Chapter Twelve: He is.

555 15 5
                                    

Nakangiti na nakatingin si Andree Leona kay Austin. Hindi niya alam pero sobrang napapasaya siya nito sa tuwing nakikita ang kabuoan ng obra niya. Nagugustuhan na kaya niya ang obra niya o natutuwa lang siya dahil nakikita niya ang kanyang obra maestra?

Naglakad siya palapit sa obra niya nang mapansin niya si David na nasa may bandang likuran ni Austin. Masama ang tingin nito at nakakuyom ang palad.

'Austin, David is at your bad.' Ipinaalam niya 'yon para maging aware 'to.

'Then?' nakangiting tanong nito sa isip.

Nagkibit-balikat lang si Andree Leona at humawak sa braso ni Austin. "Let's go."

Inakbayan siya ni Austin at hindi naman siya pumalag. Nagmumukhang may totoo na talaga siyang boyfriend. Ang galing umarte ni Austin, parang totoo, parang alam talaga nito kung paano tratuhin ang isang girlfriend. And she’s loving it.

Napagkasunduan nilang manood ng sine ngayong araw para malaman ni Austin ang karaniwang ginagawa ng mga kabataan. Medyo magastos dahil wala namang pera si Austin and she doubt if Austin knows about money. Pero Kailangan niyang i-explore si Austin para hindi mapagkamalang alien.

Bumili na siya ng ticket habang inutusan naman niyang bumili ng makakain si Austin.

Nang makabili na siya ng ticket ay hinanap na niya si Austin, pero imbes na ang gwapong mukha ng obra niya ang makita ay ang nakakabwisit na mukha ni David ang nahagip niya. Napasimangot siya.

Susundan ba sila ni David hanggang sa loob ng sinehan? Tsk. Tsk.

--

Nakangisi namang dumaan sa harapan ni Andree Leona si David para makabili na rin ng ticket. Ano'ng palagay ni Leona, hahayaan niyang mapagsolo ang dalawa sa loob ng isang madilim na sinehan? Never. Over his dead boby.

Papatunayan niyang nagpapanggap lang ang dalawa. Alam ni David na pinagseselos lang siya ni Andree Leona. Alam niyang may pagmamahal pa ring nararamdaman si Leona sa kanya kahit katiting. Kaya kahit magmukha siyang buntot ng dalawa. He doesn't give a shit.

--

'Austin,' tawag ni Andree Leona kay Austin sa pamamagitan ng telepathy. 'David is tailing us.'

"Just let him be," nakangiting sabi ni Austin nang makalapit siya kay Andree.

Napabuga na lang ng hangin si Andree dahil alam niyang wala siyang magagawa. 'That jerk!' maktol niya sa isip.

Narinig niya namang tumawa si Austin at inilapit ng huli ang mukha sa may tainga niya. Iisipin ng makakakita na hinahalikan siya ng lalaki. "H'wag masyadong ipahalatang affected ka sa presence niya. Pretend that he's not here, that he's invisible, that he doesn’t exist.

"Owkay." Walang nagawang sang-ayon na lang si Andree Leona. Magpe-pretend siya kahit sobra na siyang naiinis sa pagiging makulit ni David. Ayaw niya talaga kapag may nagungulit sa kanya. Naiinis lang siya ng sobra.

My Obra Maestra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon