Chapter 15: Defiance or Escape?

37 2 0
                                    

Thank you so much for reaching this part. I hope, if you liked it, you will share it with your friends on Wattpad.

*** Defiance or Escape ***

Kahit pa man mayroon kaming hindi pagkakaunawaan ni Alfred ngayon kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang buhay ko kahit papaano. With that, I mean, I still have to go to work and get things done even if I don't want to and I don’t feel like I can. Hindi maganda ang pakiramdam ko. After what happened last night, I don’t think I can be okay. I felt like the world is closing its doors. Wala ng nagmamahal sa akin, I am all alone. Pero hindi ako magpapadala sa loneliness na ito. I have to surpass this or I will just get myself killed. Matapang ako. I have to believe that.

This time, we are off to Tagum City for another activity. This time, community activity. Pupunta kami sa isang local community along the coastal area para turuan sila ng sustainable livelihood while protecting the environment. We want to increase their awareness about the importance of mangroves and how a well-balanced environment can make their lives easier. Kahit pa man mabigat ang pakiramdam ko and I am not really in the right shape to do these things, I have to. Trabaho, eh. At isa pa, when I start talking to the community na naman siguro, mawawala na rin sa loob ko ang bigat na nararamdaman ko. I just hope na it will.

Ang community na pinuntahan namin ay simple lang. Karamihan sa mga nakatira dito ay dependent sa fishing as source of their income. Another part of the population ay nagtatrabaho sa kalapit na beach resort. At isa sa mga concern namin sa community na ito ay ang mangrove area nila. Medyo kumukunti na kasi. At malaki pa ang area na pwede pang tamnan. To think na nagrereklamo ang karamihan sa kanila na kaunti na lang daw ang nahuhuli nilang isda, hindi rin nila nabibigyan ng pansin ang mga tanim nilang bakawan. Today, yun ang target namin. Ang hikayatin ang mga taga-rito na magtanim ng mga bakawan. At the same time, magsa-suggest rin kami ng paraan na kumita pa rin sila habang pinanapangalagaan ang mangrove area.

From an environmentalist’s point of view, malaki ang maitutulong ng mga bakawan para maiwasan ang storm surge kung magkaroon man sa hinaharap.  To be more scientific, ang mga bakawan kasi ay may kakayanan na pigilan ang storm surge sa pamamagitan ng pagpapahina sa daloy ng tubig at reduction ng surface waves. Of course, kelangan din ng other disaster risk reduction measures (gaya ng defence structures) para mas maging effective against storm surges. On the economic side at ang pinakamalaking impact ng mga bakawan ay ang pagkakaroon ng mga isda ng pwede nila pangitlogan. This way, mapapangalagaan na nila ang kalikasan, magkakaroon pa sila ng additional income dahil dadami na ulit ang mga isda sa dagat.

This is what I love to share to this community. This very thought, at least, made me forget about my personal problems.

Apat lang kami sa aming grupo na pumunta ngayon, panglima ang driver namin. Nandiyan si Beth, as always, upang ipaliwanag sa mga mangingisda ang kahalagahan ng mga bakawan. Si Andy, ang aming Community Relations Officer para i-arrange sa mga taga-rito ang magiging set-up namin sa kanila. Ako para ipaliwanag ang enterprise concept na io-offer namin sa kanila. At si Divina, ang aming process documentor para gawaan ng report ang mga magaganap today.

“Mayroon po kaming proposal sa inyo,” bungad ko sa aking pagpapaliwanag before the community. “Kami po ang magpo-provide ng mangrove na itatanim niyo po. Magdedesignate tayo ng area doon sa mga gusto magparticipate sa project na ito. After a year po, we will go back and check your areas. Every mangrove po na nabuhay, babayaran po namin yan ng twenty five pesos each. This will be a five-year project. The first three years will be paid by our organization, the remaining two by your city government. You really don’t have to do much. Tanim lang natin once, tusok lang naman yan. After a year, may twenty five pesos na po tayo.”

Actually, I need not explain that further. Naexplain na naman ni Beth ang cause-and-effect factor ng gagawing pagtatanim ng mga bakawan. Alam na ng mga taong ito na, kahit hindi pa namin sila bigyan ng Php 25 next year, malaki na ang magiging impact ng mga bakawan sa kanilang pangkabuhayan. Bonus na lang ito sa kanila.

“Kung hindi yan mabuhay, wala rin kaming makukuha?” tanong ng isang mangigisda, I suppose.

“Opo. Sa 25 seedlings po halimbawa na ibibigay namin sa inyo, kung after a year 10 lang ang nabuhay, yung sampu lang din po ang babayaran namin.”

“Nag-aaksaya lang yan ng oras natin,” sabi naman ng isa pang mangingisda sabay talikod sa amin. Kasabay niya, may mangilan-ngilan rin na umalis. Hindi naman sa walang naiwan na interesado, marami pa rin naman sila. Pero iba pa rin talaga kung mas marami. Mas maganda nga kung community activity ito.

“Saglit lang po. Huwag naman po tayong umalis.” I’m trying to stop some of the fishermen na umaalis. I am not desperate pero hindi ko lang talaga makayanan na makita na may mga umaalis. It seems to me na parang ang laking disappointment ko sa buhay. Lahat na lang ng tao ay iniiwan ako at parang walang interes na pakinggan ang mga sinabi ko.

Bago lang ako iniwan ni Alfred. Hindi ko makakayanan kung sa trabahong ito kung saan iginugol ko na ang buong oras at atensyon ko para makatulong ay tatalikuran rin ako. I don’t want to be a failure again. Kung si Alfred ay tinalikuran ako dahil sa kasalanan ko. I don’t think these people should be leaving dahil wala naming kaming ibang gusto kundi ang bigyan sila ng mas maginhawang buhay.

I tried to block one fisherman to the extent of holding him in the arm. Malaking mama siya pero I felt like I need to stop him. Ang pakiramdam ko, kung mapipigilan ko ang taong ito, mapipigilan ko rin ang iba na tuluyang umalis. To my disappointment again, wala akong enough na lakas para pigilan siya. Maybe it’s the heat of the sun dahil magtatanghali na and we are just actually conducting the meeting in their small meeting area o talagang masama na ang pakiramdam ko kanina pa. Wala naman talaga siyang ginawa sa akin. He may have shoved me pero hindi naman siguro malakas. But still, it made me fall on my knee and forget about everything else that followed next.

When the Ex ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon