Chapter 10

16 0 0
                                    

"Ma, punta lang po ako ng Mall, babalik rin po ako agad bago maghapunan," pagpapaalam ko kay Mama.

"Sige, Anak. basta mag-ingat ka. Mag-isa ka pa naman."

Tinanguan ko si Mama at humalik sa kaniyang pisnge bago tuluyang umalis ng bahay.

Bored na bored na kasi ako sa bahay, si Daira wala rito sa Cavite, kasama niya ang pamilya niya sa Manila. Panigurado din ako na hindi siya uuwi agad dahil pupuntahan niya na naman si Witmer.

Ewan ko ba sa kaniya, noon naiinis siya sa akin dahil baliw na baliw ako bilang fan ni Jhackier My Love, pero siya naman ngayon ang mas baliw sa akin dahil sa kakasunod niya kay Witmer.

Habang ako ay nasa jeep ay nagmessage ako kay Jhackier My Love.

casithediyosa: Hi, Jhackier My Love. Nasa biyahe ako ngayon papuntang mall, sobrang bored na kasi ako e. Tiyaka bibilhin ko na rin ang dress na gusto ko, sana lang ay nandoon pa 'yon o kaya naman ay may' stock pa sila. Gusto ko lang din sabihin na miss ko na talaga na maka-kuwentuhan ka. Siya nga pala, bye na. Chat na lang 'uli kita kapag nakauwi na ako. Mag-iingat ka lagi Jhackier My Love.

Napabuntong hininga ako nang itabi ko ang cellphone ko sa aking shoulder bag. Miss ko na talaga na makausap 'uli siya, gusto ko na nga sana siyang awayin sa chat e.

Pinaasa niya kasi ako noong gabing sinabi niyang mag-uusap pa rin kami sa Online at kaibigan niya na ako. Mahigit isang linggo na matapos ang huling pag-uusap namin na 'yon na hindi na nasundan pa. Kainis siya, pinaasa niya ako.

Gusto kong magalit, pero ayoko. Ang Gulo, 'no? Magulo nga, a basta. Nakakinis kasi, pero kasi sino ba naman ako para mainis? 'Di hamak na si CasilynTheDiyosa lang naman ako na tagahanga niya.

Siya ang Jhackier My Love ko kaya dapat ay intindihin ko siya. Susuportahan ko pa rin siya kahit anong mangyari, kahit medyo inis ako sa kaniya dahil paasa siya. Kahit pa ganoon siya ay hindi ko pa rin ititigil ang lagi kong ginagawa, ang araw-araw at maya-maya kong pag message sa kaniya.

Pagkatapos ng kalahating oras na biyahe ay nakarating na rin ako sa Mall, dumiretso ako sa lugar kung saan ko nakita noon ang dress na gusto ko. Excited na akong bilhin 'yon dahil nakapag ipon na ako ngayon nang pang bili, binigyan ako ni Papa no'ng nakaraan ng pera tapos noong linggo naman ay naka-sideline ako sa Photography career ni Kuya Tailor.

Nang tanungin ko ang sales lady ay wala na daw doon ang dress na gusto ko. Pero buti na lamang ay may' nakita akong panibagong dress na pumatok sa maganda kong mata, fitted na dress na kulay itim 'yon, may' pa off shoulder pa ang peg ng damit na iyon kaya excited ako sukatin.

Kinuha ko ang dress at sinukat ko na sa fitting room. Nang maisuot ko iyon ay awra ako nang awra sa salamin at pose nang pose dahil feeling ko ay sobrang sexy at ganda ko sa damit na ito. Medyo maikli at hindi ito lalagpas sa tuhod ko, at akmang akma ang pag ka-fitted nito sa katawan ko.

Nasa isang libo ang preso nito, nakakaluwa ng mata, pero bibilhin ko pa rin dahil may' matitira pa naman sa ipon ko e. Para sa aking last pose, kagat labi na animoy inaakit si Jhackier My love. Para akong tanga rito nang bigla akong humagikgik. Baliw na talaga ako dahil kinikilig ako sa sarili kong iniisip.

Hinubad ko na ang dress at binayaran na iyon. Tinanggal ko sa paper bag ang dress ko at pinilit kong pinagkasiya ang dress sa maliit kong shoulder bag, buti na lang nagawa kong pagkasiyahin 'yon. Nakakatamad kasing magbitbit e.

Nag-ikot muna ako dito sa mall, magwindow shopping muna ako syempre. Kunwari marami akong pera, konwari isa akong anak mayaman. Tamang hawak sa mga damit na gusto ko pero bibitawan ko rin kapag tapos ko nang lagyan ng mikrobyo.

Im just a FanWhere stories live. Discover now