Chapter Twenty Five: I need to let you go

369 8 0
                                    

Nagmulat ng isang mata si Zyra Mae, matapos ang ilang segundong pagkakapikit, nang walang maramdamang matigas na bagay na bumangga sa kanya. Nakita niya ang isang sasakyan na nakatigil sa may gilid niya, isang daliri ang layo sa kanya.

Nakahinga siya ng maluwag. Humarap siya sa nagmamaneho ng kotse para sana bulyawan ito pero nagulat siya sa kung sino ang nagmamaneho. "Kuya Enrique?" Sa pagkabigla ay dahan-dahan niyang nabitawan ang canvass. Narinig niya pa ang pagbagsak niyon pero hindi niya pinansin.

Papaanong andito si Enrique gayong nasa Hospital dapat ito? Nakaratay sa higaan at walang malay?

Bumaba ang lalaki sa kotse at lumapit sa kanya. Nag-aalala. "Zyra, okay ka lang? May masakit ba sa 'yo?" Hinawakan nito ang kanyang braso at niyugyog siya ng mahina dahil nakatulala siya dito.

"Ikaw ba 'yan, Kuya Enrique?" mahinang tanong niya. Napaatras siya at napatingin sa may park. Nakita niya doon si Austin.

"Oo. Sino pa ba?" Naguguluhan nitong tanong. "Okay ka lang ba, Zyra? Namumutla ka. Nasaktan ka ba?"

"Ikaw talaga 'yan, Kuya?"

"Bakit? May iba pa ba akong kamukha?" Biro nito at ngumisi.

Gusto niyang um-oo dahil meron naman talaga pero itinikom na lang niya ang bibig. Hindi niya alam kung maniniwala ba siyang si Enrique ito dahil ngayong may alam siya tungkol sa sumpa ni Andree Leona ay mahirap malaman kung sino ang totoong tao.

"Gabi na pero bakit andito ka pa? Saan ka ba pupunta? Sabay ka na sa akin." Hinawakan nito ang kamay niya pero pumiglas siya.

"Hindi ba nasa hospital ka? Kakabisita ko lang sa 'yo kanina." Hindi niya pinansin ang tanong nito. Pasimple siyang tumingin sa canvass na nahulog niya. Mabuti na lang at pabaligtad ito.

"Ah! Gising na ako kahapon pa pero sa tuwing bumibisita ka ay nagkakataong tulog ako." Ginulo ni Enrique ang buhok niya. "Three days na simula noong magkamalay ako ng Hospital. Dalawang araw nilang inobserbahan ang katawan ko bago i-dischrage. Nagtataka nga ang mga Doctor dahil wala silang makitang mali sa katawan ko para ma-comma ng halos isang buwan.  Wala din naman akong maramdamang masakit sa katawan ko. Kahit konting galos ay wala, kaya pinayagan na nila akong i-discharge. Regular check-up na lang. Susurpresahin nga sana kita ngayon para naman makita mo ang gwapong mukha ng kuya mo."

Sa narinig niya ay niyakap niya ito. Confirmed. Si Enrique nga ito. Lagi kasing pinapasok ni Enrique ang kagwapuhan nito sa usapan kahit hindi naman kailangan. "Mabuti naman at okay ka na. Akala ko... akala ko..." Napaiyak na siya. "Wala naman kasing sinabi si Mama na nagkamalay ka na."

"Sinabi ko kasi na h'wag sabihin sa 'yo. Sorry na. Pinag-alala pa tuloy kita." Hinagod nito ang likod niya. "Iyakin ka talaga. Okay na ako, woh! Gwapo pa rin."

Kumalas siya ng pagkakayakap kay Enrique. Huminga siya ng malalim. Napangiti siya.

"Oh? Ano 'yan?" Dinampot ni Enrique ang painting. Huli na para itago ni Zyra Mae dahil nakita na nito ang painting. Nagulat ito pero napangiti din. "Gwapo ko dito ah! Sinong gumawa nito? Malabong ikaw dahil hindi ka marunong. Gift mo ba 'to sa akin?"

Inagaw niya ang painting. Dapat ay magmamaktol siya dahil sinabihan siya nito ng hindi marunong magpinta pero iba ang lumabas sa bibig niya, "hindi ikaw ito."

"Anong hindi. Pagmumukha ko 'yan eh." Akmang kukunin uli ang painting ng umatras siya para hindi nito makuha. "Hindi ikaw ito, Kuya Enrique. Sketch pa lang 'to. Paanong ikaw agad?"

Naguguluhan namang nakatingin sa kanya si Enrique. "Kuya, pwedeng humingi ng pabor?"

"S-sige."

"Can you please stay here. H'wag kang aalis o magmamaneho. Hintayin mo ako. Pwede ba 'yon, Kuya Enrique?"

My Obra Maestra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon