CHAPTER 15

20 1 0
                                    

This chapter is dedicated to Nicoleee_143. Thankyou for reading. (Okay na? Dami na ng updates ko hahahahahahahaha)

Top's POV

Isa lang ang alam ko, ang babaeng nasa harapan namin ngayon ay hindi na tama ang pag-iisip.

Siya pala ang dahilan ng pagkamatay ng lahat. Isinawalat niya kung paano niya pinatay ang mga ito habang tinatabas ang bawat parte ng katawan namin dito.

Napangiwi ako sa kirot nang makita ang daliri kong nag-iisa nalang.

Napangiti ako. Ang sadya ko sa Ambert ay nakikita ko na. Nalaman ko na kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Nakakagulat at nakakapagtaka dahil hindi ko inakalang siya. Ang mga mensaheng galing sa di kilalang numero ay sakanya pala.

Pero di ko nakitang ganito katindi ang mangyayari. Kung alam ko lang ay sana hinanap ko na siya.

Tanga ka rin talaga Top! Nasobrahan ng pagkahumaling sa mga misteryo!

"Tama na. Please, calm down!" Napapaos na sabi ni Mandy.

Hindi siya pinansin nito at para bang walang naririnig.

Napapkit ako nang makita ang ginagawa niya sa sarili.

Katawan niya naman ngayon ang napagdiskitahin niyang sugat-sugatin.

Tinarak niya ang kutsilyo sa kanyang braso at chinapchop ito hanggang sa humiwalay na ito sa kanyang katawan.

Lahat kami ay halos naghahabol na ng hininga. Ilang dugo na ang nawala saamin at alam kong konti nalang ay mawawalan na rin kami ng malay.

Delikado ito. Kung wala pang darating na tulong ay mamamatay kaming lahat dito.

***

Mandy's POV

Pinapatigil ko na siya sa pagwawala.

Hallucination niya lang ang lahat.

Nalaman ko simula noong pumunta ako sa bahay nila.

Sinabi rin sakin ni Tigris na may napansin siya.

She kept on saying na uuwian niya na ang kapatid niya but the fact is-

WALA NAMAN NA SIYANG KAPATID!

Siya lang pala ang may sala ng lahat.

It was Audienza Santiago all along.

Kinilabutan ako nang makita kung paano niya tanungin at sagutin ang sarili niya.

Hindi pa siya nakuntento at sinugatan ang sariling pisngi.

Hindi ko lubos maisip na kaya niya itong magawa.

Namatay si Finese, ang kapatid niya, sa party ni London last year. Hindi siya sinasadyang maitulak ni London dahil sa kalasingan. Minumura-mura rin siya ni Kiana at sinabihan ng slut, malandi at mang-aagaw. Finese was rumored to be dating our professor dahil sa nakuhanan din ito ng iba't ibang picture.

Paano ko nalaman? Dahil naroon lamang ako sa gilid at nakamasid.

Pupuntahan ko sana noon si Audi at kakausapin.

Pero hindi ko nagawa dahil nakita ko kung paano nagdugo ang ulo ni Finese habang inaangat sa pool. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maiproseso ang nangyari.

Nasaksihan ko kung paano siya umiyak habang nakikita ang kapatid na wala ng buhay.

Walang pumigil sa nangyari. Kahit sila Tigris at Stallion ay hindi.

Who are you?Where stories live. Discover now