CHAPTER 10

19 2 0
                                    

Audienza’s POV

Pagkadating ko sa bahay ay agad kong pinuntahan si Andrei. Tulog nanaman siya. Napagod siguro sa school

Pumasok na ako sa kwarto at nahiga. Nag-isip ako ng dahilan sa mga pangyayari.

Kung sino man ang gumawa no'n kay London ay napakagaling. Wala man lang kahit anong ebidensya.

Matutulog na sana ako nang biglang magring ang phone ko. Nang tignan ko ay biglang nagtindigan ang aking mga balahibo.

London calling…

Hindi ko ito pinansin at hinintay na mamatay ang tawag. Parang tumatakbo ang puso ko habang nakatitig sa phone.

Shit!

Napaupo ako nang biglang bumukas ang pintuan. Unti-unti akong tumayo at nagpunta roon. Ramdam ko na ang pagbasa ng damit ko dahil sa pawis.

Pagkadungaw ko sa labas ng pintuan ay wala namang tao. Bumuntong hininga ako at isinara ito. Pabalik na sana ako sa aking kama nang nanlalaki ang mga matang napatingin sa nakahigang pigura sa sahig, malapit sa aking cabinet!

ANO TO?! BAKIT ITO NANDITO?

Nanginginig ang mga kamay kong lumapit rito at gano'n na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita si London roon!

Ang katawan niyang butas butas at halos hindi na makilala ang mukha! Pinipilit kong sumigaw ngunit walang lumalabas na boses. Lumapit ako sa pintuan ngunit hindi ko ito mabuksan!

Hindi ko na kaya. Mababaliw ako kung magtatagal pa ako rito!

Tumakbo ako papunta sa side table at kinuha ang phone ko. Dali-dali kong dinial ang unang number na nasa contacts ko.

Ring lang ng ring at walang sumasagot!

“Mommy, daddy,” kinakagat ko na ang aking kuko sa sobrang takot, “Bwiset! Bakit ba walang sumasagot!”

Ilang ring pa ang nangyari nang may sumagot sa kabilang linya.

“Hello Santi? Bakit?” It's Evelyn! Hindi ko alam na siya pala ang natawagan ko.

“E-evelyn! I  n-need help! Please! Plea-“ Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

“Calm down! Okay, where are you?” Narinig ko ang pagtunog ng engine ng kotse.

“Sa ba-“ Napatigil ako nang hindi ko sinasadyang mapatingin sa gawi ng bangkay ni London.

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi!

“AHHHHHHHHHHHHHHHH!!” Isang sigaw ang lumabas mula saaking bibig hanggang sa nagdilim na ng tuluyan ang aking paligid.

***

Evelyn’s POV

Dali-dali akong nagmaneho nang marinig ang malakas na tili ni Santi.

Ano kayang nangyari?!

I drove my car as fast as I could hanggang sa makarating na sa bahay nila. Walang ano-ano’y pumasok ako sa nakabukas nilang pintuan at dumiretso sa itaas.

Wala bang ibang tao rito?

Bigla akong pinanlambutan ng tuhod nang makitang walang kabuhay buhay ang bahay.

Mag isa lang ba siya?

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa pinakadulong silid. When I opened the room’s door, napatakbo agad ako kay Santi na walang malay.

Who are you?Where stories live. Discover now