CHAPTER 14: THE WORLD IS TURNING DOWN

809 28 3
                                    

"Fabian?!"

Nilingon ko kung sino ang tumatawag sa'ken. Sabay naming nilingon ni Richo kung sino ang tumatawag saken.

Si Mama?

Oo. Si MAMA!!

Naramdaman kong agad na tinanggal ni Richo ang kamay niya kasama ang tissue na ginamit niyang pampunas ng bibig ko. Pero ako, nanatili akong nakatingin kay mama. Parehong nakanganga ang mga bibig namen ni mama. Ako, dahil sa gulat na makita si Mama dito ngayon. Ewan ko lang sa kanya kung bakit siya nakanganga? Malamang nagulat rin siya na makita niya kami dito ngayon at for sure punong puno na naman ng malilisyosong bagay ang nasa isip ni Mama.

Hinihintay ko siyang ngumiti o magsalita man lang ng kung ano man pero mukhang pareho kaming naghihintayan kung sinong mauunang magsalita.

Si Richo na ang nagsimulang magsalita.

"Tita!" Tumayo si Richo upang lapitan si mama, bumeso ito kay mama, hindi ko alam kung nagustuhan ito ni mama dahil sa nakikita ko ngayon sa mukha niya mukhang ayaw niya ang mga nangyayari ngayon. Kinakabahan tuloy ako!

Kinuha ni Richo ang mga bitbit ni mama na supot at paper bags, malamang nag grocery si mama ngayon dito. Mabuti naman at nakapagsalita naren si mama kahit "Salamat..." lang ang lumabas sa bibig niya.

Umupo si mama sa tabi ko, ngunit hindi niya makuhang tignan ako. Nilagay ni Richo ang mga bitbit ni mama sa tabi niya. Tinitignan ko si Mama ngayon, wala ka pa ring makikitang reaction sa mukha niya. Nilalamon ako ng kaba ngayon! Dahil huli kong makita si mama na nanahimik ng ganito ay nung gabing makita niya si papa na may kasamang ibang babae. At isa lang ibig sabihin nito. HINDI ITO MAGANDA!

"Tita, may gusto po ba kayong orderen? Hinihintay pa po namin ni Richo yung cake na pinabake namen eh." pagbasag ni Richo ng nakakairitang katahimikan.

"Ahh, wala naman." at last lumingon na saken si mama. "Matagal pa ba yung cake?"

Alam kong saken tinatanong ni mama ang tanong niya. Pero si Richo ang sumagot

"Ewan ko nga po tita eh, ang tagal!"

Wala na naman ako sa katinuan at nilalamon na naman ako ng kaba, takot, over-thinking at kung ano ano pa para sagutin si mama ngayon. Katabi ko lang siya ngayon dito sa lamesa at ramdam kong hindi maganda ang mga iniisip niya at nararamdaman kong hindi magiging maganda ang mangyayari mamaya.

"Sansrival Cake for Sir Richo?" narinig namen ang boses ng babae mula sa counter. Ako ang tumayo kahit na 'Richo' ang tinatawag ng babae. Ewan ko anong nagtulak saken para tumayo? Pero bago pa man ako magpatuloy sa pagtayo pinigilan nako ni Richo. Siya na raw ang kukuha. Hindi nako nakipagtalo pa, muli akong umupo at kami na nga lang ang natira ni mama sa mesa. Ilang saglit ren na katahimikan ang namagitan, para bang hindi ko kilala ang katabi ko, parang ibang presensya ng tao ang nasa tabi ko ngayon para hindi siya kausapin.

Nilingon ako ni mama kaya tinignan ko rin siya. Tinitignan niya lang ako while her hands are crossed. Alam kong may gustong sabihin si mama pero nahihirapan siyang sabihin ito. Hanggang sa marinig ko na ang mga katagang lalong nagpakaba saken ngayon.

"Fabian, maguusap tayo mamaya!"

Napalunok ako kahit na wala na akong laway na malulunok. Wala nakong ibang mapagtuunan ng tingin kundi ang kinainan naming baso ng ice cream ni Richo kanina. Nang may biglang box na pinatong sa table, bumalik na si Richo sa table dala ang cake.

Nang makita namin ni mama ang cake nagtinginan lang kami, ako tinignan ko siya dahil tumingin siya saken, akala ko may sasabihin siya pero hindi ko alam kung bakit niya ako tinignan? Pero alam ko ang ibig sabihin ng ganung tingin.

AWAKE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon