Chapter 14

473 20 12
                                    

"Naman Vicks, tuwing uwi ko ba mag-aaway na lang tayong dalawa about kay Twinkle?" Star said angrily as she walked around the living room. "Hindi naman kasi tayo mag-aaway kung gagampanan mo ng maayos yung pagiging nanay mo e. Binubully si Twinkle sa school. Hahayaan mo lang? You're not going to do anything about it?" Vicky asked, frustrated. "Vicks, hindi sa lahat ng panahon to the rescue na lang tayo palagi. Dapat matuto si Twinkle na ipaglaban din ang sarili nya," Star answered. "Didn't stop me from rescuing you all the freaking time nung ikaw ang laging may kelangan. At mga teenager na tayo nun, what more ang bata? Ngayon anak mo na nangangailangan eh. Pinagtutulongan nga sya sa school. What part of that don't you understand?" Vicky said, feeling sorry for Twinkle. Star shook her head, "Vicks, away bata lang yan. Pati ba naman yun papatulan natin? Siguro naman hindi lang ako ang napagdaanan din yan sa school. Binubully din naman ako noon pero hindi naman ako nagsusumbong kanila nanay at tatay. Hinahayaan ko lang, and then eventually huminto din naman." Vicky sighed hard, "Actually wala naman talagang sinasabi si Twinkle, nakikita lang ni yaya Rose nya tuwing sinusundo sya. Hindi nag-sasabi yung anak mo pero yun ang sumbong ni yaya Rose kanila lola't lolo. So ganun na lang yun? Papabayaan mo na lang? You're not going to do anything about it? Kahit na alam mo na ikaw ang pinagmulan ng away ng mga bata? Sana man lang magpakita ka dun to shut those mean kids up. Para mahinto na. But no. You chose to side with those kids—" Star's eyes widened in disbelief. She cut Vicky off, "Anong 'side with those kids'? Gosh, Vicky. Wala akong kinakampihan. Sinabihan ko lang si Twinkle na kung ako ang pag-mumulan ng away nila ng mga bata dun sa school nya, then might as well not tell them na ako ang ate nya para wala na lang gulo. I didn't say na 'oo tama yung mga kaibigan mo, kasi di mo naman talaga ako ate'." Vicky scoffed, "Damn right you're not. Kung pwede lang sumugod dun at isigaw sa mga batang nang-bubully kay Twinkle, 'Hoy! Tumigil tigil kayo ha. Hindi ate ni Twinkle si Star Andrada. NANAY NYA!' That will shut those kids up." Star shook her head, "Vicks, napagusapan na din natin yan. Ako ang may responsibilidad na sabihin yan kay Twinkle, okay? Not you. Not lolo and lola. Me." Vicky took a deep breath, "Alam ko. Hindi ko rin naman sinabi na yun talaga ang gagawin ko. Pero kung pwede lang sana, edi ginawa ko na." Star shook her head again. Vicky added, "Alam mo, hindi naman ako mangingialam sa parenting mo kung alam ko nasa tama ka. Pero hindi eh. Ni hindi ka na masyado nag-papakita sa anak mo. Tapos ngayon namang in distress sya at nagkaka-problema sa school, you're not doing anything about it. Why? Dahil puro ka trabaho. Pangarap, pangarap, pangarap. Eh eto na oh, nakuha mo na yung pangarap mo. Sikat ka na. Hindi na nga tayo makalabas ng bahay ng hindi nabubulag sa flash ng camera ng mga taong nag-hahabol sayo. You've achieved your dreams kung tutuusin eh. Why not take a step back and pag-tuunan mo naman ng pansin yung ibang bagay na dapat pinagtutuunan mo ng pansin tulad ng pamilya mo, ng anak mo? Alam mo dapat instict na nga yan na pag naaapi ang anak mo, to the rescue ka kaagad. Naiintindihan ko na gusto mo matuto syang ipaglaban ang sarili nya, pero pano sya matututo kung walang mag-tuturo? That's when you, as a mother, should step in. Hindi yung hahayaan mo na lang yung bata to deal with it on her own and find a way out. Do you know how damaging that is sa development nila?" Star sighed, "Eh yun nga problema eh. Noon pa lang, pinag-bubuntis ko pa lang sya, inantay ko kung kelan mag-kikick in yang mother instinct na yan. Ten years old na lang si Twinkle, wala pa din." Vicky sighed, too. "Kaya nga. Then kaya kita ginagabayan, Amelia. Alam mo, you always hated pag I talk to you like you have a mental issue. You think it's me diagnosing you all the time. Hindi naman eh. Actually, dapat matuwa ka. May kaibigan kang magiging psychologist. Free consultation all the time. Pero you always take that for granted kasi wala pakong degree eh. Hindi ko pa natatapos yung schooling ko kaya you probably don't trust my judgment and advice. Siguro naman pag nakatapos nako at may diploma nakong mapapakita sayo, you'll start to listen. For now, sana gawin mong gabay yung mga advice ko di lang when it comes to parenting pero sa life din. I only mean well, and you know that, Amelia." Star took a deep breath, "Vicks, I'm sorry that you feel na lahat ng gabay mo sakin are being taken for granted. Tama ka, matigas lang talaga ulo ko pagdating sa pagiging nanay ni Twinkle. I still have a lot of hesitations pagdating sa kanya kaya siguro hindi ako effective na mother. Hayaan mo, I'll take your advice from now on." Star promised. Vicky shook her head because she heard all these promises before.

Star & Twinkle (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon