CHAPTER 4: THE NEW BUDDY

1.5K 67 1
                                    


Isang nakakasilaw na araw ang sumisilip sa bintana ng kwarto ko. Pero salamat, dahil sayo ay nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Kaya agad akong nag-unat at bumangon. Napakasarap pa sanang matulog, pero gusto ko ren pumasok ng ngayon.

Kahit na dapat ay absent ako ngayon dahil sabi ng doktor kailangan ko raw mag bed-rest pero matigas ang ulo ko, gusto kong pumasok! I don't want to waste another day; instead I want to make it productive. Tutal mukhang okay na ako at wala nakong nararamdamang hilo.

7:58 AM

'Pucha late na'ko!' Napatalon ako mula sa kama papuntang banyo dahil dalawang minuto nalang start na ng 1st class ko. Agad akong naligo, wisik wisik at nagsipilyo. Mejo nahirapan akong mag-adjust dahil may nakabandanang semento sakeng kaliwang braso. Siguro masasanay ren ako dito!

Pagkatapos agad akong nagsuot ng uniporme at bumaba. Nakita ko si mama sa Dining room, nakahanda na ang plato ko, ang kape at ang baon kong sandwich. Wow naman, kahit college nako feeling ko nasa elementary paren ako. BUT, I still prefer this way. Mom always starts my day!

Pero hindi na ako kumain, sinipsip ko lang ng mabilisan ang paborito kong kape at agad umalis.

"Alis na 'ko ma! Bye!"

" Ingat anak, wag tatanga-tanga ha?" Narinig 'kong sabi ni mama kahit nasa dining sya at ako'y palabas na ng pinto.

Palabas nako ng gate, nang may mapansin akong kotseng nakaparada sa mismong harap ng bahay namen. 'Bastos tong driver ng kung kanino mang kotse yan ha? DONT BLOCK THE DRIVE WAY nga diba?!' ang sinasabi ko sa isip ko habang nakasimangot.

Pagkalabas ko ng gate...

Tinignan ko ang kotseng nakaparada, at mukhang pamilyar?

May lumabas na lalaki sa pintuan ng kotse...

Si Richo!

'Anong ginagawa niya dito? AT bakit andito siya?! Sabi ko na nga ba kase pamilyar yung kotse eh!'

"Uy, bakit ka andito?" ayan agad ang naitanong ko, diba dapat 'Good Morning Richo' o di kaya 'What's up bro!?'

"Ayaw mo bang sunduin kita?" ang weird ng sagot niya? Tumaas ang kilay ko kunwari suplado!

"Hindi mo ba tinitignan yung phone mo? Di mo sinasagot mga calls ko eh" ang sabi niya at may nalalaman pa siyang pag-pout ng lips! Para iwasan ang mga malalagkit niyang tingin, binaling ko sa cellphone ko ang aking atensyon, sa sobrang bangag ko hindi ko na na-check yung phone ko kaninang umaga.

30 missed calls & 13 Text messages from Unknown number.

Hindi ko pa pala nareregister yung phone number niya sa phone ko. Panigurado sa kanya lahat tong missed calls at text messages.

"Ay sorry! Di ko na nacheck ang phone ko dahil sobrang late nako. Pasensya na bro pero bakit ka nga ba nandito?"

"Sa pagkaka-alam ko dapat nagbebed-rest ka ngayon? Bakit ka papasok?" pagbalik niya ng tanong

"Ako unang nagtanong." I raised one eye brow

"Okay fine! I'm here kase.... wala lang, gusto lang kitang dalawin! May masama ba ron?"

"Ang dami mong alam!" pinagtatakpan ko ngayon ang tunay kong nararamdaman. Dahil sa totoo lang may nararamdaman akong kilig sa mga sinabi niya!

"Now It's time for you to answer my question." ang sabi niya

"Okay Fine! Gusto kong pumasok dahil okay nako, at ayaw kong may nasasayang na araw sa school... Okay? I'm late! Tutal andito kana, pasok na tayo sa school!"

AWAKE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon