CHAPTER 8

21 3 1
                                    

This chapter is dedicated to user84556617. Thankyou for reading. (Okay na oppa? scripted 'to hahahaahahahaha)

Stallion’s POV

I covered up my face with a blanket nang tumama sa glass window ang sinag ng araw.

Wala na rin akong nagawa kung hindi ang bumangon at maghanda sa pagpasok.

After doing my daily pampadagdag gwapo routine, I finallt went downstairs. Muntikan na akong mahulog sa hagdan when I heard some news flash!

Agad-agad akong bumaba at pinanood ang balita. My heart started to beat irrationally.

“London Zuniaga was found dead inside the AMBERT 1987 UNIVERSITY, ang school na mismong pinapasukan niya. According sa mga pulis ay hindi sinasadyang maikulong ang sarili sa lumang stockroom nang -”

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng reporter at agad-agad na pinaharurot ang sasakyan sa school.

Nag-absent lang ako kahapon may hindi na magandang nangyari.

Ilang oras lang ay nakarating na rin ako. Naghahanap ako ng mapagpaparkingan nang biglang magring ang aking phone.

Santi Calling…

“Hello Audi? Why?” Urgh! Bakit kung kailan nagmamadali saka pa nawalan ng bakanteng parking area.

“Wala. Halika na sa school,” then she ended the call. Minsan talaga may pagkasapak sa ulo tong babaeng to.

After how many minutes ay nakahanap na rin ako. Napakalawak kasi ng parking lot kaya matagal akong nakahanap. Nakarating tuloy ako sa dulo.

Pagkababa ko ng sasakyan ay may nakita akong anino na dumaaan sa side mirror ko. I looked around and saw no one. Nasosobrahan na yata ako sa kape.

Naglalakad na ako papuntang entrance ng main gate ng school nang maramdaman kong parang may nagmamasid.

What the hell! Kung si Tigris lang ito at nagpraprank, masasampolan talaga siya sakin!

Ilang mga sasakyan na sa parking lot ang nalampasan ko ngunit ramdam ko pa rin ang sumusunod na titig.

Binilisan ko ang paglalakad at nakarinig nang kaluskos na palipat-lipat sa mga sasakyan!

Nalintikan! Bakit ba kasi sa pinakdulo pa ako nagparking? Dapat sa kabilang building nalang pala ako nagpark! Damn it!

Takbo’t lakad ang ginawa ko hanggang sa may mabigat na kamay na humawak sa balikat ko.

Halos nawala lahat ng dugo sa aking mukha at naramdan ang nanlalamig kong mga pawis sa buong katawan.

Unti-unti akong humarap at nagpapadyak sa pinaghalong inis, takot at ginhawa na makitang isang matanda lang pala!

Pero parang may mali. Bakit parang may sumusunod saakin at hindi itong matanda?

“Iho,” bumuntong hininga muna ako bago tinignan ang matanda.

“Kayo nanaman ho. Pwede po bang tigilan niyo na ako.” Ito nanaman kasi yung matandang nagpakita saakin at nagbigay ng hindi ko matandaang babala nung first day of school.

“Nakasunod siya sayo. Kung ayaw mong lumayo, susunod at susunod siya sayo.” I looked at her with confusion.

Ano bang pinagsasabi nito?

Hindi ko nalang siya pinansin at tuluyan nang tinakbo ang daan papuntang campus.

***

Audienza's POV

Who are you?Where stories live. Discover now