CHAPTER 13: ICE CREAM PLEASE?

956 29 0
                                    

Naramdaman ko siyang ngumingiti habang magkadikit ang aming mga labi, so I broke the kiss. I want to check out his expression. Akala ko mandidiri siya sa ginawa ko pero naka ukit  sa mukha niya ang mga ngiti pagtapos ko siyang halikan. Siguro isang malinaw na sinyales ito na kahit papaano ay gusto niya ang ginawa ko.

Nakakahawa ang mga ngiti niya kaya napangiti rin ako. Mga ngiting may tunog. Ngiting totoong masaya at mga ngiting tanging pag-ibig lang ang magiging dahilan.

"Amoy beer hininga mo!" pag-kantsyaw saken ni Richo. Inamoy ko ang sarili kong hininga, tama nga siya amoy Beer! Agad niya 'kong tinawanan. Tinapik ko siya sa braso at mejo nalakasan ko at iyon ang naging dahilan para makawala ako sa pagkakasandal ko sa pintuan.

Mejo matagal ren pala kaming nakatayo sa pintuan. Hindi pala mejo. Matagal talaga! Matagal kaming nagkatitigan at matagal ding nagdikit ang aming mga labi. Sobrang kakaibang adrenaline rush ang naramdaman ko kanina, Ibang-iba!

Ang daming first time na nangyari ngayong araw na ito. First time kong maka-ubos ng isang lata ng beer, first time kong mapaluha sa school, first time kong makakita ng isang high-tech na pintuan at higit sa lahat ng first time, ay ang first time kong humalik. Humalik ng kapwa ko lalaki.

Hinding-hindi ko pagsisisihan iyon. Hinding hindi!

Umupo ako sa kama ni Richo at ilang saglit pa'y humiga na ren, pero ang mga paa ko'y nakasabit sa dulo ng kama. Tinitignan ko si Richo na papalapit ngayon sa kama, tumabi siya sa'ken. Lumalim ang gilid ng kama dahil sa bigat ni Richo. Nakakailang dahil wala siyang suot na pang-itaas, tanging ang boxer shorts lang ang suot niya. Kaya ko pa namang pigilan. Tama na ang halik. Tama na yun. Enough is enough.

"Magdamit ka nga!" pagsaway ko sa kanya

"Ayoko nga!" syempre, hindi siya papatinag.

Tumayo ako para hanapin ang closet niya. Madali namang marecognize kung nasan kaya binuksan ko ito, naghanap ng t-shirt na pwedeng ipasuot kay Richo, sa paraang ito maiibsan ko ang awkwardness na nararamdaman ko ngayon. Nakakailang lang talagang makita siyang nakahubad lang? Naririnig ko siyang nagrereklamo habang naghahanap ako ng damit.

Nang makapili nako ng damit na maisusuot niya, nabigla akong nasa likuran ko na siya't hinalikan niya ang leeg ko! Agad na nanayo ang mga balahibo sa katawan ko sa ginawa niya! 

'Siraulo talaga to!'

Ibinato ko sa kanya ang damit na hawak ko at bumalik sa kama. Naisipan kong icheck ang phone ko at binuksan ang wifi. May password kaya tinawag ko si Richo para tanungin ang password, pero sinusuot pa niya ang binigay kong damit sabay ayos niya ng closet na nagulo ko dahil sa paghahanap ko nga kanina ng damit na pwede niyang isuot. Di ko akalaing may Super Mario t-shirt akong mahahalungkat sa closet niya kaya ito ang ipinasuot ko sa kanya. Buti sinuot naman niya. 'Hay Richo ang cute mo!'

Umupo si Richo sa kama katabi ko. Inabot ko ang phone ko para sa password ng wifi pero hindi niya ito kinuha.

"Anong password uy?" pagtatanong ko.

"Secret!" ang damot naman nito!

"Dali na?! Please?" pagpilit ko.

"Kiss muna?" aba? Ayos ha?

"Huh! Sabi ko na nga ba eh! Hahanap hanapin mo na ang mga labi ko eh!" pang-aasar ko.

Binasa niya ang labi niya gamit ang dila niya kaya bumalik ang pula nito sa natural nitong kulay. Natetempt tuloy akong gawin ulet!

Pero hindi!

I saw the clock hanging over the wall, it's 5pm na. I think it's time to go?

Tumayo ako sa pagkakahiga at dahan dahang lumapit kay Richo na nakaupo sa dulo ng kama niya. Nilapit ko ang mukha ko habang nakatingin ang mga mata niya sa labi ko, akala niya siguro hahalikan ko siya? Pero ang totoo niya'y nang-aasar lang ako.

AWAKE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon