^•^Chapter 14•^•

158 6 1
                                    

( Cosmic's)

Muling nanumbalik ang aking malay at bahagya kong inikot ang aking paningin sa aking paligid. at bumungad sa akin si nycer na papasok pa lamang sa kaniyang kwarto na mukhang kagagaling niya lang sa baba. Lumapit ito sa akin at umupo sa kaniyang kama. 

"umuwi na sila cyrus at si xena, hinintay ka nga nila magising kaso hinahanap na sila ng nanay nila" patawang banggit ni nycer at tsaka tumingin ito sa akin."ayos ka na ba?" tanong niya habang ito ay nakatingin sa aking na may pag aalala. 

"nag alala talaga ako ng sobra nang makita kang mahimatay kanina" dagdag niya. 

Nagka titigan kami ng isang minuto bago mag process sa utak ko ang sinabi niya. Bigla akong bumangon ako sa pagkakahiga ng maalala ko ang nangyari saakin kanina. 

"Teka kanina paba ako natutulog dito?"  bigla kong tanong kay nycer habang tinatago sa kaniya ang nararamdaman kong kahihiyan.

ano ba kasi tong ginagawa ko? natulog ako sa kwarto ng isang lalaki? ano ba to cosmic umayos ka!. bulong ng aking isip.

Natawa siya sa aking nasabi "hmm mga 1 oras lang naman?" sagot niya. Binigyan ko siya ng gulat na reaksyon at muli itong tumawa. " HHAHAHA nah it's fine.  Nagpa alam na ako kay mama na dito ka muna matulog, tsaka nagbigay na rin ako ng rason kaya wag kana mag alala" 

"talaga?" sagot ko na may pangagamba
"oo nga" masayang pag ayon niya.

Maya't maya tinawag na kaming dalawa na  bumaba para kumain na  ng gabihan.  Matapos namin marinig iyon tumingin si nycer sa akin at ngumiti ito.  Hinawakan niya ang aking kamay at sabay ito hinila upang ako ay patayuin sa pagkakaupo.

 "tara tinatawag na tayo ni mama" sabay ngiti. At bninigyan ko rin siya ng ngiti pabalik.

Pagkatapos namin kumain ng gabihan, pinahiram ako ni tita ng kaniyang pinaglumaang damit o mga damit na hindi niya masyadong nasusuot. Nung una ako ay nahiya pero dahil nga wala akong kadala dala ay napilitan akong manghiram. 

Pagkatapos ko mag shower pinahiram nila saakin ung kwarto ng kaniyang ate dahil nasa aborad naman ito. 

Nang ako ay pumasok na sa kwarto ay humiga kaagad ako sa kama at sabay tingin sa bintana. "hinahanap naba ako nila mama? siguro nag aalala na mga yun saakin." bulong ko sa aking sarili habang iniisip kung hanggang kailan ako mananatili sa mundong to.

habang ako ay nag mumuni muni. May bigla kumatok sa pintuan. Napatingin ako dahil naanigan ko ang anino nito. Pagtingin ko ay si nycer lang iyon. "Wala ako magawa sa kwarto pwede ba kita magulo?" nahihiyang yaya niya.  

Bigla akong nakaramdam ng hiya at init sa aking pisnge ng makita ko siya. Paano ba naman nakahiga ako sa kama habang nakapatong ang aking 2 paa sa pader.

"uhm... siii..geee."



I Found you. You Found Me [On Going.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon