Chapter Eighteen: Enrique

452 9 0
                                    

Nakahiga sa kama si Andree Leona habang nakatingin sa kisame ng silid niya. Nakahawak siya sa dibdib niya na walang tigil sa pagtibok ng mabilis. Ang huling beses na tumibok ng ganito ang puso niya ay noong makilala at maging sila ni Austin.

Is she in love again?

To whom?

To Austin?

Pero hindi iyon maari. Hindi siya pwedeng ma-inlove sa kanyang obra maestra dahil alam niyang sa huli ay mawawala din sa kanya si Austin, na hindi niya ito makakasama habang buhay.

Pero bakit tumitibok ng mabilis ang puso niya? Nagkakamali lang ba siya?

Napasigaw siya sa dami ng mga tanong niya na alam naman niya ang sagot, hindi niya lang maamin sa sarili. Ugh! Paano na ‘yan? Masasaktan naman siya sa pangalawang pagkakataon? Hindi na niya ‘ata kaya pang masaktan ulit.

‘You okay, Andree Leona?’ nag-aalalang tanong ni Austin na nakahiga sa secret room.

Napa-upo si Andree Leona at napatingin sa bookshelves na nagsisilbing pinto sa secret room. Hindi siya sumagot, nakatingin lang siya. Paano niya kasi masasabi na nahuhulog na siya sa kanyang obra? Hindi niya pwedeng sabihin. Over her dead body.

Napabuga ng hangin si Andree Leona at pahigang bumagsak sa kama. Pumikit siya.

Baka bukas wala na ito.

--

Nang magmulat ng mata si Andree Leona ay nagulat siya nang makita ang gwapong mukha ni Austin. “Good morning,” nakangiting bati sa kanya neto. “Okay ka na ba? Masakit ba ang ulo mo?” sabi pa nito at idinikit ang noo sa noo niya. Halos hindi na siya makahinga sa ginawa ni Austin. Ang higpit-higpit ng pagkakakapit niya sa kumot niya.

What was that? Ang aga namang realization neto para sa kanya. Dati pa namang nabubungaran niya ang mukha ni Austin pagkagising na pagkagising niya pero bakit ngayon, parang iba?

“Namumula na naman ang mga pisngi mo,” sabi pa ni Austin at hinawakan ang mukha niya. Ang malamig na kamay ni Austin ang kanyang naramdaman pero bakit kahit malamig ang kamay ni Austin ay parang lalo pang nag-iinit ang mukha niya?

“Austin…” bulong niya sa pangalan ng obra niya.

“Hmn?” nakangiti nitong tanong.

“Tanggalin mo na ang kamay mo sa mukha ko,” nahihiya niyang sabi.

Inalis naman ni Austin at tumayo sa harap niya. “Maligo ka na, ihahatid kita sa school mo ngayon.”

--

“Zyra Mae…”

“Oh?”

“Zyra Mae…”

My Obra Maestra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon