Kidnapped
*HAILEY*
Nandito kami ngayon sa loob ng kuwarto ko. Hindi talaga ako lumabas. Kahit paulit-ulit na kumatok si Clark, hindi ko talaga siya pinagbuksan.
Pero ngayon, karamay ko sina Chelsea, Elsa at Liana. Sa kabilang room naman which is room ni Clark, nandun ang boys. Well, I don't care.
"Magsalita ka naman, Hails." Si Chelsea.
"Mas natatakot kami sayo kapag ganyang poker face ka eh." Si Liana.
"Ilabas mo na lahat." Si Elsa na seryosong seryosong nakatingin sakin ngayon.
Napabuntong-hininga na lang ako. Ilang minuto ang lumipas at nakatingin lang sila sakin.
Tahimik lang ako but then... a tear fell from my eye. Hanggang sa magsunod-sunod na siya. Hanggang sa humagulgol na ako sa harapan nila.
Neither of them uttered a word. Tahimik lang lahat at tanging iyak ko lang ang maririnig.
Ang sakit kasing isipin na all this time, pinagmamalaki kong akin siya kay Emily, yun naman pala.. kay Emily talaga siya. I'm stupid, right?
Nakakainis. Why do I even fall in love with my servant in the first place?
"Bakit ko ba siya minahal?" Naibulong ko habang nakayuko pa din.
Naramdaman kong may tumabi sakin. Si Elsa.
"Love looks not with the eyes but with the mind, and therefore is winged cupid painted blind." Aniya. "Hindi kailangan ng rason para magmahal ka ng tao, Hailey. Kusa mong mararamdaman iyan. Love actually doesn't have any definition. It's our choice to define it in our own understanding. Minahal mo si Clark sa kung ano siya." Pag-aalo sakin ni Elsa.
Tinignan ko siya sa mga mata. Pakiramdam ko, nakakaawa ako.
"Then why does it have to be this painful?"
"Because you love him, Hailey. As simple as that." Nakangiting sabi ni Chelsea.
"Then what should I do? Masakit sakin lahat ng to. Pakiramdam ko, napaglaruan ako. Pinagmukhang tanga. All this time, sila pala. Tapos ako, eto at pinagmamalaki na AKIN siya." Sabi ko habang nakayuko. Inangat ko ang paningin sakanila. "Hindi naman pala." Malungkot na sabi ko at patuloy pa ding umagos ang luha ko.
"Hindi magagawa yun ni Clark without a reason, Hailey." Si Liana.
"Paano mo nasabi?" Kunot-noong sabi ko.
"Kasi Hailey, makikita mo ang emosyon ng isang tao through the eyes. At nakikita namin kay Clark na mahal ka talaga niya. Naramdaman mo bang mahal ka niya?" Natigilan ako sa biglaang tanong ni Chelsea.
"O-Oo." Pinaramdam niya yun sakin. "Pero bakit may ganung pictures? Bakit nakita ko silang nasa iisang kuwarto at... alam nyo na yun."
"That's what we don't know. Ang alam lang namin.. may rason si Clark. Let's just hear him explain. 'Kay?" Si Elsa.
I gave them a small smile. Maybe I should just hear Clark's side.
YOU ARE READING
The Moon Princess
Novela Juvenil[ to be edited soon. ] [BOOK 1 COMPLETED] She's the Moon Princess. He is her servant. A mission to save the Acre Valley. Will these two accomplish their mission? Will they be together forever? Or someone will suddenly fade away? [ book 2 soon! ]