casilythediyosa: Thank you, pero ano 'wag kang ganiyan kasi kinikilig ako. Baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapatiwarik ako dito sa sobrang kilig. Hindi ko inaasahan na mangyayari talaga 'to, akala hanggang panaginip lang. Nakakaloka dahil sa wakas matutupad na ang pinapangarap ko. Thank you talaga Jhackier My Love.
jhackkrozt: You're welcome. Anyway, I'll chat with you later or tomorrow, if I have free time. For now, bye. I need to go back to my work. Masaya ako na nabasa ko ang messages mo.
casilthediyosa: Oh my gosh, My Love, saglit lang. Paano 'yong slots hindi pa natin napapag-usapan. Paano 'yon? May' kukunin ba akomg ticket? Bumalik ka kaagad please, ayokong mabokya 'uli.
'Yan ang ang huling message ko sa kaniya bago siya magpaalam, paano 'yong slots? Kainis naman kasi ako, kumerengkeng agad ako, dapat kasi tinanong ko muna 'yong tungkol sa slots ko sa meet and greet niya e. Ang shungabels ko talaga.
Napakamot ako sa aking ulo na animoy ako ay mayroong kuto, ilang minuto na kasi akong naghihintay ng reply niya pero wala pa rin. Ayoko talagang mabokya.
Ibinagsak ko ang aking katawan pahiga sa kama ko. Mag reply ka na Jhackier My Love. Maloloka na naman ako nito panigurado.
"Casilyn, Anak!" tawag ni Mama kasabay din ng kaniyang pagkatok.
"Wala pong Casilyn dito, diyosa lang ang meron," sagot ko naman.
"Tigilan mo ako! Linisin mo ang kuwarto mo, kunin mo dito sa labas ang walis at dustpan. Babalik ako pagkalipas ng sampung minuto." Dali-dali akong napatayo dahil sa sinabi ni Mama.
Naku po, paniguradong malilintikan ako nito kapag hindi ko nasunod ang sinabi ni Mama. Binantaan na ako e.
Mabilis akong tumakbo sa pintuan upang maabutan ko pa si Mama para makahingi ako ng kataasan pa na oras. Pagka-bukas ko ay siyang pagkita ko kay Mama na mayroong masamang tingin sa akin. Ayan na naman si Mama nagiging OA na Dragon na naman.
"Nakakaloka naman, Ma. 30 minutes na lang. Ang dami-dami ko pong lilinisin e." Inilingan lamang ako ni Mama. Napakamot muli ako sa aking ulo na animoy ako ay mayroong kuto. "Ganiyan ka na ba, Ma? Parang hindi mo naman ako Anak e," nakangusong saad ko. Walang awa, susumbong ko talaga siya kay Papa pagdating niya galing work.
"Bilisan mo!" Sigaw ni Mama dahilan para mapahawak agad ako sa walis at duspant. Minsan talaga si Mama ang bad, nahahawa na siya kay Daira.
"Opo, opo, sampung minuto tapos na ito." Inilingan naman ako ni Mama at ako ay tinalikuran na niya. "Don't worry Mama, mahal pa rin kita kahit nagiging bad ka minsan. I love you!" pahabol ko pang sabi bago pa siya tuluyang makalayo.
Isinarado ko na ang pinto, syempre bago ako maglinis kailangan i-chat ko muna si Jhackier My Love.
casithediyosa: Jhackier My love, nasaan ka na? Sana okay ka lang, yieee kiligin ka sana. Hihintayin ko ang reply mo a, para mapag-usapan natin ang tungkol sa meet and greet kung ano ba ang kailangan kong gawin, ayokong mabokya e. Sige na, bye maglilinis pa ako ng kuwarto ko. Baka kasi 'pag balik ni Mama at hindi pa ako tapos sa paglilinis ay paniguradong mamatay ako nito bigla, sayang 'yon dahil hindi mo makikita ang kagandahan ko. Bye, ingat ka.
Pagkatapos kong mag-message sa kaniya ng napakahaba ay agad ko nag sinimulan maglinis, pulot dito, tupi doon. Hindi naman nakakapagod kakayanin para hindi ako mapalo sa puwet ni Mama.
Nakakatakot kaya 'yon, kapag nangyari 'yon ay ngayon ko na lang ulit mararanasan ang mapalo ni Mama sa puwet, huling beses niya ata akong pinalo ay noong sampung taong gulang ako dahil nangupit ako nang bente pesos kay Mama para pangbili ng garter. Ang sampung piso ay pangbili ng garter para sa paglalaro ko ng Chinese garter tapos ang natitirang pang sampung piso ay para sa pangbili ko ng pogs.
YOU ARE READING
Im just a Fan
RandomAng lalaking sikat sa industriya ay maari bang magkagusto sa sa isang normal na babaeng tagahanga niya? Maari bang magkatotoo na ang akala ng lahat ay hanggang pangarap na lamang ? Maari bang matupad ang isang storya na akala ng lahat ay sa mga tel...