"Anong year na diyan?" tanong ko habang pinipilit na hindi tumawa.
"It's 2010."
Naihulog ko ang aking cellphone nang buksan ng walang paalam ni ate ang aking kwarto. At napatingin ito sa akin.
"anak ng kepepe!!"
"Oh ano nangyari sayo para kang nakakita ng multo?" tanong ni ate habang may kinukuha sa aking aparador.
Huminga ako ng malalim at dinampot ang aking cellphone sa sahig.
"Akala ko kase may mangkukulam na dumating" biro ko at tsaka nilinis ang gilid ng aking cellphone dahil medyo marumi ang sahig at natabunan ito ng kaunting alikabok.
"Ano hinahanap mo diyan?" dagdag ko.
"ung suklay mo. Nawawala kase ung suklay sa baba" sagot niya habang kinakalkal ung lalagyan ng mga pang ayos sa buhok.
Maya't maya nakita narin niya ung suklay at sabay labas sa aking kwarto. "Byerrrs!" paalam nito.
Pagkatapos mawala sa aking paningin si ate ay bahagyang iniangat ko ang aking cellphone upang tignan ang reply ni Nycer.
"2010?"tanong ko sa isip ko. Mukhang hindi talaga kapani-paniwala pero sadyang marami talagang mysteryo ang ating mundo na kailangan natin malaman.
"Nice! Hahaha, so 9 years apart pala ang ating panahon.. Tsaka ito pala ang dahilan kung bakit hindi tayo nagkikita sa kadahilanan na tayo'y nasa magkaibang dimensyon Hindi talaga realistic haha." reply ko. Huminga muna ako ng malalim at tsaka sinend.
Sumobsob muna ako sa aking kama at napagtanto ko na siguro sa panahon ko ngayon siya ay may asawa na at may sarili ng pamilya.
"Hays! Ano ba tong iniisip ko.."
Biglang tumunog ang phone ko at binasa ang reply ni nycer.
"Want to hang out sometimes?. Di bale na magkaiba tayo ng taon pero same day naman tayo diba?" I can feel your existence. Naalala mo ba yung una nating meeting place? Sa may park. May naramdaman ako na may bumanga sa akin. And I'm 100% sure na ikaw yun.. cosmic."
Reply niya.Napatayo ako ng mabasa ko na may bumanga sa kaniya. Sumagi din sa isip ko ung oras na tumatakbo ako pauwi may parang bumanga sa aking balikat pero nang tignan ko kung sino yun wala namang tao.
Aha!. Bigla ring sumingit sa aking isipan ang lalaking naabutan ko sa cafe na dapat ay magkikita kami ni nycer. "Hindi ba si nycer yun?. Yung nycer sa panahon ko?!?"
Unting unti na lumilinaw ang lahat matapos kong pagdugtungin ang mga mysteryosong pangyayari at nagaganap sa aming dalawa ni Nycer.
"Oo. May ramdaman din akong parang may bumabanga sa aking balikat nung time na tumatakbo ako. So ikaw pala yon? Hahha." reply ko.
"Sure, saan ba? Game ako." dagdag ko.
"Alam mo ba ung Enchanted Garden? Tara doon tayo magkita sa may halamanan kung saan nandoon ung sunflower. Sana nag e-exist parin ung place na yan sa panahon mo."
"see you sa sabado!" dagdag niya.
Sinearch ko kaagad kung saang lugar ba yung sinasabi niyang Enchanted Garden. Aha malapit to sa simbahan kung saan kami nagsimba nung linggo.
**
BINABASA MO ANG
I Found you. You Found Me [On Going.]
FantasySadyang mapaglaro talaga ang tadhana at pagibig. Pero ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo para sa kaniya? Kahit na nagdaan na ang maraming taon? Katulad ni Cosmic Ryle Faustino na umaasa sa tadhana na sila ay muli ipagtatagpo ni Nycer Ezekiel Tole...