CHAPTER 5

12 3 2
                                    

Kiana Stan's POV

What is she doing here?

There's no way in hell na-

Nagising ako sa pagkatulala nang bigla akong tapikin ng baklang si London.

"What?!" I hissed. Nairita ako bigla.

Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?

"She's pretty ano?" Sabi niya habang kinu-curl ang imaginary hair niya.

She's not pretty. Kung alam lang nila.

"Yeah." 'Yun lamang ang naisagot ko.

Ayaw ko namang magpakabiatch no. Let's say na hayaan nalang natin na siya mismo ang kusang maglabas nang kung anong nalalaman ko.

Tumingin siya sa gawi ko at ngumiti.
Inirapan ko lang siya at umayos na ng upo.

Mandy is not what and who you think she is. She's different.

How did I know? Basta alam ko lang. Period.

Umayos ako ng upo at nakipag usap nalang kay London.

I need to distract myself.

***

Tigris Liberty's POV

I saw how Kiana and Mandy stared at each other.

Kakaiba. Para silang may pinag uusapan na sila lang ang nakakaintindi.

I've known Mandy since gradeschool. Classmate kami nun at business partners naman ang parents namin. But then napaisip ako, what is she doing here?

Ayaw niya rito. That's what she said the day after niya sanang mag-enroll dito.

Did tito sent her here? O siya ang nagkusa?

Kung siya ang nagkusa, then why?

Napatigil ako sa pag-iisip ng mapansing nagsitayuan na ang mga kaklase namin.

Lunch na pala, hindi ko man lang napansin.

"Hey Tigris!" I smiled at her nang tawagin niya ako.

"Look who's here! Payakap naman!" I said at akmang yayakapin siya nang bigla siyang umilag. Sumimangot naman ako.

"Stop it Tigris! Baho mo." I chuckled. Kahit kelan talaga gago rin to.

"Lunch na tayo!" Stallion said habang nakatingin saamin.

Ginulo niya naman ang buhok ni Santi para nanaman mang-inis.

Hindi nalang kasi umamin.

Nang papunta kami sa cafeteria ay panay lang ang kwentuhan. Pati nga si Santi na hindi naman nagsasalita at panay lang ang pagsusungit ay tumatawa na ngayon.

I can see her longing for Mandy.

Come to think of it.

Ano nga ba ang nangyari sakanila?

***

Audienza's POV

Sobrang saya ko na makasama ulit si Mandy, dahil nga last year ay hindi siya nagparamdam saakin. Walang text o kahit ano so now, I'm more than happy to see that we're finally back to normal.

That's what I wanna believe for now.

Pero may inaalala pa rin ako.

Iyong mga mata niya kanina nang pumasok siya ay ibang-iba. Alam kong may mali but I chose to shut up.

Nasa cafeteria na kami nang biglang may sumigaw na babae, she shrieked na para bang may sunog na nagaganap.

Lahat kami ay napatingin doon.

Humahangos na nakatingin saaming lahat ang isang freshman student habang takot na takot.

Maraming nagtanong kung bakit at lahat kami ay nagpantig ang tenga sa narinig.

"Si K-k-yla n-asa," she breathed in and out habang humihikbi,

"-patay n-n-a."

Hindi namin kilala kung sino ang tinutukoy niya ngunit agad-agad na nag-unahan ang mga estudyante sa comfort room kung nasaan raw ang Kyla.

Nakita kong nauuna nanaman sila London at Kiana sa pintuan.

"Oh God!" Napatakip si Kiana sa nakita.

Dahil nacurious naman ako ay tinignan ko ang loob. Sumunod naman sila Stallion. Napatakip kami sa ilong nang masinghot ang masangsang na amoy.

Kaming anim lang ang nakapasok sa loob. Ako, si Mandy, Kiana, Stallion, London at Tig-

Teka? Nasaan si Tigris?

"Umalis. Kukuha lang daw ng tubig." Sagot ni Stallion na para bang nabasa ang naiisip ko.

"What is this? Is this a sulat?" Lumapit si London sa gilid ng bangkay na nilalanggam na at may pinulot.

Bigla niya itong binasa ng malakas.

"Never read this out loud. If you do, you'll die."

He dropped the note and with his knees trembling ay bigla nalang siyang napaluhod.

"This is bullshit! Whoever did this. May sapak na sa ulo!" Hinagod ni Kiana ang likod ni London at dahan-dahan na silang umalis.

We even heard London ranting about how bullshit the note was.

Bigla namang nagsidatingan ang mga
pulis at teachers kaya umalis na rin kami. Bumuntong hininga si Stallion at nagpaalam na umalis.

Aayain ko na rin sanang umalis si Mandy nang magsalita siya.

"Kaya ayokong lumipat dito eh." She smiled but the pain was visible in her eyes.

Curiousity filled me inside.

Why Mandy? What really happened?

Who are you?Where stories live. Discover now