Habang kami ay naglalakad sa kalsada papunta sa bahay nila nycer at nang tumagal ay napatingin ako kay nycer at ito ay tumingin din. Sumagi sa isip ko na baka isang panaginip lamang ito, at kung mangyari man iyon mas gugustihin ko nalang na hindi magising.
"Kanina ka pa diyan tahimik cos ah." biglang bangit ni nycer.
"ah eh.. Hindi lang ako makapaniwala na mangyayari to." sagot ko sa mahinhin na tono habang hinahawi ko ang aking buhok.
"ano kaba wag kang mahiya. Ito naman parang ibang tao naman ako sayo." ngisi niya na pabiro.
Natawa nalang ako.
Maya maya'y tmahimik muli.
Huminto sya sa paglalakad. "welcome cos" at sabay turo sa malaking bahay. Natulala ako saglit.
"teka parang bahay namin ito sa kasalukuyan." bulong ng aking isip. Hindi kaya sila nycer ang may ari ng bahay na aming tinitirhan ngayon?'
Binuksan ni nycer ang kanilang gate at pinapasok ako. Pagkabukas ni nycer ng kanilang pintuan tumambad sa aming harapan ang kaniyang 2 kaibigan.
"Ohoy! nycer sino yang kasama mo" tanong ng lalaki at nakatingin ito saakin.
"oh teka lang bakit nandito kayo?! Gulat na tanong ni nycer sa lalake. Ma! Kanina paba sila dito?" dagdag niya.
Ako naman ito nakangiti lamang at hindi alam ang nangyayari. Nang biglang napatingin ako sa 2 niyang kaibigan. Kung titignan mo ang kanilang mukha ay parang kaedad ko lamang sila. Pero habang tinititigan ko sila may namukukhaan ako.
"Xena, si Cosmic nga pala" sabay turo sakin ni nycer gayundin ang ginawa niya sa isa. "Cyrus, cosmic".
"Ate? kuya? Kayo bayan?!
Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko kung bakit ko nabanggit ang mga salitang iyon.
At hindi rin ako makapaniwala na makikita ko rin ang aking mga kapatid sa taon na ito. This is creepy.
"Kuya? ate?" tanong ng 2 saakin. Sabay silang tumawa.
"Joke!" bigla kong sabi." Kayo naman sineryoso niyo bigla HAHAHAHAH" dagdag ko para hindi sila mag suspicious saakin.
"Aba nycer lakas ng trip ng Baby mo ah" Asar ni Cyrus sa kaniya.
"Uy bibig mo, magkaibigan lang kami niyan"ngisi ni nycer.
Habang ang 2 lalaki naguusap. Biglang tumabi sa akin si ate este si Xena. At napatingin ako.
"Hello cosmic?" bati nito saakin.
Tumango lamang ako.
"Kapangalan mo rin ung kapatid naming bunso, cosmic rin at medyo kahawig mo siya pag lumaki."
Napahawak ako sa mukha ko. "ay. Talaga po ba? Hehe sa bahay may 7 tayong kamukha sa buong mundo kaya siguro po ganun.." ani ko.
"ay ganun ba, ang angas naman nun kung ganon. Tara gusto mo malibang?" yaya niya.
Pumunta kami sa kinaroroonan nila nycer na kung saan sa kwarto niya.
Maya't maya ay dahan dahan naming pinasok ang kwarto nito at ginulat ang 2.Napahinto ako sa pintuan at bahagyang inikot ko ang aking paningin sa kwartong iyon dahil.. Ang kwarto ni nycer ay siyang aking kwarto sa kasalukuyan.
"Cosmic??"
"cos?"
Uy!
Bigla ako nanumbalik sa tamang pagiisip. "natulala ka bigla? Ayos ka lang?" tanong ni nycer. "Ah eh oo sensya na nahilo lang ako" sagot ko.
"ay oo nga pala, nagperya kasi kami kanina at nahilo siya sa mga rides" dagdag niya.
"Ayan nycer hindi nagyaya!" asar ni cyrus.
"ay xena pakibantay muna si Cos, medyo nahihilo pa yata siya."
"cos pwede kang humiga muna dyan sa kama ko, paalam muna kita kay mama na dito ka muna matulog" pagkatapos niya iyon sabihin ay nawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
I Found you. You Found Me [On Going.]
FantasySadyang mapaglaro talaga ang tadhana at pagibig. Pero ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo para sa kaniya? Kahit na nagdaan na ang maraming taon? Katulad ni Cosmic Ryle Faustino na umaasa sa tadhana na sila ay muli ipagtatagpo ni Nycer Ezekiel Tole...