Chapter Eleven: Is it possible?

507 13 1
                                    

“Andree…” tawag ni Zyra Mae kay Andree. Lunch break nila at kumakain sila sa canteen.

“Hmn?” tanong lang ito habang abala sa pagkain.

“May boyfriend ka na ba?” tanong niya. Matagal na niyang gustong itanong iyon pero laging wala ang sagot nito.

“Wala.” As she expected.

“Pero bakit mo sinasabing may boyfriend ka na kay David?”

Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin. “Seriously, you’re asking that? Obviously, Zyra Mae. Sinasabi ko iyon para layuan na niya ako. Pesteng lalaking iyon. Hindi pa siya mamatay. Magmula ng lumipat siya dito sa school natin ay pawang pambubwisit na ang ginawa niya sa buhay ko.”

“Okay,” sagot niya na lang at nagkunwaring abala sa pagkain niya.

---

Habang nagkaklase ay pinagmamasdan ni Zyra Mae ang kanyang matalik na kaibigan na si Andree Leona. Nahihiwagahan talaga siya kung ano ang nangyayari sa kaibigan. Hindi naman palangiti si Andree Leona pero recently ay nahuhuli niya itong naka-ngiti o kaya naman ay nakabungisngis. Wala namang kausap si Andree Leona. Wala rin itong kahit na katext kaya nagtataka talaga siya. Wala din naman itong boyfriend sabi niya.

May boyfriend na kaya ang kanyang matalik na kaibigan kahit sinasabi nitong laging wala? Kasi bakit parang lagi siyang blooming? Nakakapagtaka talaga.

Alam na niya! Huhulihin niya si Anree Leona sa akto. Kahit sundan pa niya ito sa kahit na saan ay gagawin niya malaman lang ang sikreto nito.

Nakakatampo lang dahil hindi man lang siya sinasabihan ng sikreto ng kanyang matalik na kaibigan. To the fact na best of friend sila. Halata namang may tinatago itong sikreto. Ano pang silbi ng pagiging mag best of friend nila kung hindi niya mapapansin ang pagbabago sa kaibigan niya?

Pasimple namang tumingin si Zyra Mae kay David na hindi manpukaw-pukaw ang paningin kay Andree Leona. Baka naman sila na, hindi lang nito sinasabi dahil nahihiya itong malaman ko na nagpakatanga ulit siya?

Napailing sa isip si Zyra Mae. Malabo. Dahil sobra ang pagkasuklam ni Andree Leona kay David.

“Pst!” pasimpleng tawag ni Zyra Mae kay Andree Leona na abala sa pakikinig sa kanilang guro. Nakikinig nga ba?

Hindi siya nilingon ni Andree Leona kaya naman ay kinuhit niya ito sa braso. Napapiksi naman ito sa pagkagulat at tumingin sa kanya ng nakangiti. Napakunot-noo naman si Zyra Mae. Kung normal na Andree Leona kasi, dapat ay sisimangot ito kay Zyra Mae pero ang ganda-ganda ng pagkakangiti nito sa kanya. “Are you sick?”

Napakunot-noo si Andree Leona. “No. Why?”

Umiling na lang si Zyra Mae bilang sagot. Aalamin niya talaga ang dahilan ng pagiging baliw ni Andree Leona.

---

Ilang araw na niyang sinusundan si Andree Leona pero wala siyang makitang kasama nito o kung may iba pa itong ginagawa. Medyo pakiramdam niya ay nasasayang na ang oras niya sa pagsunod sa dalaga.

My Obra Maestra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon