adjust ang mga mata ko sa dilim.

Narealize ko na lang, nakatali pala ako. Nakaupo ako sa isang upuan at nakatali ng mahigpit ang mga kamay at paa ko. When I say mahigpit, mahigpit nga talaga.

Inilibot ko ang paningin at pilit na inaninag ang lugar.

Mukhang nasa isa akong abandoned na lugar. Pero hindi ko matukoy kung isa ba tong bahay o ano.

"Hailey..."

Napalingon ako sa isang boses na narinig ko.

Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatali din sina Chelsea, Elsa at Liana. At ang tumawag sakin ay si Chelsea.

Mukhang di pa nagigising si Elsa at Liana.

Napalingon kami ng marining naming binubuksan ang pinto.

"Ohh... gising na pala ang dalawa." Sabi ng isang boses at alam kong lalaki yun. Hindi ko matandaan pero pamilyar ang boses niya.

"Anong kailangan nyo samin?" Tanong ko agad sa kaniya.

Mag-isa lang siya na pumasok dito. I guess he's just checking if we escaped. Eh makatakas kaya kami eh ang higpit ng tali? Tss.

"Wala naman kaming kailangan sa inyo. Pero sa mga boyfriend nyo meron." Aniya.

So ginagamit kami bilang pain sa mga boyfriend namin. Este boyfriend pala nila. Hindi ko na nga pala pedeng tawagin na boyfriend si Clark. :"(

"Sila lang ang may boyfriend." Inis na sagot ko sa kaniya.

"Oh.. bakit? Nagbreak na kayong dalawa ni Punzalan?" Batid kong nakangisi siya habang sinasabi yan.
"Pakealam mo ba?" Pabalang ma sagot ko sa kaniya. "Pakawalan mo kami dito." Mariing sabi ko sa kaniya.

Kinabahan ako nang lumapit siya sakin but I maintaned a straight face. Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang inangat. Iniwas ko ang mukha ko sa pagkakahawak niya.

The Moon PrincessWhere stories live. Discover now