Chapter 10

9 1 0
                                        

Loweil's Pov

I am amazed on how Allisha walk downstairs. Napakaganda niya sa wedding gown niya ngayon. Her hair is tied in a bun with braids on the side. May hawak siya na lavender roses at kita ko kung gaano siya kasaya ngayon.

I smile at her at di ko napigilang yakapin siya, naiiyak ako. We've been together for years at isa siya sa mga nakakaalam ng lahat sa akin. She is my sister by bond at ngayong ikakasal na siya, I feel happy for her. Sa wakas at magiging stable na rin siya for life.

"Look who's the crybaby here." Sabi nito at pinahid ang luha sa mata ko. Tumawa naman ako at pinahid rin ang luha sa mata niya.

"We are. You look awesome today Allisha! I still can't believe na...ikakasal ka na." At muli nanaman akong naiyak. Pinatahan niya naman ako pero patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko.

"Ano ba Loweil! Wag mo akong paiyakin lalo!" At parehas kaming tumawa.

"By the way Allisha, is Saxton coming?" Tumango naman ito at mahinang tinapik ang braso ko.

"Of course! Pinsan ko yun eh! Miss mo na?" Umiling naman ako.

"Sus Sweet Loweil Martines! Alam ko naman na miss na miss mo yung mokong na yun. Don't worry, magkikita rin kayo. Kung hindi nga lang kayo nag LDR eh mas nauna pa kayong kinasal kaysa sa akin." Tumawa naman ako.

"I am really happy for you." At nagyakap muli kami bago kami tawagin ng Mama ni Allisha para sumakay na sa sasakyan.

Maya-maya ay natanaw na namin ang Simbahan ng Santo Tomas. Ito ang napili nilang simbahan dahil sa nabasa nila na libro. Pagkakita sa amin ay agad na nagsiayos ang lahat. Pilit kong tinatanaw si Saxton sa labas ngunit hindi ko siya makita.

Napahawak si Allisha sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Kinakabahan ako na ewan, Loweil." Sabi nito, ngumiti na lang ako at tinapik ang balikat niya.

"You can do it. This is memorable day for you kaya ka siguro kinakabahan. Don't worry, everything will be alright." At lumabas na ako ng kotse para sumama sa pila.

Nagsimula nang patugtugin ang kanta hudyat ng paglakad namin. Nakakapagtaka dahil wala pa si Saxton. Asan naman kaya yun?

Nang si Allisha na ang lalakad ay pinalitan ang tugtog ng paborito nilang kanta. Hindi ko mapigilang hindi maluha nang makita si Allisha na palapit kay Jonas habang kasama niya sila Tito at Tita. Si Jonas naman ay naiiyak habang pinagmamasdan si Allisha ng buong pagmamahal. Kitang-kita ko ang pagkinang ng mga mata niya at nakapokus lang ito sa babaeng naglalakad ngayon sa altar na makakaisang dibidb niya.

Naiisip ko, ganito kaya si Saxton sa akin kapag kami na ang nasa sitwasyon nila. Titignan rin kaya ako ni Saxton ng buong pagmamahal habang naglalakad ako sa altar?

Natapos ang seremonya ng kasal ng matiwasay. Nagpalakpakan ang lahat nang hinalikan ni Jonas si Allisha. Saya ang mababakas sa mukha nila at natutuwa ako para sa kanila.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita si Saxton. Hindi siya umattend ng kasal ni Allisha?

"Loweil! Sa amin ka na sumabay papuntang reception!" Sigaw ng papalapit na si Ate Sheena sa akin.

Si Ate Sheena ay asawa ni Kuya James. Kakakasal lang nila noong nakaraang taon at sa ngayon, masaya sila sa buhay na tinatahak nila ngayon.

Tumango naman ako at hinatak niya ako palapit kila Kuya James at Mommy na naghihintay. Niyakap ko si Kuya at Mommy bago sumakay ng kotse.

The Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon