EPILOGUE

30 1 0
                                    

Limang taon na ang nakalipas but I can still remember everything clearly.

Wala na tuloy akong naaasar.

"Stallion!" Sigaw ng abnong hindi ko ba alam kung bakit hanggang ngayon ay kaibigan ko pa rin.

"Ano nanaman ba Top?" Feeling ko talaga may gusto 'to sakin. Dikit ng dikit eh. Lagi pa akong pinupuntahan sa kompanya ko.

Yes! Tama ang basa niyo. May kompanya na ako at lahat din kami ay may kanya-kanya ng trabaho.

Sayang nga lang at hindi na namin siya kasama.

Biglang nagring ang phone niya. Sinagot niya ito nang nakaloudspeaker pa.

"Hello?" Malumanay niyang sagot

"HOY TOP! KAPAG HINDI MO AKO SINUNDO RITO AFTER 5 minutes, puputulin ko talaga yang alaga mo!" Sigaw ng nasa kabilang linya

Agad-agad naman siyang pumunta sa kotse niya at pinaharurot ito nang marinig ang makabasag-pinggan na sigaw ni Kiana.

Napailing nalang ako nang marealize na sila ang nagkatuluyan.

Tignan mo nga naman ang nagagawa ng panahon. May mga mga bagay nalang talagang mangyayari nang 'di inaasahan.

Sumakay na ako sa Audi ko.

Hmmm Audi, naalala ko tuloy siya.

Sumulyap muli ako mula sa pinanggalingan namin ni Top kanina bago humarurot palabas ng sementeryo.

I will visit you again soon my Audienza.

Pumunta ako sa mental hospital at doon ay nagkita kami ni Tigris.

May bibisitahin kasi kaming kinalawang ang utak, haynako.

"Bwiset pare! Muntikan na akong dukutan ng mata!" Naghihisteryang sabi ni Tigris.

Tawa ako nang tawa habang tinitgnan siya.
Ilang beses na kasi itong nangyari.

Kung hindi siya dudukutan ng mata ay kakaramutin o di kaya sasakalin naman.

I should be worrying pero habang tumatagal na paulit-ulit itong nangyayari sakanya ay nagiging katawa-tawa na.

"Okay lang yan. Gwapo ka pa rin baby Lion." Inirapan niya lang ako.

Binibisita namin madalas dito si Mandy.

Yes! Si Mandy nga!

Nailigtas kami sa resort sa tulong ni ate Madeline, ngunit hindi si Audi. Masyado ng maraming dugo ang nawala sakanya.

Ang sabi ni Ate Madz ay binalaan niya na raw si Evelyn tungkol sa mangyayari, ang kaso ay hindi ito nakinig. Kaya bumiyahe nalang kaagad siya at laking pasalamat namin dahil naagapan agad ang mga sugat na meron kami.

Ang mga naputol na parte ng katawan namin ay pinalitan ng mga artificial body parts. Okay na rin, buti nalang at hindi mga vital parts ang napuruhan samin.

Kita mo Santi? Nag-iwan ka pa ng remembrance saamin bago ka umalis.

Ikaw ang tunay na bwisit saating dalawa hahahahaha joke lang!

Pumasok kami sa loob ng kwarto at nakita roon di Mandy, she's suffering from psychosomatic disease. Kagaya ito ng kay Santi noon.

Too much stress and anxiety.

Na-trauma kasi siya sa nangyari.

"Tulog na. Tignan mo ang hawak niya. Hinugot niya 'yan kanina sa mata ng nurse. Napakagagong babae talaga." Umirap pa si Tigris pagkasabi no'n.

"Sus. Gusto mo pa rin naman siya. Tsaka bagay na kayo ngayon, ikaw may anger management issue, siya naman isang psychopath. Hahahaha!" Sinamaan niya lang ako ng tingin.

We looked at Mandy's peaceful face.

Gagaling ka rin.

Para kay Audi, para saamin at higit sa lahat, para sa sarili mo.

END

(๑˃̵ᴗ˂̵)ﻭ

Who are you?Where stories live. Discover now