Chapter 4: Reminiscing the Past

72 3 0
                                    

Please support this story by leaving some comments that will help me improve my future stories. Salamat po ng marami.

*** Reminiscing the Past ***

Biglang nag-ring ang telepono na siyang nagpatigil sa lahat ng reminiscing ko sa mga nangyari sa amin ni Vic more than five years ago. Bumangon ako sa pagkakahiga at sinagot ang tawag.

“Yes?”

“Ma’am, pinapapasabi po ni Sir Dominguez na andito na siya sa baba. Dito na daw po siya sa lobby maghihintay sa inyo.” Sabi ng receptionist.

“Okay. Thank you, Miss. Pakisabi na lang na I’ll be there in a minute.”

“Yes, Ma’am.”

Ibinaba ko na ang telepono. I really don’t want to go down. Ngayon pa na lahat ng memory ng scandalous break-up namin ay muling nanunumbalik sa utak ko. I don’t think na kaya ko siyang harapin. Noooo! Sigurado ako, ibabalik at ibabalik niya talaga ang usapan sa nangyari ng gabing yun. I can’t blame him. Ang haba ng hair niya ng gabing yun no. Feel niya na I so worshipped him that I stopped down to that level.

Humilata ulit ako sa kama at torn between fixing myself or just pretend na nakatulog na. Damn! I hate that man. He always do this to me. I mean, he always confuse me!

I just felt my upper body rise up from my slump. Nagkukusa na ata ang katawan ko. Then, I just came to a realization na professional ako. Tapos na lahat ang nangyari from before at wala na yun. Five years, fucking five years, na ang nakakaraan. Naka-get over na ako.

With that thought, I jolted straight up. Nagtungo sa mirror at inayos konti ang sarili. Nagpalit na ako ng Tshirt kanina pa. 

Pagkababa ko pa lang sa hagdanan, nakita ko na siya agad na nakaupo sa sofa na halos kasalungat lang ng hagdanan. Just like before, he is wearing this Daniel Padilla-like jacket (I mean, black leather-like jacket) with white shirt underneath, faded jeans, and sneakers. Weirdly, he is wearing a baseball cap sa loob ng hotel. Well, it’s his signature attire. Kahit nung hindi pa siya police. 

Pagkakita niya sa akin na pababa ng hagdan, tumayo na rin siya. Damn! It feels just like the old days—while he is waiting for me outside our house. Not like we have stairs at home ha. Basta! Iba lang talaga ang pakiramdam. It brings back old memories, the happy ones.

He beamed that beautiful sparkly white smile of his kasabay ang pagkawala ng mata niya pag ngumingiti siya. Maganda naman talaga kasi ang ngipin niya.That is one thing I admired about him. Hindi ko naman siya pinagdamutan ng isa ring smile. Pero, siyempre, isa lang din yung pilit na smile. 

“You’re looking great, Ana.” Lumapit siya sa may end ng hagdan to meet me. I have to admit that made me giddy.

“Wag kang ganyan. That’s not funny.” I had to say that. But God! I felt great hearing that. Ang tagal na ring hindi ako sinasabihan ni Alfred, ang aking fiancé, ng mga ganoong pambobola kaya. Sana, hindi niya napansin ang pilit kung tinatagong smile. This is so embarrassing.

Masaya pa rin talaga siyang kausap—full of animation, katatawanan, at madalas na debate. Hindi naman sa hindi matalino si Alfred pero hindi lang talaga siya masyadong kumukontra sa mga sinasabi ko. He’s too afraid to lose me (naks!). But Vic is different. Talagang kinokontra niya ako. At yun ang mas nagpapa-excite sa conversations namin.

“So, when did you start to look so gorgeous. No offense ha. Hindi ka kasi nag-aayos before eh.”

“Well, siguro mga five years ago na rin. I needed to put on some make-up since mga bigating tao na rin ang mga kaharap ko.”

When the Ex ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon