Chapter 1:

68 17 8
                                    


Sweet's Pov

As I walked from the streets all I can see were roses. Fake or real, roses and flowers are everywhere and it making me sick. Why did I go outside in the first place?

Oo nga pala, I need a ballpen. Just a ballpen and it turned out that I am fucking surrounded by this toxicity.

"Ouch!" I shouted in pain when some stupid guy just push me. Napabagsak tuloy ako sa putikan ng dahil sa kanya. Tanga ba ito o ano!?

"Sorry sorry. Here, take my hand." Wika nito at inilahad ang kamay sa akin. Like Im gonna put my hand. Duh.

I manage to stand but seeing myself right now makes me irritate. Napakamalas ko talaga ngayon. Fuck my life.

"Are you stupid or what!? Tignan mong nangyari sa damit ko!?" Inis na turan ko at gusto ko na siyang sabunutan sa inis. Nakita ko naman siyang ngumiti na parang humihingi ng dispensa.

Infairness for him, guwapo siya. He had a brownish eyes and a pale white skin. His hair's a clean cut, and I must say that his tall I think, 6 ft. something like that?

And he has a charming smile that can hook many ladies out there with or without their boyfriends. But Im not one of them. Im not them who will be desperate for a guy like him. Like duh, do we need a guy for our existence?

I live 17 years without a man in my life. I can live without a man for the next years of my life.

"Sorry talaga Miss, akala ko kasi bubungguin ka ng bike kaya naitulak kita.." nagkakamot ulong wika nito. Inirapan ko naman siya at tumingin tingin sa paligid.

"At nasaan yung bike na sinasabi mo ha!?" Galit na tanong ko. Napayuko naman siya at namula ang tenga niya.

"L-lumiko sa ibang daan." Sagot nito kaya lalong nag init yung ulo ko.

"Eh bakit naman kasi pinapangunahan mo!? Baliw ka ba!? Argh! Nakakainis ka! Ano sa tingin mong gagawin ko dito! Magmumukhang tanga habang naglalakad dahil may putik ako sa may bandang puwet!? Nakakainis ka talaga!" Sabi ko at nagpapadyak padyak.

Letse itong lalaking ito, subukan niya lang talagang iwan ako ditong ganito at gagawa ako ng eskandalo na makakapagbulabog sa mga taong nandito. Subukan niya lang talaga!

"Here." Sabi nito at naglabas ng panyo. Yung scarf? Ah basta, yung malaki. Kulay red ito na ikinairita ko. Sa lahat ba naman talaga ng kulay eh red pa!?

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ano namang gagawin ko diyan!?

Parang nabasa naman niya yung tingin ko at lumapit sa akin kaya napa atras agad ako. Tumigil naman ito at takang tumingin sa akin.

"Anong gagawin mo!?" Mataray kong tanong sa kanya. Ngumiti naman ito na nagpairita sa akin. Yes, gwapo siya pag nakangiti pero naiinis ako. Yun lang.

"Itatali ko to sa beywang mo para matago yung putik." Paliwanag nito at lumapit nanaman kaya napaatras ako.

"Akin na! Ako na ang maglalagay!" Mataray kong sabi. Tumango naman ito at ibinigay sa akin na tinanggap ko naman at itinali nga sa beywang ko gaya nga ng sabi niya.

Ang tatag rin namin noh. Sa gitna pa talaga kami nag uusap.

"Sorry talaga Miss ah? Ay! Wait miss. Wait lang." Sabi nito at naglakad papalayo. Like duh? What now?

Pero kahit inis na inis ako ay sumunod naman ako sa utos niya at naghintay nga ako. Ewan ko ba, my instinct tells me na maghintay ako. Pag siya talaga hindi dumating, isusumpa ko siya at ang magiging anak niya!

The Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon