LAST CHAPTER: AM I AWAKE NOW?

939 32 6
                                    

Am I really going to see Richo?

Well, I should feel excited! I should feel happy! I should feel the need and the eager to see him! But that's not what I feel!

I feel scared.

I feel unsure.

I feel lost!

Because the truth is I'm not going to see the Richo I know from my dreams. Instead, I'm going to meet and see the criminal who they allegedly named in my case.

Yes, I will finally meet him but I can't hug nor kiss him. I will finally meet him but it hurts me.

Hindi ko alam kung saan banda ko kukuhanin ang lakas para makita siya ulet. Kahit na hindi ko pa talaga siya nakikita ng personal, damang dama ko padin ang kung ano mang namagitan sa aming dalawa mula sa aking panaginip. Pinagtatagpo na kami ng pangit na tadhana.

"Let's Go!" mom said

"Mom..." I stood still

"They're waiting for us to go! And this is the moment that I've been praying and hoping for! Finally justice is here, son!"

"Mom, I don't want to go!" I said with no interest

"Why?!" mom asks out of concern " Nak, Let's face this and fix everything. Okay?"

What do I have to fix mom? I can't fix something that is not a mess for me!

Hindi ako makapagdesisyon!

"Let's go!" mom held my hand. And that moment I decided to go

I'll go and see him.

Iba talaga ang ihip ng hangin ano? Nasa kalagitnaan na ako ng pag-tatayo muli ng sarili, tapos biglang mangyayari naman ito? Biglang bumigat muli ang lahat dahil bumalik ang mga bagay na kinalumutan at binura mo na sa isip mo!

Pero kung eto ang tadhana ko ngayon, at kung saan man ako dalhin ng destinasyon ko, sige magpapadaloy nalang ako hanggang saan man ako maaring dalhin nito.

Buti nalang andito si Mama nagbibigay saken ng lakas ng loob. And now that me and Mom is already halfway to my school my heart starts to beat so fast ! Habang papalapit ng papalit kami sa school, lalong nagiging intense ang kaba ko.

Pero naisip ko, kailangan kong magrelax. Wala naman akong dapat ikabahala at wala naman akong dapat ikakaba! Tama si mama, andito kami para ayusin at lagyan ng tuldok ang lahat ng ito!

"Manong, jan nalang sa gate! Eto bayad oh." Sabi ni mama habang muli akong bumalik sa aking ulirat.

"Halika na!"

"Opo..." tugon ko.

Pagbaba ko ng tryc muli kong naramdaman ang kaba. Papasok na kami ngayon ni mama sa gate ng school, nakakamiss din dumaan sa school hallways na halos araw araw eto ang nilalakaran ko. Andito na kami sa loob ng campus na wala namang pinagbago kahit na ang tagal ko nang hindi nakakabisita dito. Nakita ko ang mga tambayan ko, ang canteen, ang garden, nakakamiss ren pala talaga ang school! Sa banda paroon nakita ko ren ang kalsada kung saan ako nabunggo. Ang weird sa pakiramdam na nakikita ko lahat ng ito ngayon...

Naglalakad na kami ni Mama patungo sa Guidance Office. Never pa akong napatawag sa Guidance office sa tanang buhay ko so I can say this is my first time!

Nagkalat ang mga estudyante, may nakatambay sa tabi-tabi, may mga classroom akong nadaan na ang lalakas ng mga tawanan sa loob at ang ilan naman ay nakakasalubong ko sa paglalakad. Napansin kong lahat sila ay tumitingin saken. Ang weird pero at the same time namimiss ko ang pakiramdam na maging estudyante muli.

AWAKE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon