Chapter Six: Meet...

779 19 1
                                    

Dahan-dahang itinulak ni Andree Leona ang bookshelves at pakatapos naman ay itinulak iyon patagilid para tuluyang mabuksan. Nanlalaki ang mga mata ni Andree Leona sa nakita. Mabilis itong lumipad papalabas ng silid kaya naman napaatras siya.

"Woah!" medyo kinakabahang sabi ni Andree Leona habang pinunasan ang noo kahit hindi naman siya pinagpawisan.

Isang malaking paniki ang lumabas sa silid. Ikipinagtataka niya kung saan galing iyon. Minsan lang naman niyang buksan ang bintana ng silid. Siguro matagal na iyon sa silid kaya lumaki ng ganoon.

Napahinga nang malalim si Andree Leona. Tumalikod na siya para bumalik ulit sa kama. Nakaramdam siya ng antok.

"Hmn."

Natigilan si Andree Leona nang may marinig na umungol galing sa nakabukas na lihim na silid. Nanlalaki ang mga mata niyang dahan-dahang lumingon sa pinanggalingan ng ungol. May multo ba sa kwarto niya?

Kinakabahan siyang naglakad papasok ng silid. Dahan-dahan at pinapakiramdaman ang boong paligid. Nakahanda na rin siyang sumigaw kapag biglang may lumitaw sa harap niya na duguang babaeng lumulutang o kaya ay pugot na ulo.

"Hmn..." Isa na namang ungol ang narinig niya.

Lalong nanlaki ang mga mata ni Andree Leona nang may matisod siyang malaking bagay na nakakalat sa silid. Kinakabahan niyang kinapa ang switch ng ilaw. Nang magliwanag ang boong silid ay nakita niya ang malaking bagay na nakakalat. Nasa harap ito ng canvass kung saan niya ito ipininta.

'Oh. My. God. Siya na ba ang boyfriend ko? Siya na ba ang aking obra maestra?'

Umiling-iling si Andree Leona habang nakapikit at baka nagkakamali lang ng nakikita. Baka nagha-hallucinate lang siya kaya kung ano-ano na ang nakikita, since may konti pa siyang lagnat ngayon at inaantok.

"Hmn," umungol na naman ito. Dito pala nanggagaling ang ungol. Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya'y may ligaw na kaluluwa na sa kanyang pinakamamahal na silid.

Pero ‘to ba talaga ang pininta niya kahapon? Hindi pa rin siya makapaniwala. Wala namang ibang makakapunta sa silid maliban sa obrang nagtransform sa pagiging tao.

Lumapit si Andree Leona sa obra maestra at tinusok-tusok ang braso nito. "Owh!" bulalas niya. Parang totoo nga ito. Napangiti siya. He really looks like a human being, like a real one. Pinisil-pisil niya iyon dahil natutuwa siya sa lambot ng balat nito, parang sa sanggol ang balat. Inilapit niya ang mukha dito para amoyin. Baka amoy pintura siya.

"Hmnn," bumalikwas ang obra maestra kaya napaupo si Andree Leona sa tabi nito. Namangha siya nang makita ang mukha. Napatakip siya sa bibig dahil muntik na siyang mapasigaw. ‘He was so damn hot, I mean he's totally perfect; eyes, nose, thin lips.’

Nawala ang ngiti ni Andree Leona dahil umungol na naman ito. Okay lang ba ang obra niya? Ungol lang kasi ng ungol. Hinawakan niya sa magkabilang braso ang obra at ginising.

Dahan-dahan itong nagmulat ng mata at walang kaemo-emosyong tumingin sa kanya. Pinalibot ang paningin sa paligid at tiningnan siya na parang kinikilala.

Natulala naman si Andree Leona, hindi pa rin siya makapaniwala na naging totoo ang kanyang obra at ngayon ay kaharap niya. Kung hindi lang siya ang gumawa dito ay aakalain niyang totoong tao ito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Andree Leona na parang hinahampas na drum kaya napahawak siya sa dibdib niya. Ang kanyang obra ay sobrang perpekto na parang gusto niyang magpinta ng ilan pero baka dumami ‘tong magkakamukha sa earth kapag ginawa niya iyon.

Makalipas ang ilang segundong pagtitigan ay ngumiti ang obra sa kanya at nagsalita, “salamat sa paglikha, Panginoon.”

Napangiwi si Andree Leona sa narinig. Panginoon? Hindi naman siya Diyos para tawaging panginoon. “Just call me Andree Leona,” nakangiti na lang niyang sabi.

My Obra Maestra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon