•^•Chapter 7•^•

401 7 0
                                    

Cosmic's

Pagmulat ng aking mga mata nagulat ako sa aking narinig, sermon kaagad ni mama ang aking naabutan nang ako ay bumaba mula sa ikalawang palapag dahil lasing si ate nang umuwi at mabuti andoon si kuya para alalayan siya.

"Oh bakit amoy alak ka Maxena! At ngayon ka lang?" sermon ni mama kay ate habang nanlalaki ang mga mata nito.

Pagewang gewang si ate nang lumapit kay mama at umakbay ito. "Ma, nagka yayaa-aan laang ang mgaaaa ka opisiiinaa ko." sagot nito kahit hirap ito makasagot dahil sa sobrang kalasingan.

"oh saan mo ito naabutan?" tanong ni mama kay kuya.

"Sa may sakayan ng bus ma, nakahiga na nga siya sa upuan ng waiting shed nang maabutan ko." sagot ni kuya na pabiro para mawala ang galit ni mama.

"Oh iakyat mo na yan amoy alak!" utos ni mama kay kuya. Sabay tingin sa akin ni mama. "oh cos kumain kana ng agahan magsisimba pa tayo mamaya baka magutom ka."  tumango lamang ako.

Pagkatapos ko kumain, naligo at nag ayos na ng sarili gayundin sina kuya, mama at papa. Lumabas na kaming 3 at tanging naiwan lamang sa bahay ay si ate. Hinihintay namin si papa ilabas ang sasakyan, at pagkatapos ay isinara na ni mama ang gate at sumakay na kaming 2 ni kuya.

Pagkadating namin sa simbahan ay nagulat sina mama dahil napakaraming tao ang dumalo. Kung kaya't sa labas nalamang kami tumambay upang makinig sa misa. Maya't maya naring ang phone ko.

Pagtingin ko ay si Nycer ang tumatawag. Pinatayan ko muna ito dahil kami ay nakikinig pa ng misa. Tinatapos ko muna ang misa upang replyan si nycer. Sinabi ko sa kaniya na nasa simbahan ako at kinakailangan ko muna siyang babaan upang magrespeto sa panginoon.

"Sorry, hehe. Teka nasa simbahan ka rin? Ako din eh nasaan ka banda?" reply ni nycer.

Huminga muna ako ng malalim at tsaka nireplyan siya.

"baka hindi nanaman tayo magkita niyan." pabiro kong sabi. Habang hinhintay ang kaniyang sagot naglibot muna kami ni kuya sa malapit na park upang magpahinga at nagkwento rin siya tungkol sa kaniyang kabataan.

Anyway 25 years old nga pala si kuya hehe, nakalimutan kong i introduce and he is Cyre Fortax pero mas sanay kaming tawagin siyang cyrus and he is the 2nd eldest sa aming magkakapatid.

Habang naglilibot kami biglang nagkwento si kuya. " Alam mo nung kaedaran kita lagi kaming tumatambay ng kaibigan ko dito." kwento ni kuya habang pinagmamasdan ang parke.

"talaga ba kuya haha, ano ginagawa niyo dito?" tanong ko.

"Tambay, laro at cutting na rin syempre." biglang natawa si kuya nang sabihin niya iyon.

"kaso bigla siyang nawala nung highschool." dagdag niya.

Tumango lang ako, at nang masdan ko ang mukha ni kuya kita sa kaniyang mata na nasaktan siya sa ginawa ng kaibigan niya.

Maya't maya hinila ko si kuya sa bandang Ice Cream stall. " kuya baka naman hahaha!" yaya ko habang nakaturo sa ice cream poster.

Napatingin si kuya sa ice cream at dahang dahan kinuha sa kaniyang bulsa ang kaniyang wallet at pinapili ako kung ano ang gusto ko.

"Weh talaga libre?" tanong ko habang naka ngiti na para bang may intensyon.

"Oo nga ayaw mo edi wag" asar ni kuya.

At pagkatapos namin bumili ay hinanap na namin sina mama at papa at umuwi na rin kami.

Pagkauwi ko nagulat ako dahil ang dami nang text at missed call ni nycer.

***

I Found you. You Found Me [On Going.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon