Napagsiyahan ko na lamang na sundin ang utos ni Mama, baka sakali rin na makalimutan ko kahit saglit ang sakit na nararamdaman ko.
Binitawan ko na ang cellphone ko sa kama, hindi ko na tinabi ng maayos dahil tinatamad ako, wala pa rin akong ganang iayos ang buhay ko dahil sa pagluluksa kay Jhackier My Love.
"Ano ka bang bata ka? Nababaliw ka na talaga," rinig kong sabi ni Mama sa labas ng kuwarto ko dahilan para mapanguso ako na parang isang bata.
Susunod na nga ako e, sinabihan pa akong baliw. Hindi kasi nila ako naiintindihan dahil hindi nila nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon. Super sakit kaya sa Heart.
Pagkalabas ko ng Kuwarto nakita ko sa gilid ang dustpan. Nabuntong hininga ako, minsan talaga parang mas bata pa sa atin ang mga magulang natin. Umakyat na si Mama pero hindi manlang niya binaba ang dustpan.
Padabog akong bumaba dala ang dustpan. Hindi naman ako naiinis sa utos ni Mama dahil mas lamang parin ang pagluluksa ko. Ginawa ko naman kasi ang lahat para mapasama ako sa tatlong big fan ni Jhackier My Love, tulad ng sabi sa rules ay kailangan magpost ng selfie kasama ang mga merch na mayroon kami, ginawa ko 'yon. Nagpost ako ng napakaraming picture habang nasa paligid ko ang mga merch ni Jhackier Krozt pero hindi manlang ako napili.
Sad life, sobra.
"Sabi ko kasi kunin niyo na lang sa taas e," nakangusong parang batang sabi ko kay Mama, inabot ko sa kaniya ang dustpan. Inilingan lamang ako ni Mama na animoy nadidismaya na naging anak niya ako.
"Huwag ka nang mag-inarte diyan, madami pang pagkakataon para makita mo iyang idol mong si Jhakier Krozt," saad ni Mama habang siya ay nagwawalis.
Padabog na lamang akong umupo sa sofa. Nakakainis hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.
"Siya nga pala, ang sabi sa akin ni Daira may' photoshoot ka daw ngayon," napakamot ulo ako sa sinabi ni Mama.
Kainis, sabi ko kay Daira 'wag niyang sasabihin kay Mama na may' Photoshoot ako ngayon. Minsan talaga napapaisip ako kung bakit ko siya naging bestfriend.
"Ayoko pong pumunta, Ma, tinatamad ako."
"Ano? Hindi puwede, pupunta ka."
"Ayoko nga po, please Ma. 'Wag mo na akong pilitin," saad ko pa
"Ewan ko sa'yong bata ka, bahala ka sa buhay mo."
Ayoko muna talagang mag Photoshoot ngayon, wala talaga akong gana.
Pangarap ko dati pa na maging model pero ngayon lang ako nagkalakas lood. Hindi ko nga alam kung sapat ba ang pagiging maganda at sexy ko para maging model.
Ang nagpalakas lang talaga ng loob ko ay si Jhackier Krozt, ang plano ko kasi maging model muna tapos ipagsasabay ko ang pagwo-workshop ng acting, singing and dancing, tapos kapag nagtagumpay na ako sunod naman ay mag-aartista na ako.
Hindi naman sa umaasa ako pero aasa talaga ako dahil kapag naging artista ako magiging partner ko si Jhackier. Hindi naman malabo 'yon 'di ba? Magiging love team kami. Sobrang nakakakilig isipin.
Tatawagin kaming JaCa Love team. Pero parang ang pangit pakingan, ang chaka. Siguro ay KierCa, CaKier, JaSsi, SsiJa, LynJa or JaLyn-
"Casi!" napatigil ako sa aking pag daydream ng may' biglang sumigaw ng pangalan ko.
"Hay Nako! Ikaw talaga Daira, kung makasigaw kang bata ka akala mo ay nasunugan ka," sabi ni Mama habang siya ay nakatingin sa labas ng bahay. Napailing ako ng malamang si Daira 'yon.
"Sorry po Tita, si Casi po kasi hinahanap ko. Nandiyan po ba?" tumatawa niya pang sabi. Halatang sinadya niyang gulatin kami.
Nasobrahan sa pagiging maliksi iyan si Daira, sobrang hyper. Kaya din siguro kami nagkasundo. Hindi ko naiwasan ang matawa ng maalala ko ang mga kalokohan naming dalawa, pero nagluluksa ako ngayon kaya dapat masungit at malungkot ako.
YOU ARE READING
Im just a Fan
RandomAng lalaking sikat sa industriya ay maari bang magkagusto sa sa isang normal na babaeng tagahanga niya? Maari bang magkatotoo na ang akala ng lahat ay hanggang pangarap na lamang ? Maari bang matupad ang isang storya na akala ng lahat ay sa mga tel...