Chapter Four: Her First Ever Obra Maestra!

899 15 0
                                    

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay hindi malaman ni Andree Leona kung ano ba ang nagawa niyang malaking kasalanan para magdusa ng ganito. Ang kanyang dakilang ex ay naging kaklase niya. Hindi lang naging kaklase, naging manliligaw pa niya ulit! Damn! Napapamura na lang si Andree Leona sa nangyayari. Maloloka na talaga siya kapag hindi pa ito tumigil sa pampepeste sa kanya.

Hindi siya naiinis dahil may pagtingin pa siya dito. Naiinis siya dahil sa pagmumukha ng lalaki. Naalala niya kasi ang mga panahong nagpaloko at nagpakatanga siya dito. Naiinis siya sa sarili, to be specific dahil bakit siya nagpaloko? Gano’n ba talaga siya katanga para maloko? Gano’n ba siya kabulag? Hindi siya sobrang bait, mataray nga siya kung tutuosin, pero hindi niya alam kung bakit naging tanga siya. Siguro dahil first time niya iyong ma-inlove.

Ay naku! Papasok na naman siya ng school at ang bruha niyang bestfriend ay hindi ngayon papasok sa kadahilanang nagkasakit ito. Ang walang hiyang iyon, may karapatan pa pala itong magkasakit, hindi pa siya hinahawahan para pareho silang nakahiga sa sarili nilang mga kama.

Napabuntong hininga siya ng makitang malapit na siya sa gate ng school nila. Sana wala ang demonyong ex niya. Inaaraw-araw ba naman siya. Sarap ipaaresto sa salang pang-i-instalk sa inosenteng tao. Sobra naman kasi! Sobra! Nakakainis!

"Andree Leona, my love!"

Hindi pinansin ni Andree Leona ang sumisigaw ng pangalan niya. Si David. Ang kapal ng pagmumukha para banggitin ang pangalan niya. Inalisan na niya ng karapatan ang lalaking tawagin siya sa pangalan nang malaman niyang niloloko lang pala siya.

"Andree Leona!"

No pansin pa rin siya. Binilisan na lang ni Andree Leona ang paglalakad para hindi siya maabutan.

"Andree Leona, my love." Naabutan siya ni David at hinawakan sa balikat.

Tiningnan ng masama ni Andree Leona si David at marahas na tinabig.

"Good morning, Andree Leona. Sabay tayong maglunch mamaya?" parang wala lang na sabi ni David kahit tiningnan na niya ng masama.

Inirapan ni Andree Leona si David. Ayaw niyang masayang ang laway niya sa lalaking sumisira ng araw niya. Nagpatuloy na siya sa paglalakad.

"Andree Leona, kausapin mo naman ako, wo! Humihingi na nga ako ng tawad sa nagawa kong kasalanan sa ‘yo dati. Sorry na, my love. Masyado lang akong nasilaw sa pera sa pustahan pero minahal talaga kita at patuloy na minamahal. Pasensya na, my love. Patawarin mo na ako," todo emot na pagmamakaawa ni David. 

Huminga muna ng malalim si Andree Leona bago tumingin kay David. She faced him.

"Ano bang gusto mong gawin ko? Lahat gagawin ko," pagpapatuloy ni David habang nakahawak sa dibdib.

"Get. Lost." Dahan-dahan na may diing sabi ni Andree Leona. Hindi malakas pero sigurado siyang maiintindihan iyon ni David.

Natigilan naman si David sa narinig.

Tinalikuran na ni Andree Leona si David at nagpatuloy na sa paglalakad. Sana naman ay matauhan na si David at hindi na siya abalahin. Habang naglalakad ay napangiti siya. Sa wakas ay mawawalan na ng isang bwusit sa buhay niya.

"Andree Leona!"

Muntik nang madapa si Andre Leona nang marinig niya ang malakas na pagtawag ni David.

Kalma lang Andree Leona. Kalma lang. Hinga ng malalim. Inhale, Exhale.’

 "Andree Leona, iba na lang ang hilingin mo! Paano ko mapapatunayan na mahal talaga kita kung aalis ako? Kaya exempted ‘yon. Iba na lang."

Sasabog na talaga sa sobrang inis si Andree Leona dahil sa mga naririnig na kakornihan kay  David. Subukan lang nitong na lumapit at hahampsin niya iyon ng kanyang handbag.

My Obra Maestra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon