Chapter Nine: Date

692 18 0
                                    

“Austin,” mahinang tawag ni Andree Leona kay Austin nang makita niya ang lalaki na nakatayungko sa may gilid ng gate ng bahay nila. Alam niyang kahit gaano pa kahina ang boses niya ay maririnig siya ni Austin. And that’s the best thing of having an Austin in her life.

Napangiti naman si Austin at tumayo kaagad ng marinig niya ang tawag ni Andree Leona. “Andree Leona.”

Habang papalapit si Andree Leona kay Austin ay nakaramdam siya ng kalungkutan. Kailangan niya na ba agad sunugin ang canvass na pinaggalingan ni Austin? Kailangan niya na ba talagang patayin si Austin? Parang hindi niya kaya. Hindi niya talaga kaya dahil si Austin ang kanyang nag-iisang Obra Maestra. At masakit para sa kanya na ang kanyang nag-iisang Obra Maestra ay susunugin na lang basta na parang isang basura.

“Andree Leona, what’s wrong?” tanong agad ni Austin ng makalapit si Andree Leona sa kanya. Bumigat ang pakiramdam niya at alam agad niya na may dinaramdam ang taong lumikha sa kanya.

Ngumiti ng malungkot si Andree Leona. Hindi pala siya makakapagsinungaling kay Austin na ayos siya dahil nararamdaman ni Austin ang nararamdaman niya. “Austin,” mahina niya pa ring tawag kay Austin at niyakap ito ng makalapit siya sa lalaki. Namumuo ang luha niya dahil masakit para sa kanya na susunugin niya ang Obra niya.

Hindi naman alam ni Austin ang mararamdaman niya ng yumakap sa kanya si Andree Leona. “Andree,” mahina niyang tawag dito at may naramdaman siyang kakaiba sa may bandang dibdib niya. Niyakap na lang niya si Andree Leona habang hinahagud-hagod niya ang likod nito.

“Austin,” mahinang tawag ulit ni Andree Leona at napahikbi. Hindi siya iyakin pero ngayon, hindi niya mapigilang hindi mapaluha sa sobrang bigat ng nararamdamn niya.

“Andree Leona?” naguguluhang tanong ni Austin. Naghahalo-halo ang nararamdaman niya. Ang sarili niyang nararamdaman at ang nararamdaman ni Andree Leona. Pero mas nanaig ang kalungkutang nararamdaman ni Andree Leona.

“I saw him,” bulong ni Andree Leona at napayakap pa ng mahigpit kay Austin. Ang kanyang mukha ay nasa may dibdib ni Austin.

“Sino?”

--

“You okay, Miss?”

“A-ah…” Aatras sana si Andree Leona pero pinto ang nasa likod niya. Kinakabahan siya ngayong nakikita niya ang taong pinagkunan niya ng imahe ni Austin. Umiwas din siya ng tingin.

“Are you okay, Miss?”

“I-im okay,” nauutal na sagot ni Andree Leona at naglakad na palayo sa lalaki.

Naguguluhan namang napatingin ang lalaki kay Andree Leona. Alam niyang hindi okay ang babae pero bakit parang umiiwas ito sa kanya? Hindi niya ito kilala pero lumabas ito sa bahay ng pinsan niya.

---

“The person whom I got your image, the true Austin,” pumiyok na sabi ni Andree Leona.

Natigilan si Austin sa narinig niya, para siyang napipi.

“I don’t want to burn you, Austin. I don’t want you to leave me but then…” hindi na maituloy-tuloy ni Andree Leona ang sasabihin niya dahil masakit para sa kanya.

“So w-what are we going to do then?”

Kumalas ng yakap si Andree Leona at tiningnan sa mga mata si Austin. “I do not know, Austin. I do not know,” napakagat labi na sabi sagot niya.

Napahinga ng malalim si Austin at tumungin sa malayo. “Ayokong umiiyak ang taong lumikha sa akin nang dahil sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit ayaw kong iwan ka kahit alam kong ako ang dahilan kung bakit ka nalulungkot. But Andree Leona.” Tumingin si Austin kay Andree Leona at ngumiti, isang tipid na ngiti. “Pero mas ayokong makitang naguguluhan ka at umiiyak because you’re having a hard time getting rid of me.”

My Obra Maestra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon