^•^Chapter 8 •^•

367 7 0
                                    

Nycer Missed a Call
Nycer Missed a Call
Nycer Missed a Call

Agad kong tinawagan si Nycer nang makita ko ang napakaraming missed call galing sa kaniya.  Nag riring lamang ito at walang sumasagot. 

"Baka busy" bulong ko sa aking isipan. At tsaka inilapag ang aking cellphone sa malapit na lameseta sa sala. At tumungo sa sofa at nanood ng telebisyon.

Panay lipat ko ng station at channel dahil walang magandang panoorin puro old movies na paulit ulit nalang nang biglang nagsalita si mama at nawala ang aking atensiyon sa aking pinapanood.

"Cos, mag eenroll na tayo bukas para sa pasukan sa darating na june" ani ni mama habang nagluluto sa kusina.

"Saan naman ma baka malayo yan ah" dagdag ko.

"Sus malapit lang yun hahatid ka naman ng papa mo" sagot niya.

"Anong school ma?" tanong ko.

"Sa dating school nila ate, kuya mo nung highschool sila, sa Harmony University" sagot ni mama habang nagsasaing.

Tumangi lamang ako at agad na kinuha ang aking phone para isearch kung ano ang itsura ng university.

"Ha..rmony.. uni.. Ver .. Sity." pagkatapos ko itype biglang nag text si nycer.

"Sorry ngaun ko lang nakita call mo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang text galing kay nycer.

"Ako din sorry napasarap kase ang kwentuhan namin ni kuya kanina." reply ko. Habang hinhintay ang sagot niya.

Tinignan ko sa sites ung itsura ng university na tinutukoy ni mama.
"Wow ang ganda mala royalist ang dating huh" bulong ko nang makita ko ang uniform ng university. Mayroon itong blazer na blue at naka ribbon ang necktie and white lined skirt.

Napaka ganda!

Pagkatapos ko tignan ang ibat ibang detalye ng university na iyon. Binasa kona ang reply ni Nycer.

"May kuya ka pala, sana all." reply niya.

"Bakit naman? mas masaya kaya kapag iisang anak wala kang kaaway hahah" reply ko.

"Oo wala kang ka away pero ang boring haha." reply niya.

"hmm hindi rin haha. Anyway, can we meet? Because I want to know more about you." tanong ko. Pagkatapos ko isend yun binasa ko muli ang aking sinabi. "Can we meet?". Napatingin lamang ako sa aking sinabi.

"Can we meet?"
"Can we me
Can we
Can
Can we me
Can we meet because I want to know more about you."

What the hell? Bakit ko yun sinend. Bigla kong pinatay ang aking phone at bumalik sa pagkakahiga sa sofa at itinakip ang namumulang kong mukha gamit ang malambot na unan upang takpan ang aking kahihiyan.

Ano ba ito cosmic!? Na attract kana ba sa kaniya? Eh hindi mo pa nga siya nakikita sa personal gusto mo na kaagad? Bulong ko sa aking sarili.

Whistle~!

Nang marinig ko ang notification, nag alinlangan pa ako itong tignan dahil malaki ang chance na reply yon ni nycer. I calmed myself and dahan dahan kong tinignan ang user na nag message.

Nycer: Sure, Me too I want to know you more. :) Meet up tayo sa malapit na Coffee shop sa may Hansel at 7:00 am.

Oh my God! Matapos kong mabasa ang message ni Nycer napatalon ako sa sofa at napatingin si mama sa akin pati na rin si papa na kalalabas lang sa cr. 

"Uy ano yan?" tanong ni papa saakin matapos niya akong maabutan na tumatalon sa sofa.

Napakamot lamang ako ng ulo at sabay ngiti. "Wala pa hehe, may ipis kase na dumapo sa paa ko.

⭐️⭐️

I Found you. You Found Me [On Going.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon