CHAPTER 3: A GOOD START

1.9K 63 3
                                    

"I'll go with you. Together let's explain this to your mom." he told me.

" WHAT?!?! ARE YOU SERIOUS!? " gulat kong tanong.

Seryoso ba tong lalaking to? Parang ang eksenang naiisip ko eh nabuntis niya ako at handa niya akong panagutan at eto pereho kaming haharap sa mama ko. Parang ganun yung naiisip ko! Putek lumilipad na naman tong isip ko

"Mukha ba akong nagjojoke? Syempre ako may kasalanan niyan so just let me explain this to your mom? Okay?"

Napatingin nalang ako sa kanya. As in eye-to-eye! Hindi ko na alam ang gagawen ko at mukhang nahyhypnotize na naman ako ni Richo! Biglang lumabas sa bibig ko ang salitang "Okay."

Hinahanap ko ang susi ng gate sa bag ko, pero mukhang nakalimutan ko ata? Ang tanga ko talaga! Kaya eto ngayon nagdodoor-bell ako at naghihintay na buksan ni Mama yung gate. Kinakabahan ako, hindi ko alam ang sasabihin ko AT hindi ko ren alam kung anong sasabihin niya. Ayan na, naririnig ko na ang mga yapak ni mama at ayun nga bumukas na ang gate, bumungad ang mukha ng nakababata kong kapatid. Buti nalang siya ang sumalubong, wala naman kaseng pake-alam sa'ken to. Tinignan lang niya ako sa mata.

"Si mama?" tanong ko

"Nasa loob." Maiksing sagot ni Lary, ang kapatid ko.

"Halika, pasok ka muna." Pag-imbita ko sa bisita ko. Teka bisita nga ba?

Agad kaming pumasok sa loob ng bahay. Katamtaman lang naman ang laki ng aming tahanan, hindi ganun kalakihan at di ren ganun ka-liit. Pag pasok namen sa sala ay nawala agad ang kapatid kong si Lary, panigurado pumanik na ulet yun sa taas. Pero asan kaya si mama?

" Ma?" ang pagsigaw ko habang pinapa-upo ko sa sofa ang si Richo. Halatang kinakabahan dahil namumutla ito. Kaya naisipan kong kuhanan muna ito ng maiinom.

"Jan ka lang, I'll get some drinks."

"Sure, thanks!"

Naglalakad ako papuntang kusina. Mabuti mejo nawala na ang pagkahilo ko kaya nakakapaglakad nako ng tuwid. Agad akong kumuha ng baso at binuksan ang ref, buti naman may nakatimplang Iced tea dahil nakakahiya naman pag tubig lang. Pagkasarado ko ng ref nagulat ako nang may biglang sumigaw sa likuran ko, sa gulat ko muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong baso.

"Jusko anak! Anong nangyari sayo???!!!!" hindi ko maintindihan kung anong klaseng tono ang mayroon kay mama, magka-halong galit at pag-aalala ang tono niya. Ang dami na niyang tanong at sinasabi pero hindi ko na pansin dahil napatunganga na naman ako sa kawalan.

Grabeng pressure to, eto na nga ang iniisip ko kanina, ang kinakatakutan kong mangyayari pag nalaman ni mama ang nangyari sa akin ay eto, nangyayari na! I wish I'll just disappear from here!

Nang biglang may boses na sumulpot at nagsalita.

"Ehem. Ahmm goodafternoon po. Ako po si Richo. Hayaan niyo po sana ako ang magexplain sa inyo kung anong nangyari sa anak niyo pong si Fabian." halatang-halata kay mama na gulat na gulat ito sa presensya ni Richo ngayon dito sa bahay. Sino ba namang hndi magugulat pag biglang may sumulpot na hindi mo kilalang lalaki sa bahay niyo diba?

"Ahh Ma, calm down okay? We'll explain this. Just calm down, please?" I said at buti kumalma na si mama

At eto ngayon kami sa sala, iniiexplain ni Richo ang mga nangyari. Tila naging spokesperson ko siya! Sinabi niya lahat ng nangyari, bawat detalye. Malayo sa inaasahan kong iibahin niya ang istorya at magsisinungaling siya. Super turn-on na talaga ako sa kanya! Pero syempre joke lang! Pampatanggal lang ng kaba dahil ang mukha ngayon ni Mama ay hindi maipinta. Naku patay, ano kaya sasabihin ni mama? Pinagpapawisan ako ng sobra!

AWAKE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon