CHAPTER 5: BEGINNING TO FEEL

1.6K 65 9
                                    


'Bakit andito to?'

Anong naisip nito ni Richo at gusto akong isabay pauwi? Ginagawa ba niya ito kase kelangan niyang bumawi dahil hindi siya pinapatulog ng konsesya niya? O sadyang mabait lang siya? Ang awkward ng sitwasyon ngayon lalo na't andito mga barkada ko! Alam kaya nila na si Richo ang nakabundol saken?

Napalunok ako ng laway ko. Ang mga titig ng barkada ko kay Richo ay kakaiba, makikita mong nakasimangot silang lahat kay Richo!

"Ikaw yung nakabunggo sa tropa namen diba!?" ang tinig ni patrik parang nagbabanta at akmang susugurin na si Richo.

"Ano ba Patrik? Para tong sira! Ano? Naghahanap kaba ng gulo? Patrik naman!" pagawat ko sa kanya. "Oo, siya nga yung nakabundol saken, pero hindi niya kasalanan yun dahil aksidente ang nangyari! Huminahon nga kayo!" pagpapatuloy ng pagsaway sa mga O.A kong kaibigan.

"Pasensya na kayo kung nasaktan ko ang kaibigan nyo ha? Kaya nga ak--" hindi pa tapos magsalita si Richo pero agad nakong nagsalita at sumingit. Ayoko kasi ng mga ganitong eksena, para kaming nasa telenovela!

"Ano ba kayo ang drama niyo naman?! Okay nako, kalimutan na naten yan guys, okay?!" Kahit naiinis, pinilit ko pareng ngumiti at magpakita ng kaunting positibong facial expression.

"Sige una nalang kami sayo Fabian." ang sabi ni Mari

"Akala ko ba sabay-sabay tayo uuwi?" tanong ko sa kanila, ang gara naman ng mga to biglang mang-iiwan?

"Una na kami, hindi ka pa pala pwedeng gumala, gagala lang kami. At isa pa paguusapan pa namen kung papatawarin ba namen yang si Richo." Ano raw? Parang mga gago talaga tong mga barkada ko, ewan ko ba pano ako napabarkada sa kanila?

"Sige mang-iwan kayo!" pagsigaw ko sa kanila

"Anjan naman si Richo, hoy Richo! Wag mong pababayaan yang si Fabian ha? Sa ngayon pagkakatiwalaan ka namen. Sige Fabian ingat kayo!" sabi ni Patrik, tumango si Richo at nagpasalamat, ako naman ay nakasimangot paren, pagkatapos nun agad silang umalis.

Bakit kaya ako iniwan ng mga yun? Mag-aaya silang umuwi tas ngayon iiwan nila ako dito kay Richo? Mga sira-ulo nga naman talaga oh! Di ko namalayang nagzozone-out na naman pala ako, napukaw muli ni Richo ang aking atensyon.

"Tara na?" Pag-aaya niya

"Anong tara na?" pagtataka ko.

Hindi na siya muling nagsalita pa, hinila nalang niya ako, at ako eto walang magawa kundi magpahila. Hawak-hawak niya ang kanang kamay ko, as in hawak niya ito ng mahigpit. Ang bawat nadadaanan namen ay nakatingin samen hindi ko alam kung bakit? Buti nalang andito na kami sa parking lot ng campus at pasakay na kami ng kotse niya. Agad kaming sumakay, ewan ko hindi na ako nakapag-salita upang magreklamo at awayin itong si Richo dahil sa mga pinag-gagawa niya saken. Parang may something kay Richo na nagpapagawa saken ng mga bagay kahit na ayaw kong gawen?

'Ano ba tong nararamdaman ko?!'

Hindi na ako magtatanong pa kung saan kami pupunta dahil malamang idadaan niya ako pauwi ng bahay namen. Tahimik lang kami sa loob ng kotse, wala ni-isa samen ang gustong umimik. Ayaw ko pa naman ng gantong katahimikan, kaya nangi-alam alam ako sa kotse niya at binuksan ko ang Radyo. Napatingin siya saken dahil sa ginawa ko.

"Pede naman mag-radyo diba?" nahihiya kong pagtatanong. Hindi na siya ulet sumagot, ngumiti nalang siya at tumango.

Pagkatapos nun wala na ulet nangyaring usapan between me and him. Habang nakatingin ako sa labas ng bintana napansin kong iba na ang tinatahak nameng daan. Teka ano 'to?

AWAKE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon