Chapter 7

9 0 0
                                    

Loweil's Pov

We're shocked as we saw Kuya on the sofa. Smiling both on us.

"Oh? Bakit parang nakakita kayo ng multo? Hindi ba kayo natutuwa na nandito na ako?" Agad akog ngumiti ng pilit at nilapitan si Kuya James para yakapin.

"Who says I don't miss you? Of course I do!" I said as I've ended the hug and sat beside him. He smiled and pinched my cheek.

"I miss my princess." He said and turn his gaze to Saxton who's currently sitting in front of us.

"Kailan ka pa pala umuwi dito Saxton?" Tanong nito rito.

"Nung last week lang. Nice to see you, James." And Saxton smiled.

Bigla namang lumabas si Mommy na may dalang tray na may mga juice. Agad akong kumuha ng juice at ininom. Natetense ako sa mga pangyayari.

"Thanks, Mom. You really are the best!" Sabi nito. Ngumiti naman si Mommy sa kanya at umupo na rin.

"Nga pala Saxton, may girlfriend ka na ba?" Pagkatanong niyon ni Kuya ay muntikan na akong masamid sa juice na iniinom ko.

"Wala pa. Still enjoying my single life. Why?" Cool lang na sabi ni Saxton at pasimpleng sumulyap sa akin.

"Wala lang naman. I just thought you're interested with Janna? Remember her?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Kuya James.

Who the hell is Janna!?

"I.. don't know her." Parang nagtataka si Saxton sa narinig.

"She's your admirer wayback on highschool. The nerdy! Damn man! If you see her now, I'm sure you will be head over heels!" Pasimple akong napa roll eyes sa sinabi ni Kuya.

Head over heels? Really?

"I don't think so." Sabi ni Saxton at napangiti.

Yan. Good. Wag mo akong pagselosin.

"Bakit naman? She's so effin hot! Wait, let me show a picture." Sabi nito at naglabas ng phone niya.

Hindi mo talaga alam kung sa probinsya talaga galing si Kuya eh. Grabe kung mag english! Siguro, nanosebleed mga tao doon sa kanya.

"Here." Sabi nito at ipinakita kay Saxton. Nakitingin rin ako at halos mapanganga ako sa babaeng nasa picture.

Ang tangkad, balingkinitan yung katawan at sobrang ganda at maputi!

Parang modelo! Nakakainggit naman!

No, I shouldn't be threatened. Mas mahal ako ni Saxton. Kaya para sa kanya, ako ang mas maganda.

"She's beautiful." Agad na nagpanting yung tenga ko ng marinig yung komento ni Saxton sa Janna.

Maganda!? Maganda!?

"See? I told you." Sabi naman ni Kuya James kaya mas lalo akong nabadtrip.

"Beautiful, but not my type. Not my taste." Agad naman akong napangiti sa sinabi niya. Shit, hahahaha

"Seriously? Anong nangyari sa taste mo Saxton?" Ang sarap sapakin ni Kuya eh. Ayaw nga ni Saxton tapos pinipilit pa! Sasabunutan kita diyan eh!

The Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon