CHAPTER 7

14 3 2
                                    

Mandy's POV

I never thought na magiging gano'n ka-hassle ang first day ko sa Ambert.

Ang pagkikita muli nila Audi, Stallion, Evelyn, Kiana at Tigris.

Ang pagkamatay ni Kyla at ang weird note na kasama nito at-

ang diamond braelet na may pendant.

Kanina ay halos ayokong makita ang school na 'yon. Naalala ko pa rin ang mga nangyari a year ago at alam kong ang nangyari kanina ay konektado sa nangyari noon.

Paano ko nasabi? Siyempre I asked Kuya to investigate about the personal information of that poor girl named Kyla at napag alaman kong meron siyang Emetophobia or fear of vomiting and fear of loss of your self control.

Sabi ni kuya, mayroon daw taong naglagay ng kakaibang amoy sa comfort room bago pumasok ang biktima. It was planned dahil alam niyang masusuka at masusuka ito at doon matritrigger ang phobia niya. Naligo na siya sa sarili niyang suka na walang tigil sa paglabas. And then boom! She was suffocated and was choke to death.

And narealize ko rin na kaya wala na siyang suka kanina ay baka kinain na ng mga langgam o daga o pwede ring the killer cleaned up her vomit.

The lifeless body smelled like shit dahil na rin siguro mag-iisang lingo na ito dito, nung enrollment pa.

Ano ba itong pinasok ko? Should I tell Stallion, Tigris and Audi para mag-ingat sila?

Naalala ko ang diamond bracelet. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya iyon suot. Hindi pa rin ako makapaniwala because she's somehow my friend.

Hindi naman siguro diba? Hindi naman siguro siya diba?

But Evelyn, why? Why are you wearing that damn bracelet!?

****

London's POV

Sakay ang aking Ducati ay nakarating ako sa school. Pinilig ko ang ulo ko nang maalala ang pinulot kong note kahapon.

I read it out loud. Totoo naman kaya 'yon?
Dirediretso ang lola niyo sa hagdanan nang nakita ko ang bukas na pintuan ng stock room.

"Creepy shucks!" Nasa ikahuling baitang na ako when I remember na I'll be picking up Kiana. Bababa na sana ako nang makalimutan kong hakbangan ang isang hagdan, dirediretso tuloy ang pwet ko pababa at siguradong haggardness at siraness nanaman ang walang beauty kong feslaks!

Hinimas ko ang aking malapad na balakang nang makarinig ako ng kaluskos inside the stockroom.

Lahat ng hair sa aking katawan ay nagtindigan including the hair on my kaingat-ingatang pagkalalaki.

Shit! Why did I wake up early kasi? Wala pa naman masyadong tao rito.

Hahakbang na sana ako papunta sa parking lot when I heard the kalansing of keys. I looked at the stock room at halos lumuwa ang eyeballs ko nang makita ang susi ng Ducati ko!

Shit, paano napunta roon?

I ran towards it at hahablutin na sana ito because maiihi na talaga ako 'pag nagtagal pa seeing how dark it was inside when someone grabbed my hand, pulled my body and locked the door.

Hindi ko matagalan ang madidilim na lugar. It's my biggest fear. Inilabas ko ang phone ko at agad na in-on ang flashlight.

I was taken aback nung may mabilis na anino akong nakita papunta sa kaliwa ko!

"Si-sino k-ka? Damn it! Magpakita ka!" I gathered all my strength para tanungin 'yon.

Holy cow! Thank God at umatake ang pagiging lalaki ko sa oras na ito!

Nagtindigan lahat ng balahibo ko nang biglang may bumulong sa tenga ko,

"No one." Dalawang salita lamang ngunit sapat na upang mabitawan ko ang aking phone.

Lumuhod ako at kinapa ito sa sahig. I should call someone to save my ass here!

Nang nakapa ko na ay nagtago ako sa gilid ng cabinet na natatabunan ng mga kung ano ano. Alam ko kasi kahit papaano ay nakakakapa ako.

"Hide and seek?" Nakakatindig balahibo ang kanya boses. Hindi ko pinansin ang kung sinumang kasama ko sa silid na pansamantala na siguro akong hinahanap ngayon.

Hide and seek mo mukha mo!

I immediately dialed Kiana's number at kung minamalas ka nga naman ay paulit ulit lang na voice mail ang sumasagot saakin! Narinig ko ang kaluskos ng mga paa na papalayo na sa kinaroroonan ko kaya medyo nakahinga ko.

Inopen ko ng kaunti ang aking phone dahil kailangang kailangan ko talaga ng ilaw. I can't take this anymore! I feel suffocated!

Pinaglandas ko ang aking kamay sa posisyon na parang nagdarasal. Bigla akong binuhusan ng malamig na tubig ng sunod sunod ang message na dumating saakin.

SHIT! HINDI AKO NAKASILENT!!

I saw Kiana and Evelyn's text messages. I tried opening my phone pero hindi ko makuha ang tamang pattern dahil sa panginginig.

FORGOT PATTERN? TRY AGAIN IN 10 SECONDS

Habang naghihintay ay panay lang ang pikit ko ng mata at paghinga ng malalim.

Please please, somebody save me please plea-

Natigil ako nang biglang tumunog ang phone ko nang pagkalakas-lakas dahil sa tawag ni Kiana. Dali-dali kong inangat ang phone ko at akmang sasagutin nang maramdaman ko ang nakatayong bulto sa gilid ko.

Nanginginig kong inilawan mula sa paa hanggang sa mukha. Saktong pagtama ng ilaw ay nakita ko ang namumula niyang mga mata.

"Got you," nanlalaki ang mga mata kong tinignan siya. Hindi ako nakagalaw dahil sa matinding takot.

Hindi ko namalayan na nasipa at nasuntok niya na pala ako at kasabay 'non ay ang paglagay niya ng dalawang daga sa aking tiyan.

HINDI. Hindi lang dalawa kung hindi tatlo, apat, lima hanggang sa halos masakop na ang buo kong katawan.

"AHHHHH!!" Napasigaw ako nang biglang bumaon ang mga kamay ng mga pesteng ito.

Masakit! Sobrang hapdi!

Kita ko ang unti-unting paglabas ng mga laman sa aking braso at tiyan. Wala na akong lakas pa na bumangon, nawawalan na ako ng hininga.

Sa puntong ito, I know that no one's gonna save my ass out here. Ayoko na. Nararamdaman ko na ang pagkawala ng aking hininga.

"Paano mo i-ito nagawa?" May tumakas na luha sa aking mga mata.

Ngumiti lamang siya na parang anghel,

so soft and so sweet.

Why of all people ikaw pa?

"Nope dear. The question is, paano niyo iyon nagawa? You ALL started this. Too bad, your life ends here."

I saw how the pretentious angel smirked devilishly before everything went black.

Who are you?Where stories live. Discover now