Chapter Twenty: Date for real

451 9 0
                                    

"Andree, let's have a date."

Natigilan naman si Andree Leona sa kanyang ginagawa ng marinig ang sinabi ni Austin na naka-upo lang sa kanyang study table habang siya ay abala sa paglalaro ng kanyang iPad sa kama patalikod dito.

Oo, nagulat siya sa biglaang pagsasalita ni Austin dahil ilang minuto na silang magkasama sa silid niya pero hindi man lang ito nagsasalita. Hindi niya rin marinig ito sa pamamagitan ng isip. Ilang araw na niya ring napapansin na tahimik ang kanyang isipan. Sinusubukan niya ring kausapin si Austin pero hindi ito sumasagot. Nakakalimutan naman niyang itanong kong bakit hindi ito sumasagot sa mga tawag niya dahil naging abala na siya sa eskwelahan, malapit na kasing magpasko at marami silang ginagawa sa eskwela. Sumasakit din madalas ang ulo niya kaya itinutulog na lang niya.

"Hindi ko na nagagampanan ang pagiging boyfriend ko sa 'yo kaya naisipan kong yayain kang lumabas."

Ngumiti muna si Andree Leona bago tumingin kay Austin. Ayaw niyang ipakita kay Austin na malungkot siya dahil ito ang dahilan kung bakit siya malungkot. "May pera ka ba?" biro niya.

"I have."

Napakunot-noo siya sa tinuran ni Austin. "You have? How come?"

"Part-time job. Humanap ako ng part-time job sa tulong ni Zyra Mae. Dahil napansin ko, dito sa mundo ng mga tao ay ang pera ang nagpapagalaw. Kapag gustong mag-unwind ng isang tao, kailangan ng pera. Kapag nagutom sila, kailangan din ng pera pambili ng pagkain."

Humarap si Andree at ipinatong lang sa may kama ang iPad. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga naririnig. Hindi niya alam na matalino pala ang kanyang obra.

Ngumiti si Austin sa kanya na nakapagpa-igtad ng puso niya. Tumayo ito at lumapit sa kanya, ipinatong nito ang malaking kamay sa kanyang ulo. "Kaya labas tayo. Sagot ko lahat dahil bilang boyfriend mo, reponsibilidad ko na pasayahin ang girlfriend ko."

Napatingala siya dito at napangiti. "Sige."

--

Dahil biglaang ang pagyaya sa kanya ni Austin na lumabas ay sa Mall lang ang bagsak nila. Naglibot lang sila. Tumitingin sa iba't-ibang botika. Sa kanilang pagpaparoo't parito ay hindi niya narinig na umalma si Austin. Siguro hindi ito napapagod dahil na rin hindi ito isang tao.

"Bagay ba?" Nakangiti niyang tanong habang itinapat sa katawan niya ang isang bestida.

Ngumiti si Austin. "Bagay, Andree Leona. Wanna try it?"

Nakangiting umiling si Andree. Wala sa plano ang bumili ng kung anu-ano kaya tama na munang hanggang sukat.

"Why? Bagay naman sa 'yo, Andree."

"Let's try something else." Nakangiti niya lang na sagot at hinila na sa kamay si Austin sa isang botika kung saan ay puro couple things ang paninda.

Pumili si Andree Leona ng isang pares ng couple shirt. "Here," sabi niya at ibinigay ang tshirt kay Austin. "Try mo kung fit sa 'yo."

My Obra Maestra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon