Chapter 17

551 18 6
                                    


"What?" Vicky could not believe what she just heard. Star nodded as if she had already decided. "Amelia naman. Ano nanaman napasok dyan sa kokote mo at naisip mo nanamang ipadala yang anak mo sa America? Hindi yan balikbayan box na pwede mo na lang i-ship ng ganun kalayo." Vicky said shaking her head. "Bakit? Yun din naman ginawa mo sa kanya nung baby sya diba? Pinagka-iba lang, ginawa mo syang pizza delivery sa nanay at tatay ko. Isa pa, ang dami daming pinapangarap makapunta ng America lalo na mga batang katulad nya. Ang swerte swerte na nya kung tutuusin, binibigay ko lahat ng oportunidad para sa kanya. Tapos sayang pa yung kinuha nating Visa nya nung balak sana natin mag-bakasyon sa America pero di natuloy, malapit na mag-expire." Star said as she looked at Vicky. Vicky shook her head disappointingly. "Eh sa probinsya pa nga lang hindi mo na mabisita yang anak mo, sa America pa kaya? Tsaka dapat sinasamahan mo na sya ngayon na wala na sila lolo't lola. Kala ko pa naman papataposin mo lang sya ng high school tapos babawi ka na sa kanya, mas naging worse pa pala. Ipapadala mo sa kabilang dulo ng mundo, para saan? Para ilayo sya lalo sayo? Para hindi mo na kelangan isipin ang responsibilidad na meron ka sa kanya? Para wala ka ng isiping 'problema' dito sa 'Pinas? Alam mo kung tutuusin yun lang naman ang tingin mo sa kanya eh. Isa syang 'problema' lang sayo." Vicky said as she followed Star around the house when she was trying to get away from Vicky and her continuous lecture on how to be Twinkle's mother. "Pwede ba, Vicks, tigil tigilan moko. Alam ko kung ano mga decision ko. Alam ko kung ano mga ginagawa ko kahit pa sabihin mong wala akong alam sa pagiging ina. Lahat binigay ko kay Twinkle—" Star said before Vicky cut her off. "Oo lahat ng PERA binigay mo kay Twinkle. Pera na hindi naman nya hiniling sayo. Buong buhay nya hindi mo binigay sa kanya ang talagang kinailangan nya. Yung oras? Atensyon? Pag-aaruga at pag-mamahal ng isang nanay o ng isang kapatid man lang hindi mo nabigay!" Vicky yelled aggressively. "Kinailangan ko mag-trabaho para mabigay sa kanya lahat ng kailangan nya! Pasalamat nga kayong lahat na kahit ginusto kong ipaampon sya, ginawa ko pa rin ang lahat para tustusan lahat ng pangangailangan nya!" Star yelled back at Vicky. "Pero wala kang alam kundi trabaho! Trabaho! Trabaho! Trabaho! Nung nag-kasakit yung anak mo, nung binubully sya, nung kinailangan ka nya dahil wala na sila aling Agnes at mang Arnel tapos sila lolo at lola? Asan ka?? Nasa putang inang taping ka, pretending to take care of your on-screen son being the good pretend 'mother' sa isang pelikula! Habang yung anak mo sa totoong buhay nag-luluksa, nangungulila at inaapi habang wala ka!" Vicky had to keep herself steady. Her head spinned from all the anger that she had just released on Star. "Wala kang alam sa mga pinag-dadaanan ko, Vicky! Wala kang alam sa mga nararamdaman ko! At lalong wala kang alam kung anong nasa isip at puso ko!" Star said, her voice trembling. She was crying now, but the fierce look in her eyes remained. Vicky shook her head. She was crying, too. She wiped her tears. All her frustrations towards Star that she had kept bottled up all those years were waiting to be unleashed. "All her life, pinasa mo sya sa mga mabubuting taong alam mong hindi ka kayang tiisin. Noong una pa lang na hindi mo kinaya yung balita na buntis ka sa kanya, si Alfred ang una mong kinapitan dahil hindi mo ako naasahan. Nung nawala na sya, hindi mo tinatagan ang loob mo para sa anak mo. Instead, ako ang pinatawag mo. Pinatawag mo ako dahil alam mong hindi ko kayang tiisin ka at alam mo rin na the moment na makita ko ang anak mo, hindi ko na rin sya matitiis. Binigay ko ang anak mo sa mga magulang mo dahil kung tutuusin parehas lang tayo ng gagawin. Kung hindi ako nag-punta dun sa hospital, alam ko na ang nanay at tatay mo din ang papupuntahin mo para mag-desisyon para sayo. Pero sa tingin ko kung yun nga ang nangyari, sa loob loob mo gusto mo talagang kunin sya ng mga magulang mo. Nung mawala sila na nag-alaga kay Twinkle nun, instead na mag-step up ka na bilang nanay ni Twinkle, pinasa mo ulit sya. Pinasa mo sya kanila lolo't lola. Isang oportunidad nanaman ang nasayang para sana maayos nyo ang relasyon nyong mag-ina, pero hindi. Sa pangarap ka pa rin nakahawak. Pero pilit naming lahat inintindi kung bakit mo kinailangang piliing mag-trabaho. Pinilit naming intindihin at isipin na baka talagang gusto mo lang bigyan ng magandang buhay si Twinkle kaya ganun ka na lang nag-porsige sa mga pangarap mo. Pero unti unti mo ng nakamit yun, Amelia. Kaya umasa pa rin ako na parating na yung araw na babawi ka naman para kay Twinkle. Nung namatay si lolo Henry, kung tutuusin pwede ka naman na sana tumigil muna sa trabaho. Mag-take ka man lang sana ng break. Hindi ka muna sana tumanggap ng mga projects. Pero hindi, bumalik ka pa din eh. Nung namatay si lola Eva, yun nanaman sana ang isa pang oportunidad para samahan mo muna yung anak mong nagluluksa sa probinsya. Pero hindi pa din. Pinasa mo sya kanila yaya Rose at Lucy. Pinasa mo sya kay Millie. Mga taong hindi rin matiis si Twinkle naman ang tinake advantage mo na sasalo sa responsibilidad mo sa kanya. Tapos akala ko pansamantala lang hanggang mag-graduate sya pero eto nanaman, ipapasa mo nanaman sya kay Millie at sa pamilya nya. Sila nanaman ang gusto mong mag-alaga sa kanya. Lahat nakamit mo na sa career mo, Amelia. Hanggang kelan ka mag-tatrabaho? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangarap na nakamit mo na? Kelan ka pa makukuntento?" Vicky asked, her chest aching. Her heart had been broken so many times because of how Star treats Twinkle. Star was breathing fast. She was upset, too. "Buong buhay ko, hinabol ko at pinang-hawakan ko ang mga pangarap ko because I think dun lang ako magaling. Dun lang ako nag-eexcel. Feeling ko dun lang ako nakakagawa ng tama. Tuwing nakikita ko si Twinkle, she reminds me of how bad of a mother I am, na kahit anong gawin ko, I will never be good enough para maging nanay nya. Nakita ko kung pano nyo sya inalagaan. Inalagaan mo sya, inalagaan sya nila nanay at tatay, inalagaan sya nila lolo't lola at inalagan sya nila yaya Rose at Lucy pati na rin ni Millie. Feeling ko kahit itry ko, hindi ko kayang pantayan yung pag-aalaga at pagmamahal na binibigay nyo sa kanya. Dahil sa tuwing nakikita ko sya, lahat ng mapapait na nangyari sa buhay ko ang lagi kong naaalala. Mga alaalang ayoko ng balikan pero palaging nababalik sa akin tuwing nakikita ko sya, tuwing kasama ko sya. Tuwing sinusubukan ko na ayosin yung relasyon ko sa kanya tapos nakikita ko kayo kung pano kayo sa kanya, napapahinto na lang ako. Takot ako. Takot na takot ako na baka it's too late. Baka it's too late para maayos pa kung anong meron kami kaya hinayaan ko na lang." She wiped her tears as she looked away. Vicky took a deep breath, "Takot ka na baka it's too late kaya hindi ka na lang mag-tatry? Eh pano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Takot kang masaktan kaya ikaw na lang ang nananakit. Bahala ng nasasaktan mo ang anak mo basta hindi ikaw ang nasasaktan? How is that fair, Amelia? If you had taken the time to get to know your daughter edi sana alam mo na hindi ka ever susukuan ni Twinkle. Ewan ko ba kung lukso ng dugo ang tawag dun, pero sobrang lambot ng puso nya sayo. Ilang taon mo na syang binibigo, ilang taon mo na syang pinapaasa, and I'm sure ilang taon mo na rin syang sinasaktan, and yet nangungulila pa din yung bata sayo. Kaya ako nasasaktan e, kaya ako nagagalit, kasi kahit ganun mo na lang sya kung tratohin, mahal na mahal ka pa din nya at umaasa pa rin sya na mag-karon sya ng relationship sa ate nya. Kung gugustohin mo naman talaga, sya pa ang lalapit sayo. Sobrang mapagmahal ang anak mo, Amelia. Nasasayangan ako sa mga oras na you're missing out and you're not seeing how good your daughter really is." Star sighed, "Sasamahan ko sya the first couple of weeks. Kelangan ko din naman syang kunan ng school visa para makapag-aral sya dun. Sasabihin ko sa kanya na i-try nya muna.
If enjoy sya dun at gusto nya mag-stay, then saka ko sya kukunan ng student visa. If not, then iuuwi ko sya pabalik dito." Star reassured Vicky. Vicky nodded, but deep inside, she didn't want Twinkle to go. They both wiped their tears. Then they stood up and went to their own bedrooms without having anything to eat.

Star & Twinkle (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon