Chapter 5:New beginnings

145 17 107
                                    


New beginnings:when you start a new and forget the old..its like you are burning yourself into ashes...

Rosillianne P.O.V.

Halos isang libong taon na akong namamahala bilang isang reyna ng mga bampira sa Silverhawk Association..siguro nagtataka kayo kung ano to..ang VCU na unibersidad ay nahahati sa dalawang gusali..

Silverhawk at Pendant owl..ang silverhawk ay kung saan nag aaral,namamahala,naninirahan at nabubuhay ang mga mabubuting bampira

Ang Pendant owl ay kung saan namumuno ang mga masasamang bampira,mga mababangis,agresibo,mga kumakain ng mga lamang dugo ng hayop o tao..mga walang awang nilalang..kung sinoman ang magkakamaling maligaw sa lugar na ito ay tiyak na walang makakaalis ng buhay..

At kung may tao mang makapasok sa mundong ito ay tiyak na pag aagawan at pagkakaguluhan ng mga masasamang bampira..Dahil ang dugo ng tao ay mas magpapalakas ng kanilang kakayahan at abilidad upang mapamunuan ang buong unibersidad ng sa ganun pati kami ay mapapasama at makokontrol nila sa kanilang kasamaan

Ngunit walang makakauna sa reyna at hari ng mga bampira na sina Theodore El Vante at Serfina..kung sinoman ang makataga ng tao sa mundong ito ay tyak na sila mas makakakuha ng makapangyarihang dugo...

20 years ago..umibig ako sa isang tao nung minsang naligaw din ako sa mundo ng mga tao at ng makabalik ako sa mundo ng mga bampira..Di ko namalayang nabuntis ako at ang aking dinadala ay anak ng isang tao..

*Flashback*

"Mahal na reyna!san ka pupunta!di ka pwedeng pumunta sa lagusan ng kagubatang yun  ng walang kasama!"sigaw ng isang tauhan namin na bampira saka tumakbo sya papunta sakin at akmang hihilahin nya na ako ng biglang nagpalabas ako ng electricity sa kamay ko at binuwelo ko sa dibdib nya kaya napalipad sya at nabangga sa dingding ng mansyon at nagkaroon ng konting biak sa wall ng masyon...

"Pabayaan nyo na ako!Kaya ko ang sarili ko!"pasinghal kong tugon sa tauhan

"Pasensya na kayo mahal na reyna!Gagawin ko ang lahat para hindi kayo makaalis dito!"sabi ng tauhan

Tumayo sya at nagpalabas ng matalim na espada at akmang susugurin nya na ako at tatamaan ng esapada ng nagpalabas ako ng kapangyarihang magneto kaya napahinto ang pagtarak ng espada nya dahil kinontrol ko ito at pinagpira-piraso ang espada nya ...

Papaalis na sana ako ng muli syang tumayo at sinugod ulit ako ng malakas na suntok kaya napatalon ako sa kaitaasan at natangay ng paa ko ang isang vase at pumaikot muna ako bago ko itinama ang vase papunta sa kanya... At saktong tumama sa ulo nya kaya nawalan sya ng malay..

Kaya wala ng makakapigil sakin at sinuot ko na ang gintong coat ko at nagsimula na akong magteleport papunta sa lagusan ng kagubatan..

Setting:Sa Kagubatan ng Armadillo..(kung saan naligaw si Kaileen)

Ng nakateleport na ako ay agad kong pinuntahan ang Ilog Sawana..dahil ang pakay ko ay kumuha ng rainbow lotus..sapagkat ang rainbow lotus ay magbibigay ng enerhiya sa aming kakayahan..at para na rin ito sa mga tauhan ko..

Kaya tumungo na ako sa ilog upang kumuha nito ng marami at dahan dahan kong kinuha isa isa ng may naalimpungatan akong boses ng isang halimaw..at ang tunog nito ay agresibo at naglalaway na para bang kakainin ka ng buhay..hindi lang iisa kundi marami ang naririnig ko..

Ng lumingon ako nakita ko ang limang lobong titig na titig sakin at mukhang aatakehin na ako ng mga lobo kaya tumubo ang mga kuko ko at matatalas na pangil ...

Susugurin na nila ako ng patalon ng nagpalabas ako ng apoy sa aking mga kuko at sinunggaban ko ang mga leeg ng mga lobo at pinaikutan isa isa kaya nagsibagsakan ang mga ito sa lupa..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vampire Cage UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon