•^•Chapter 11•^•

297 10 2
                                    

Makalipas ng ilang araw. The day has come ito na yung araw na magkikita kami ni nycer. Umaga palang nag asikaso na ako ksa bahay upang mamayang hapon ay wala na ako gagawin.

Habang tinutulungan ko si mama sa paghahanda ng umagahan bigla tumunog ang aking cellphone. Pagbukas ko text iyon galing kay nycer.

Napangiti ako nang malaman ko na excited rin pala siya sa aming pagkikita kahit na imposible ito mangyari.

"Ako rin :) see you soon!" reply ko sa kaniya at ibinalik ko kung saan nakapatong anc aking cellphone.

Pagkatapos ko isend iyon sa kaniya napatingin ako sa bintana. At bigla sumagi sa isip ko ang lalaki na aking nakita noon sa coffee shop. May pag asa paba ako na makita siya? O hanggang ganito lang kami.

Agad ako nag ayos nang makita ang orasan na 2:00 pm na dahil napagusapan namin na 3:00pm ng hapon kami magkikita upang hindi gaano karami ang tao sa park.

Pagkarating ko sa park kakaunti palang ang mga taong tumatambay marahil ay napaka init sa pa sa oras na ito. Habang hinihintay ang text ni nycer umupo muna ako sa bakanteng bench at kinuha ang aking earphone upang makinig muna sa mga kanta.

Nang biglang nagtext si nycer.

"Andito ako sa bench malapit sa puno ng manga"

Napatingin ako sa aking paligid at nagulat ako sa aking nalaman. Dahil ang aking kinauupuan ay katabi rin ito ng puno ng manga.
Agad ko hinawi ang aking palad sa paligid na parang hinahawakan ang hangin.

"Nycer.." bulong ko sa aking sarili. Kumakabog ang dibdib ko na para bang natutuwa na may halong lungkot.

"Uyyy katabi pala kita." reply ko. Hindi ko alam ang aking sasabihin marahil hindi ko naman siya nakikita o mahawakan.

Binuksan ko muna ang music library ko upang malibang ang sarili. Nang bigla nanghina ang aking balikat na para bang may nakapatong na mabigat na anung bagay at panay ang kapa ko sa aking balikat baka sakaling na ngalay lamang ito.

Beep!

"Naramdaman mo ba un?" text ni nycer.

"Ung alin?" reply ko habang kinakapa ang aking balikat.

"Nakasandal ako sayo hehe, mabigat ba?"

Napabuntonghininga ako ng malaman ko iyon at inikot ang aking paningin sa aking kaliwa. So magkatabi na nga talaga kami. Ngunit hanggang ganito nalang ba kaming dalawa? Nagpaparamdaman nalang?

Beep*

"Pst! tara punta tayo sa malapit na perya masaya doon! At tiyak na matutuwa ka sa mga kakaibang rides at palaro!" text ni nycer.

Sumang ayon ako kaagad sa plano ni nycer. Tumayo na ako sa aking kinauupuan na bench at sinimulan na ang paglalakad. Hinawi ko ulit ang aking palad sa hangin.

Ano ba tong ginagawa ko. Habang tumatagal nasasaktan ako sa aking ginagawa. Ano ba tong kalokohan na ginagawa ko..

At sa wakas nakarating na kami sa sinasabi niyang perya na kung saan bibigyan ako ng kasiyahan.
Una naming sinakyan ay ung ferris wheel na napaka laki. Sunod naman ay yung parang barko na pataas at baba ang galaw nito.

Napahawak ako sa bakal dahil sa takot at dahil narin sa bilis nitong gumalaw. At pagkababa ko sa barkong iyon nanghina ang aking mga tuhod at tinamaan ako ng hilo. Humanap muna ako na pwede kong pagtatambayan upang makapag pahinga.

Tinext ko si nycer at pinaalam ko muna sa kaniya na ako ay magpapahinga muna marahil ako ay nakaramdam ng paghilo at panghihina matapos namin sakyan ang iba't ibang rides.

"Seryoso? Bakit hindi mo sinabi na hindi mo pala kaya sa ganitong mga rides. Kung nandyan lang sana ako naalalay kita. Sorry talaga" text niya.

Biglang nagring ang aking phone. "Nycer..?" tumawag bigla si nycer at nagulat ako. Sinagot ko ito.

Halos mag 30 mins kami magkausap tungkol sa mga naging experience at pangyayari namin sa mga rides nang biglang may nakita akong lalaki na pumukaw ng aking atensyon at may kausap ito sa phone hindi na ako nagalinlangan na tanungin si nycer.

"Nycer ano ang suot mo ngayon?"

"ako? Bakit mo naman natanong?"

"Basta It's urgent!"

"Fine Fine Naka Polo akong black tapos naka Black jeans at puting sapatos at nakabusiness man cut ako. Okay na miss? haha"

Tinignan ko ulit ang lalaking iyon at sakto ang mga sinasabi ni nycer tumayo ako sa aking kinauupuan at tumakbo sa papalapit sa lalakinh iyon.

Excuse me! excuse po! Makikidaan. Maraming tao ako nakakasalubong ngunit hindi ko ako magpapatalo tumakbo ako upang habulin ang lalaking iyon at hindi ko na matiis ay tinawag ko siya.

"NYCER!"

"Teka lang cos ah may tumawag sakin" bulong ni nycer sakin.

Lumingon ito at tumingin sa akin.

"Nycer ako to si cosmic!" sigaw ko nang ito ay lumingon





I Found you. You Found Me [On Going.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon