Bakit nila nakukuhang tumawa?
Saan sila kumukuha ng lakas ng loob?
Ayoko sila. Naiinggit ako.
"Kain ka na."
Lumingon ako sa pinaggalingan ng boses na iyon. Inirapan ko lamang siya
Nandito nanaman siya.
Hindi ba 'to nagsasawa?
Ako nga sawang-sawa na sa pagmumukha niya.
"Pupunta na ang doctor mo mamaya. Kumain ka na."
Nakita ko siyang lumapit habang dala ang tray na puno ng mga nakakasurang pagkain. Kaya imbes na sagutin ay tinalikuran ko lang siya ulit.
Naglakad ako papunta sa bintana at doon humaplos ang lamig ng simoy ng hangin.
Napangiti ako.
Ang lamig. Ganito rin kaya kalamig ang katawan ko kapag namatay na ako?
"Wag kang lumapit. Ayoko sa pagkain mo at mas lalong ayoko sa pagmumukha mo," sambit ko ng maramdamang nasa likuran ko na siya.
"Ano bang gusto mong gawin ko para bumalik ka na sa dati?"
Unti-unti akong napalingon at tinignan siya. Ang mga mata niyang kulay abo ay napakaganda.
Tinitigan ko ito at napaisip.
Ano nga ba ang pwede niyang gawin?
Ano nga ba ang gusto ko?
Nabigyang kinang ang aking mga mata nang mapagtanto kung ano ang gusto ko.
Tama! Iyon nga ang gusto ko!
"Gusto ko ang mga mata mo, pwede ko ba iyang kunin? Pwede bang saakin nalang?"
Unti-unti akong humakbang palapit habang siya naman ay umaatras.
Ngiting-ngiti ako habang naglalaway.
Nararamdaman ko ang laway kong dumadaloy sa aking hita pababa sa aking mga paa.
Nagugutom na ako.
"Ano bang mata ang sinasabi mo?"
Kita ko ang takot sa mga mata niya pero wala akong pakialam. Basta nagugutom na ako at gusto ko ang mga mata niya.
"Bingi ka ba?! Ang sabi ko gusto ko ang mga mata mo! Ibibigay mo ba o ako ang kukuha niyan mula sayo?!"
Nanggagalaiti na ako.
Hindi ko alam pero hindi na ako natutuwa.
Bigla kong naramdaman ang galit sa buong katawan ko.
Masyado siyang mapapel sa buhay! Kung hindi naman pala niya maibibigay ang gusto ko edi sana hindi na siya nagtanong pa!
"Tanga ka talaga!"
Pagkatapos ko siyang sigawan ay ngumiti ako nang pagkatamis-tamis.
"Halika na, hindi ito masakit. Dudukutin ko lang ang mata mo pagkatapos ay ibabalik ko rin," napatawa ako, "-yun ay kung may matitira pa. Parang kagat lang naman ito ng langgam, ng malaking- malaking langgam."
Tumakbo ako papunta sakanya habang nasa ere ang kamay ko, hawak ang matulis na gunting.
Paatras siya nang paatras hanggang sa marating niya ang likod ng saradong pintuan.
Hinila ko ang kamay niya at pilit inaabot ang kanyang mga mata.
Iniharang kanyang mga kamay kaya't iyon ang nasugatan.
Nakita ko ang pagngiwi niya.
Muli ko sana siyang titirahin nang bumukas ang pintuan at nagsidatingan ang mga walang kwentang nurse at doctor.
Hinablot nila ang dalawa kong kamay at pilit na pinapahiga sa kama.
Nakita ko naman ang paglabas niya mula sa pintuan.
"HINDI! ISANG MATA LANG NAMAN. ISA LANG!"
Hindi nila ako pinakinggan.
"AYAW NINYO?! PWES YANG IYO NALANG!" Agad agad kong dinukot ang mata ng isang nurse na malapit saakin.
Nakita ko kung paano humiwalay ang mga ugat ugat nito. Nagningning ang mata ko sa nakita!
"Ang mata ko! Ang mata ko!" Hindi ko pinansin ang kanyang pagsigaw at ang mga kasama nito na tinutulungan siya.
Hinaplos-haplos at binilog-bilog ko ang matang puno pa ng dugo.
Tumingin ako sa gawi nila at ngumiti ng malawak.
Nakita ko ang takot sa mga mata nila.
"Gusto niyo?" Alok ko sakanila ngunit lahat sila ay nanlalaki lamang ang mga mata.
Hinigop ko ang mabasa-basang parte ng mata, napakananam.
Pagkatapos ay buong-buo ko nang kinain at nginuya nang nginuya.
Mukhang masarap ang tulog ko mamaya.
YOU ARE READING
Who are you?
Mystery / ThrillerSino nga ba ang totoo at sino ang hindi? Sino ang ilusyon at sino ang nag-iilusyon? Maaaring ikaw, maaaring ako. Maaari rin namang wala.