Special Chapter
● CLARK'S SIDE OF THE STORY ●
Aminado akong isa akong badboy. Bully ako at nananakit ng iba. I even hurt girls' feelings lalo na kapag ayaw ko sa kanila. Isa akong gangster at marami din akong napatumba.
Pero dumating siya. Pumasok siya sa buhay ko nang hindi ko inaasahan. Una ko siyang nakita ay sa napaka-weird pa na paraan.
Bigla ba namang nag-appear sa kwarto ko pagtapos kong maligo, sinong hindi magugulat diba?
When she told me that she's a Moon Princess and I'm her servant, sobrang inis ang naramdaman ko. Lahat takot sakin maliban kela Jude. Lahat mataas ang tingin sa akin. Tapos tatawagin akong servant? Nakakainsulto.
Pero ang weird din kung bakit ko sya tinulungan sa una pa lang. Marahil dala ng awa dahil wala syang mapupuntahan? Tsk. Sinong niloko ko? Awa? Wala ako nun dahil isa nga akong gangster at woman-hater.
Galit ako sa mga babae. Pero nang dumating sya, bigla akong nagbago. Pumasok siya sa buhay ko at hinayaan ko lang sya kasi gusto ko din naman.
"I am your master, servant. You are the assigned protector of the Moon Princess which is me. And why are you questioning my clothes? Isn't these your clothes during this age?"
Ang inosente niya nung unang tinanong nya ako tungkol sa pananamit niya. Halatang walang kaalam-alam.
"Saang mundo ka ba nanggaling at ganyan suot mo? For your information, ganito kami manuot ng damit kaya sumunod ka kung ayaw mong isipin ng ibang tao na ligaw ka. Tss."
Masungit ako sa kaniya, yes. Pero hindi ko din naman maitatanggi sa sarili kong attracted ako sa kaniya.
Tumagal na palagi ko siyang nakakasama. And before I knew it, I fell.
Ayokong may nananakit sa kaniya. Ayokong may ibang lalaki siya. Ayokong madedma niya. Gusto ko ako lang yung nakakalapit sa kaniyang sobrang lapit.
"Mahal kita, tin."
"A-ano?"
"Mahal kita. Noon pa. Hindi mo lang alam. May rason ako kung bat ganun. Pero hindi totoong kaibigan ang tingin ko sayo. Dahil mahal kita, Christina. At hindi ko hahayaang umalis ang reyna ko."
"Aww!"
"Nakatulala ka eh."
"Bakit mo b-binago yung s-script?"
"Let's just say, I did it for a purpose."
Naalala ko yung panahon na binago ko yung script. Gusto ko kasing masabi yung nararamdaman ko. I feel like it's gonna burst out if I don't tell her. Naisip kong sa ganung paraan kona lang idaan.
Nang mga oras na yun din ang unang paghalik ko sa kaniya. Iilang segundo lang pero ang sarap sa pakiramdam--- that sounds bad. Hindi ako manyak ah? What I mean is... sa gaan ng pakiramdam para bang gusto kona lang syang halikan ng halikan. Her natural pinkish soft lips.
Naalala ko din ang araw na nagconfess ako ng nararamdaman ko sa kaniya.
"Anong kailangan mo?"
"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko."
"Mm. Anong kailangan mo sakin?"
"I met this girl who suddenly showed up in my room.. she was stubborn and annoying but at the same time, she's cute and pretty. She has this unique charm that can make my heart melt.
YOU ARE READING
The Moon Princess
Teen Fiction[ to be edited soon. ] [BOOK 1 COMPLETED] She's the Moon Princess. He is her servant. A mission to save the Acre Valley. Will these two accomplish their mission? Will they be together forever? Or someone will suddenly fade away? [ book 2 soon! ]