CHAPTER 8: THE SUN FLOWER

1.2K 46 0
                                    

"ANOO?!"

Nabigla ako sa sinabi ni mama. Andito kami sa dining room, kumakain ng almusal at eto na agad ang pambungad na kwento saken ni mama.

"Oo! Wag mo kong sigawan Fabian!" galit na sabi ni mama. Mejo napasigaw kase ako kanina dahil nga sa pagkabigla mula sa sinabi ni mama

"Sorry naman Ma, nabigla lang ako. Baka kase niloloko niyo lang ako eh." sabi ko habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.

"Totoo mga sinabi ko Fabian! Andito nga si Richo kagabi! Naalala mo, hindi kana nagdinner kagabi tapos agad ka nang dumeretso sa kwarto mo at nakatulog ka kagad, kaya etong si Richo na nag-aalala kung nasan ka tumawag saken dahil hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya kaya sinabi kong andito kana sa bahay eto namang si Richo agad na pumunta dito at ayun nga nung pinapasok ko siya sa kwarto mo mahimbing na ang tulog mo! Ni hindi ka man lang nagpalit ng damit mo bago ka humiga sa kama, Fabian! Ano bang nangyari sayo ha? These past days you've been acting weird!" Mahabang kwento ni Mama with matching sermon na ren.

'Mom thinks im a weirdo?'

"Sobrang pagod nga kase ako ma, Naglakad la--" shocks nadulas ako! UGHH Bakit nabanggit ko pa yun!? Patay!

"ANO? NAGLAKAD KA? Tignan mo yang kalagayan mo, naka semento pa yang kaliwang braso mo tapos naglakad ka pa pauwi?! Pano kung ma-pano ka na naman? Kung ano-ano talaga pumapasok diyan sa kokote me eh noh?! Hindi mo na ginagamit ng maayos yang utak mo anak!" ayan galit na si mother monster!

Bakit ba kase pumunta dito si Richo kagabi? Sasabihin ko ba kay mama ang tunay na dahilan kung bakit ako naglakad kahapon? Ang daming bumabagabag na katanungan sa ulo ko.

"Kahapon kase Ma, ang tagal kong hinintay si Richo tapos hindi naman siya dumating. Kaya umuwi nako eh walang masakyan (kahit na meron) kaya naglakad ako pero sa gitna naman ng paglalakad ko, nakita ko si....... yung classmate ko, kaya pinasakay niyako sa kotse niya, hinatid nya ako dito. Kaya wag ka na mag-alala Ma." ayan kinwento ko na!

"You and Richo should talk! Pero wag mo nang uulitin yang balak mong mag death-march!" natawa ako sa death-march na pinagsasabi ni mama. "Anak, Alam mo ba kagabi, nung sinilip ko kayo sa kwarto, walang ibang ginawa si Richo kundi tignan ka lang habang tulog. Kung hindi ko pa nga sasabihing umuwi na siya, hindi siya uuwi!" pagtuloy ni mama sa kwento.

Hindi nako sumagot pa sa mga kwento ni Mama. Napatunganga nalang ako, hindi paren nag sisink-in saken na pumunta dito si Richo at nakita niya pa tuloy akong tulog!

Magsisimula na naman ang bagong araw. Nakakatamad pumasok lalo na ngayon, dahil sa mga nangyayari sa school, ang mga tropa ko galit saken, ang kikitid kase ng mga utak tapos ngayon eto may tampo ako kay Richo na tanging makakaramay ko dapat ngayon. Teka ang kapal naman ng mukha kong magtampo? Assumero kase ako eh no?! Ayan tuloy ang napala ko! Buti nga saken!

Habang sinisipsip ko ang kape, may nagdoor bell. Ang aga-aga naman ng bisita? Pero nanatili ang atensyon ko sa pag-inom ng kape nang biglang magsalita si Mama

"Fabian........Si Richo!" walang ekspresyon ang mukha ni mama, pero pinanlalakihan niya ako ng mga mata, basta may meaning yun hindi ko lang ma-determine ngayon.

Maya-maya pa, may matipunong lalaking pumasok sa pintuan na nasa likod ni mama.

Siya nga!

"Good Morning!" pagbati niya sabay ngiti. Yung ngiting may kaba.

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi pa ako handang humarap kay Richo. Hindi nalang ako sumagot, ngumiti nalang ako at tumungo atska nagpatuloy sa pagsipsip ng kape.

"Fabian, may bisita ka, asikasuhin mo!" lumapit saken si mama para ibulong ito.

Tumayo ako sa kinauupuan ko para asikasuhin na nga itong buisitang 'to ay este itong bisita ko -- ay hindi bisita pala namen ni mama!

AWAKE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon