Chapter Two: Her Ex with his...

991 23 4
                                    

Nasa Mall si Andree Leona dahil kailangan niyang bumili ng mga bagay para sa libangan niya, ang pagguhit. Hindi niya kasama ngayon si Zyra dahil hindi maasahan ang isang iyon kapag ganitong galaan. Hindi rin niya talaga iyon isinama dahil magtataka ito kapag nakita ang mga bibilhin niya. 

Naubusan na siya ng bond paper at canvass dahil pagkatapos niyang pagsawaang iguhit ang isang bagay ay susunugin niya agad iyon para hindi malaman ng kanyang ina na ginagawa niyang libangan ang kanyang pinakatatanging sumpa. Siya lang ‘ata sa mundong ibabaw ang ginagawang libangan ang sumpa. Kailangan niya ring bumili ng maraming lapis. Masyado siyang maaksaya sa lapis.

Nasubukan na niyang gumuhit ng mga pagkain, for experiment purposes only. Nagutom siya no’ng araw na iyon at tinatamad lumabas para bumili dahil napakalayo ng convenience store sa tinitirhan nila kaya ayon, gumuhit siya.

Ang ganda-ganda pa ng pagkakaguhit niya at pagkakakulay sa fries and burger ng McDo. Natakam pa siya nang magsimula ng maging totoo ang kanyang iginuhit. Dahil natakam siya ay kinain niya agad iyon. Nailuwa niya rin naman agad dahil lasang papel at lapis ang fries at buger. Kaya hindi na niya ginawa ulit iyon. Ang sama ng lasa.

Malapit na siya sa National Bookstore nang marinig niyang nagriring ang phone niya. Naging abala siya sa paghahanap ng phone habang naglalakad pupuntang NBS. Nahawakan na niya ang phone nang may mabunggo o bumunggo sa kanya.

“Aray!” daing niya at kamuntik-muntikan pa siyang matumba. Mabuti na lang at may isang lalaki sa likuran kaya hindi siya natumba.

“Sorry and thank you,” hingi niya ng paumanhin sa lalaking hindi man lang pinagkaabalahang tingnan.

"Ano ba? Tatanga tanga kasi eh."

Nagpantig ang tainga ni Andree Leona sa narinig sa babaeng nakabunggo niya. Okay na saka kung hindi ito nag-sorry pero ‘yong sasabihan siya ng tatanga-tanga? Hindi niya iyon mapapatawad. Hindi siya mabait kapag ganitong sinasabihan siya ng tanga.

"Excuse me!" sarcastis niyang sabi. "Kung tanga ako? Ano ka?"

Napatingin sa paligid ang babae na parang napahiya. Iyon pa lang ang nasasabi niya pero napapahiya na agad ang babae. Inirapan niya ang babae. ‘Tss! Siya ang naguna pero hindi naman pala kayang panindigan ang katarayang nasimulan.’

"Hey, Hon, what happened?" dumating ang taga-rescue ng babae.

Napatingin sa kanya ang lalaki at pareho silang nagulat. Nakabawi agad ang lalaki habang siya ay natulala. Hindi akalain ni Andree Leona na makikita pa niya ang demonyong ito. Akala niya ay kinuha na ito ni Satanas dahil mas masama pa ito kay Satan.

"Oh… hi! How's life? Hindi ka pa rin nagbabago ah!" sabi ng lalaki at nakakalokong ngumiti sa kanya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Natauhan naman siya sa narinig sa mayabang na lalaking nasa harapan niya. Tiningnan niya ito ng masama. “Great. Never been better simula no’ng mawala ka sa buhay ko,” malakas niyang sagot.

Sarap sapakin ng lalaking ‘to. Walang hiya talaga. Pagkatapos akong pagpustahan ng mga tropa niya ay ang lakas ng loob ipakita sa akin ang pagmumukha. Magdrawing kaya ako ng zombie at ipadala sa bahay nila pero ang mga taong may utak lang pala ang gusto ng mga zombie kaya paniguradong lalampasan lang siya. Sayang lang effort!’

 "Woah! Why so bitter? Do you still love me?" lumapit ang lalaki at akmang hahawakan ang mukha niya.

Tinabig niya agad ang kamay nito. “In your dreams, Mister!” Ni hindi nga mabanggit ni Andree Leona ang pangalan nito, hindi dahil hindi pa siya nakakamove-on kung hindi dahil nasusuka siya sa pangalan nito.

My Obra Maestra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon