Audienza's POV
Bigla nalang nawala si Mandy sa tabi ko. Nagsialisan na ang mga estudyante dahil wala namang nangyayari. Napagtripan lang siguro kami.
Sumunod kaming umalis nina Tigris at Stallion at dahil wala naman kaming teacher ay pumunta nalang kaming cafeteria.
Doon ay nakita namin sila Kiana at Evelyn kaya nakitable na kami.
Habang kumakain ay biglang nagsalita si Kiana.
"Namimiss ko na si London. Hanggang ngayon hindi pa nila nakikita ang gumawa no'n." Uminom siya ng tubig habang pinipigilan ang mga luha.
"Don't you think it's weird?" Sabi naman ni Evelyn.
"Weird ang alin?" Sabay sabay naming tanong.
"Lahat nang namatay kamakailan lang eh hindi lang basta pinapatay. Tinatakot muna sila," paliwanag niya. Parang mas naguluhan lang kami kaya naman nang tinanong ni Tigris kung paano silang tinatakot ay isang salita lang ang naisagot niya.
"Phobia." Tinignan niya kami isa isa.
"Lahat sila ay inatake ng phobia. How did I know? Syempre naghire ako ng investigator." Paliwanag niya
Bigla namang nagsalita si Stallion na parang may naalala.
"Tama. Si Kyla ay may phobia sa vomit, si London sa dilim." Tumatango-tango pa siya sa sinabi niya.
"And guys. Ganoon din ang nangyari kay-" she paused, "Lorvik at Kia."
Lahat sila natahimik. Walang nagsasalita matapos sabihin ang dalawang pangalan na yo'n.
Ayoko ring magsalita.
Napaangat naman kami ng tingin nang may biglang sumingit sa usapan.
"Si Lorvik, phobia sa dugo. Si Kia sa mga ipis," ngumiti siya pagkatapos iyong sabihin.
"Ate Madeline!" Lumapit kami isa-isa sakanya at niyakap siya.
Siya ang dati naming school doctor, ang kapatid ni London. Napakabait nito,salungat sa kapatid niya.
"Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan niyo ah."
"Medyo po ate." Si Tigris na ang sumagot.
"Paano niyo nga po ulit nalaman yung kay Lorvik at Kia?" Stallion asked.
"Ah, 'yon ba? Wala. Based on my deep observations." Sabi niya at saka ulit ngumiti.
Hindi nalang kami nagsalita pa. Napansin ko rin na walang imik at panay ngiti lang itong si Stallion.
Ano namang drama nito?
"Tigilan mo nga ang kakasunod sakin!"
Napalingon kami sa pamilyar na boses na iyon.
Papalapit si Mandy saamin habang may kasama.
Sino naman kaya iyon?
Padabog siyang umupo sa tabi ko. Tumabi rin naman agad sakanya ang lalaki.
"Hi guys!" Ngiting-ngiti ang lalaki sa harap namin. Gwapo na sana, parang may saltik lang.
"And who are you?" si Kiana, habang nakataas ang kilay.
"Oh. I am Top Treizon, business Ad. 4th year, transferee." Ngiting-ngiti niyang sagot kay Kianna habang may pataas-taas pa ng kilay.
Ay, baliw nga.
"Woah bro. Classmates tayo. Nice to meet you." Nakipagkamay si Stallion sakanya.
Himala at nagkaroon ito ng dila. Ganoon rin ang ginawa ni Tigris, Evelyn,Kiana at Ate Madeline. Sumunod na bumati si Mandy.
Nang iniabot naman nung abnong lalaki ang kamay niya saakin ay nginitian ko lang siya. Bigla niya naman akong nginisihan.
Para talagang tanga. Teka, bakit ito kasama ni Mandy?
Itatanong ko sana pero pinigilan ko ang sarili nang makitang nakabusangot niyang tinitignan ang lalaki. Wag na nga, mukhang hindi rin naman niya nagustuhan 'tong ugali ng lalaki.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin saamin si Ate. Kaming pito naman ay pumasok na para sa ikalawa naming klase.
YOU ARE READING
Who are you?
Mystery / ThrillerSino nga ba ang totoo at sino ang hindi? Sino ang ilusyon at sino ang nag-iilusyon? Maaaring ikaw, maaaring ako. Maaari rin namang wala.