Chapter Nineteen: I'm sorry

431 11 2
                                    

Nanghihinang naglalakad si Andree Leona. Kahit sobrang nangangatog ang mga tuhod niya ay pinilit niyang makaalis sa lugar kung saan siya dinala si David. Wala ginawang kung ano man sa kanya si David pero hindi pa rin niya makalimutan ang narinig niya na pinag-uusapan sa labas ng kwarto.

“Andree Leona!” Isang boses na sobrang familiar sa kanya. Naramdaman na lang niya na niyakap siya ng mahigpit ni Austin. “Where have you been?” nag-aalala pa nitong tanong sa kanya.

Hindi nagsalita si Andree Leona sa halip ay niyakap niya si Austin na parang kumukuha siya ng lakas dito. Hindi niya alam pero ngayong kayakap niya si Austin ay bumabalik ang lakas niya. Nawawala ang pangangatog ng kanyang mga tuhod.

“Andree?” kakalas sana ng yakap si Austin pero pinigilan niya ito.

“Wait lang,” mahina niyang sabi at niyakap pa ng mahigpit si Austin. Isinandal niya ang kanyang ulo sa dibdib ng kanyang obra. Narinig niyang tumitibok ng malakas nag dibdib ni Austin. Ah! Siguro dahil iyon sa pagtibok ng puso niya.

“What happened?” mahina na lang na tanong ni Austin.

“Austin.”

“Yes, Andree?”

“Can you just, please, stay beside me. Forever?”

“I can, as long as you want me into your life, Andree, as long as you’re happy with my existence.”

Imbes na sumagot si Andree Leona ay niyakap niya at ibinaon pa lalo ang mukha sa dibdib ni Austin. Hindi na niya iisipin ang mga narinig. Kung totoo man iyon… hindi niya alam ang gagawin kung totoo man ‘yon. Basta ngayon, hindi pa niya kayang pakawalan si Austin. Hindi niya pa kaya.

Kumalas na siya ng yakap kay Austin at pinakatitigan ang obra niya. “Thank you.”

“Let’s go. Iuuwi na kita.”

Ngumiti si Andree sa tinuran ng kanyang obra. Hinawakan niya ang kamay nito at maglalakad na sana siya ng matumba siya. Nag-aalala naman siyang inalalayan ni Austin. “What did you do? Bakit hinang-hina ka?”

Umiling lang si Andree at tumayo ng maayos. Nagulat na lang siya sa ginawa ni Austin. Umupo ito sa kanyang harapan. “Piggy back? Sapalagay ko ay hindi mo pa kayang maglakad.”

“Thank you,” sabi niya ulit at masayang isinakbit ang kanyang dalawang kamay sa may bandang leeg ni Austin. “Dahan-dahan lang, ha? Baka matumba tayo.”

“Mag-iingat ako dahil ikaw itong nasa likod ko.” Tumayo na si Austin habang siya naman ay payapang ipinatong ang kanyang baba sa balikat ni Austin.

“Austin.”

“Hmn?”

“Wala ka bang nararamdaman?” Hindi pa rin niya makalimutan ang narinig niya sa dibdib nito.

My Obra Maestra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon