CHAPTER 12

14 1 0
                                    

Top Treizon's POV

Tuwang-tuwa ako at nakapasok na ako rito sa Ambert. May mga nababalitaan akong kakaibang misteryo ng pagkamatay kaya naman naging interesado ako.

Well, wala akong balak makialam. Gusto ko lang manood at masaksihan ang mga pangyayaring minsan ko lang matutunghayan.

Pansamantala akong nasa pinakadulong upuan ng classrrom. Malapit ito sa bintana kaya naman tanaw ko ang bawat taong naglalakad sa ibaba.

Nang lumingon ako sa aking kanan ay nakita ko ang babaeng nagngangalang Mandy. Nakabusangot nanaman ito. Napakasungit talaga.

Naalala ko tuloy yung pagkikita namin kanina, ewan ko pero cute na cute siya sa paningin ko.

Tinignan ko ang buong paligid ng silid. May kakaiba agad akong naramdaman. Para silang mga pyesa ng chess at nakikita ko kung sino ang walang kwenta sa laro at ang may mga silbi.

Unang tingin ko palang sakanila ay alam ko na,

Tigris
Stallion
Kiana
Evelyn
Mandy
Audienza

Ang mga karakter na bibida sa larong ito.

Paano kaya ang magiging laro? Hindi na ako makapaghintay.

***

Madeline's POV

Inaalala ko ang mga pinag usapan ng mga bata kanina.

I'm aware of what's going on. Alam kong may kababalaghang nangyayari.

Ang mga namatay ay magkakakonekta.

Phobia. Kung ang iba ay baril at kutsilyo ang gamit pamatay, kakaiba naman ang isang 'to.

Ano naman ang nasa isip ng killer at
ipinanlaban ang phobia sa pagpatay?

Kakaibang pag iisip ang meron ito.

Tama kaya ang hula ko na siya?

Malapit lang siya saamin kanina. Nakikita ko ang paunti-unting ngiting tumatakas sa mga labi niya tuwing nababanggit ang salitang pagpatay.

Ngunit ano ang pakay niya? Isa lamang siyang estudyante.

Lunch break na rito at hindi pa rin ako umuuwi. Dumaan muna ako sa dati kong clinic upang bumisita.

Bago ako pumasok ay may nakasalubong ang mga mga dating kong kilala. Nginitian ko na lamang ito at tuluyan ng pumasok.

Pagkarating ko ay naabutan ko si Dra. Lydia na parang may hinahanap.

"Hi Dra! Oh ano hong hinahanap niyo?" Tanong ko, baka sakaling makatulong ako.

"Ah, kanina ko pa kasi hinahanap yung medical record ng isang estudyante. Kumpleto naman ito kanina. Nagbanyo lang ako saglit ay may nawawala na." Paliwanag niya.

Tumingin ako sa mga medical records, nakita ko roon nakasulat din ang mental condition ng mga estudyante.

Hindi ko rin alam pero pati phobia ng mga bata ay inaalam dito para kung sakali daw atakihin ay alam ang cause at masolusyunan.

Abala pa rin sa paghahanap si Dra. Kaya naman tinulungan ko na siya. Sa aking paghahanap ay nadako ang tingin ko sa sahig.

May napulot akong isang bracelet na may diamond pendant.

"Dra. Sayo ba ito?" Inangat ko ito upang makita niya nang mas maayos.

"Hindi. San mo yan napulot? Nako, baka mayroon nanamang mga pumasok ritong bata na hindi nagpapaalam."

Who are you?Where stories live. Discover now