CHAPTER 7 : A BAD DAY

1.6K 54 0
                                    

*Tunog ng alarm*

Kaasar! Ang ganda na ng panaginip ko eh, bigla namang mag-aalarm tong relos! Gusto kong bumalik sa pagtulog at ituloy ang naudlot kong panaginip. Pero wala na! Sablay na! Nakakabitin!

'Ughh kaasar!'

Nakasimangot akong tumayo ng kama at dumeretso ng banyo. Nagbihis ng pang-eskwela. Hirap paren akong magbihis at maligo dahil dito sa bandage sa kamay ko. Lalo tuloy akong nababadtrip! Pagkatapos, bumaba ng sala para kumain ng almusal. Magkasalubong paren ang mga kilay ko habang kumakain nako ng almusal na ini-handa ni mama.

"Oh anong meron sayo? Ang aga-aga moody na?!" pagsaway ni mama saken. Lahat nalang talaga napapansin neto? Pati kaya sexual orientation ko napansin na ren niya? Jusko wag naman sana! Hindi pako handa sa ganyang bagay dahil :

#1 natatakot ako baka hindi nila ako matanggap

#2 mag-iba ang pakikitungo nila sa akin at

#3 sila nalang ang meron ako, baka mawala pa sila pag inamin ko. Itaboy nila ako!

Ayan ang tatlong bagay na kinakatakutan kong mangyari. Actually marami pa, pero ayaw ko nang isa-isahing isipin!

"Huy! Ano anak, Lipad na naman yang utak mo!? Ano bang nangyayari sayo ha?" over acting talaga tong si mama, may matching pag dampi pa ng palad niya sa noo ko

"Ma! okay lang ako..... Wala lang ako sa mood. I woke up at the wrong side of the bed. That's all!" asar kong tugon kay mama. I know it sound so disrespectful but I was just really pissed. I dont know!

"Oh eto kape mo!" sabay abot ni mama ng paborito kong kape.

'Hmmm ang sarap!' bulong ko

Ayan mejo gumaan na ang mood ko. Kape lang talaga katapat ng topak ko eh

"Fabian! May tumatawag sa cellphone mo!" pagsigaw ni mama mula sa taas. Nasa kwarto ko yata si mama? Kase iniwan ko roon ang phone ko, Kaya agad akong tumayo sa dining room, umakyat at kinuha kay mama ang phone na iniaabot niya saken.

Si Richo ang tumatawag.

"Hello?"

"Ang hirap mong i-contact!" pagrereklamo nito sa kabilang linya. Aba? ayos ha?

"Ay Sorry naman, oh bakit ka napatawag?" habang kinakausap ko siya, si mama nasa harap ko nakikinig sa pinag-uusapan namen, kaya pina-alis ko ito at pumasok sa kwarto at agad sinara ang pinto. Hayyst chismosa talaga si Mama!! Hindi ko tuloy narinig tong sinasabi ni Richo.

"Ano ulet yun? Sorry diko narinig." sabi ko

"Wala... anyways, andito nako sa labas ng bahay niyo." Tugon ni Richo.

WHAT?! Kaya agad akong sumilip sa bintana ng kwarto ko dahil makikita dito kung sino man ang nasa labas ng gate. At ayun, andun nga ang kotse niya nakaparada, habang siya nakatingin sa taas, nakita niya yata akong nasilip sa bintana. May sinasabi pa siya sa kabilang linya pero agad kong binaba ang tawag. Bumaba naren ako para pagbuksan siya ng gate.

"Ma, anjan si Richo sa labas." pagpapaalam ko kay mama

"Ang aga naman ng sundo mo." sabi ni mama pero hindi ko na ito pinansin

Agad kong binuksan ang gate at agad bumungad si Richo, halatang inip na inip na. Amoy na amoy ko ang pabango niya na napaka bango! Talagang sumisingit sa ilong ko yung halo ng tapang at bango.

"Good Morning!" sabi niya sabay ngiti. Susmaryosep buo na ang araw ko!

"Hi, Good morning! Pasok!" agad kaming pumasok sa loob ng bahay. Binati niya si mama at agad inusisa ni mama itong si Richo. Ang aga aga pa! 6:35 palang, 7:30 pa ang first class ko andito na siya. Ano kaya oras pasok neto?

AWAKE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon