•^•Chapter 6•^•

463 6 2
                                    

Cosmic's

Habang umuulan ng malakas humiga muna ako sa aking malambot na kama dahil nakaramdam na ako ng antok. Ganito kasi ako kapag umuulan tinatamaan talaga ng ka antukan.

Habang nakahiga napatingin ako sa aking kisame  nang biglang nagtext si nycer saakin. Agad ako bumangon sa pagkahiga at agad itong binasa.

"Hi..musta?" text niya saakin. Hanggang sa napahaba ang aming usapan. Ewan ko ba pero natutuwa ako kapag kausap ko siya ang sarap lang sa pakiramdam na may nakikinig na sa mga kadramahan mo sa buhay.

Naikwento ko na rin kay nycer ung problema namin ni hannah at pati rin sa aking pamilya. Mukha lang kaming masayang pamilya ngunit may mga oras na watak watak talaga kami.

Hanggang sa hindi ko namamalayan na tumutulo na ang aking mga luha sa aking damit. Agad ko itong pinunasan dahil ayokong makita ang aking sarili na lumuluha.

"salamat nycer.." text ko. Nagkwento rin si nycer saakin tungkol sa buhay niya. Dito ko napag alaman na nag iisang anak lang siya at kasali rin siya sa mga honors sa school niya at habulin din siya ng mga babae pero ni isa sa mga nagkakagusto sa kaniya ay  wala siyang magustuhan.

Napatanong ako sa aking sarili "Ay ang choosy pala nitong lalake na ito". Mahigit na 2 oras na kami nag tetext at nang biglang napatawag si nycer sa akin at nagulat ako.

"Uy.. Napatawag ka?" bati ko nang isagot ko ang tawag niya. "Sorry naubusan na ako ng load pero tawag hindi" sagot niya na tumatawa.

"Cosmic, Pwede ba tayo magkita sa sabado? Gusto na talaga kita makita.."

"Sigee.."

"May gusto sana akong itanong.."dagdag niya.

"ano yun..?" tanong ko na na eexcite.

"Anong gusto mo sa isang lalake?" tanong niya.

Bigla akong namula nang itanong niya iyon. Wala pa kasi akong naguhustuhan kahit isa maliban lang sa bebe loves ko na si Chanyeol na galing sa isang kpop group na exo.

"Uhmm.. Gusto ko yung kung ano at sino siya, ayoko ng pakitang tao.." sagot ko habang nakahiga at nakapatong ang paa sa pader.

At napahaba nanaman ang aming tawagan. Habang tumatagal may naramdaman ako na hindi ko maintindihan dahil habang kausap ko siya tumitibok ang puso ko na para bang tumatakbo ako ng bilis dahil sa lakas nitong pagtibok.

"May sakit ba ako sa puso?" tanong ko sa aking sarili.

Hanggang sa nakaramdam na ako ng antok hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

"Cosmic?"

**

please leave your comment and likes!

I Found you. You Found Me [On Going.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon