•^•Chapter 4•^•

439 5 6
                                    

Cosmic's

**
Kinaumagahan habang naglilinis ng loob ng bahay si mama habang si papa naman ay nag aayos sa taas, lumabas muna ako ng bahay para makapag ikot at makalanghap ng simoy ng hangin.

Pansin kong wala sina kuya at ate kaya tinanong ko ito kay mama at sinabi niya sa akin na pumasok ang dalawa sa kani-kanilang trabaho. Ay oo nga pala day off lang pala nila ate at kuya kahapon.

Naging advantage din ang pag lipat namin dito dahil mas malapit at hindi hassle ang transportation dito mula sa pinagtatrabahuhan nila ate at kuya.

Habang ako ay naglalakad sa kalsada napatingin ako sa aking cellphone "tawagin ko kaya si Nycer? Baka sakaling pwede kaming magkita" nang patawag na sana ako bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa kaniya.

"Hello nycer" sagot ko na naeexcite.

"Cosmic libre kaba ngayong araw?" tanong nito.

"Oo naman naglalakad nga ako sa kalsada ngayon eh para makapag ikot, ang boring kasi sa bahay" sagot ko habang inaayos ang aking buhok.

"Sige punta ka sa sari-sari store ni aling berta tapos dumeresto ka sa bandang kanan tapos may makikita kang playground doon tayo magkita at ililibre kita ng pampalamig haha" sagot niya niya na parang tumatakbo papunta sa lugar na iyon.

Sinunod ko ang mga sinabi niyang direksyon at pagkatapos ng ilang minutong paglalakad nakita kona ang na sinasabi niyang playground.

Ngunit wala akong naaubutang mga  tao at mga bata sa lugar na iyon at ayon sa aking obserbasyon mukhang matagal na itong inabandona. Napansin ko kasi sa mga seesaw ay kinakalawang na.

At inaamag narin ung mga slides at monkeybar. Maya't maya tumawag si Nycer sa akin at sinagot ko ito "Nasaan kana Cosmic?" tanong nito.

"Andito na ako nakatayo sa gilid ng seesaw, asan ka?" tanong ko habang inaayos ang aking sarili para magmukhang presentable.

"Huh hindi kita makita ano ba kulay ng damit ang sinusuot mo? Madami kasing tao dito eh." sagot niya.

"maraming tao? Niloloko mo ba ako wala kayang katao-tao dito" sagot ko kaagad na naiirita na.

"Teka sinunod mo ba talaga ung lugar na papunta diyan?" dagdag niya na para bang naiirita na din.

"Oo, nakikita mo ba ung puno ng mangga sa may malapit sa monkeybar?" tanong ko habang papunta doon.

"oo." sagot niya.

"Doon tayo magkita , naka blue v neck shirt ako at naka short na black.. At brown ang aking buhok ay hanggang balikat lamang." dagdag ko habang naglalakad papunta sa puno ng manggang iyon.

Naririnig ko mula sa kaniyang paligid ang tunog ng kaniyang yapak sa mga damuhan.

"Andito na ako sa puno" sagot niya.

"Andito na rin ako.." sagot ko na nakapameywang na dahil sa irita.

Kahit ano mang direksyon at tagpuan ang aming banggitin hindi parin kami pinagtatagpo kahit na anino man lang ng isang tao sa aking paligid ay wala akong nahagip o makita.

"Teka cosmic, uukit ako sa puno." sagot niya at habang naka hang lang ang cellphone niya naririnig ko ang tunog ng kahoy na para bang inuukitan maya't maya nagsalita siya.

"Cosmic pag may nakita kang pangalan ko na nakaukit ibig sabihin nandoon talaga ako at hindi kita niloloko tsaka baka naman sa ibang puno ka pumunta o siya sige na sa susunod nalang tayo magkita tinetext na ako ng mga kaibigan ko" banggit nito.

"Ah ganun ba sige pasensya na, sa susunod nalang siguro tayo magkita" pagkatapos ay binaba na niya at paglingon ko sa gilid ng puno may napansin akong may naka ukit rito na para bang matagal na itong nakaukit.

Lumipat ako ng pwesto at bumungad sa akin ang pangalan ni Nycer na nakaukit rito. Nakalagay dito Nycer Eze. Napa buntong hininga ako nang makita ko ang petsang nakaukit sa gilid ng pangalan ni nycer.

Dahan dahan kong inilapag ang aking palad sa katawan ng punong iyon at masinsinan ko itong tinignan. "teka napaka imposible naman na hindi kami magkasalubong ni Nycer kung nasa iisang lugar lang naman kami at tsaka pareho ding puno ang aming napuntahan pero bakit gaanon? Hindi kami magkita

At napatanong ako kung bakit iba ang aking naramdaman nang makita ko iyon. Hindi ko mawari ang aking mga natuklasan ngayon kung kaya't bumalik nalang ako sa bahay para magpahinga. "Niloloko ba niya talaga ako?" tanong ko sa aking isipan habang naglalakad.

Habang naglalakad ako pabalik sa bahay may bumunggo sa aking balikat ngunit wala naman akong nakitang tao na naglalakad sa aking gilid. "Weird" bulong ko sa aking sarili.

Habang sa gitna ng paglalakad biglang bumuhos ang ulan. At dahil nga wala akong dalang payong tumakbo ako ng mabilis para makauwi kaagad at baka magkaroon pa ako ng sakit.

Pagkauwi ko sa bahay sermon ang aking naabutan sa aking mama, at agad niya ako pinag shower dahil naulanan ako. Umakyat muna ako para kumuha ng aking pamalit at pagkatapos ay dumeresto na ako sa cr para makapag shower.

Habang nagshoshower ako naisip ko tuloy ang aming alitan at hindi pagkakaintindihan ni Hannah. "Kakausapin ko nga ulit yun"bulong ko. Hindi talaga ako matahimik kung bakit nangyari ang mga iyon. Pati narin ung pagkikita namin ni Nycer hindi rin naging maayos.

Pagkatapos ko mag shower. Umakyat ulit ako sa aking kwarto at tahimik na pinagmamasdan ang itim na kalangitan at umiiyak na ulap. Nang biglang bumukas ang aking pintuan na mag-isa at nagsara din ito ng kusa.

Napatalon ako sa aking nasaksihan "Sino nandiyan!?" sigaw ko habang nakatayo sa kama. Pagkatapos ng ilang segundo bumukas muli ang pintuan at nagsara ng kusa.

Hanggang sa nalaman ko na galing pala iyon sa malakas na hangin. At nawala na rin ang aking kaba.

**

Please do leave comments and likes, I highly appreciated if you do love yaa ^,^

I Found you. You Found Me [On Going.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon