"Aray ko," naiiyak kong sabi, hihikab sana ako ngunit hindi ko natuloy nang makaramdam ako ng pagkirot sa aking labi. Nang hawakan ko ang aking labi ay naramdaman kong namamaga at masakit ito.
Agad akong tumayo at dumiretso sa salamin upang makita ang aking mukha. Nagsalubong ang aking kilay nang makita kong namamaga nga ang aking labi.
Anong nangyari? Kagabi naman ay hindi pa namamaga ang bibig ko at hanggang madaling araw ay maayos pa naman ang labi ko, nakapag usap pa nga kami ni Jhackier My Love-- Oh my gosh, ang cellphone ko, ang cellphone ko ang may' sala. Panigurado ako.
Dali-dali akong bumalik sa aking kama at hinanap ang cellphone ko. Kainis, siguro kaya namamaga ang bibig ko dahil nabagsakan ito ng cellphone.
Panigurado akong iyon nga ang dahilan, dahil ang huli ko lamang na natatandaan ay hawak-hawak ko paitaas ang cellphone ko-- Pero wala na akong pakielam sa bibig ko dahil kailangan kong mag-sorry kay Jhackier My Love, tinulogan ko siya nang wala manlang paalam.
Nang makita ko ang cellphone ko ay agad kong hinanap ang charger dahil lowbat ito. Kainis, naiwan kong nakabukas ang data kaya na lowbat ang cellphone ko. Nakakahiya dahil hindi manlang akong nagpaalam.
Napapadyak ako sa inis nang mabuksan ko na ang cellphone ko, nabasa ko kasi ang mga message ni Jhackier My Love. Oo mga, dahil tatlong mensahe 'yon. Nakakahiya.
jhackkrozt: No, that's not what I mean. Ikaw matutulog ka na ba? Kung hindi, puwede ka ba 'uli magkuwento? I enjoyed reading.
Basa ko sa isa niyang mensahe, sa ganitong mensahe lang ay kinikilig na ako kahit pa parang ginawa niya akong si Lola Basiyang. Pero sayang talaga, mas mahaba pa siguro ang magiging usapan namin kung hindi ko siya tinulugan. Kahit taga kuwento lang naman ako, okay na sa akin.
jhackkrozt: Siguro tulog ka na. Thank you for your time.
Basa ko naman sa pangalawa niyang mensahe, sampung minuto ang agwat nito mula isa niyang mensahe sa akin. Nakakaloka, ang sweet niya talaga. Talagang nag abala pa siyang mag message muli nang mapansin niyang hindi na ako nakareply dahil tinulugan ko siya.
jhackkrozt: Goodmorning! I can't send the whole information about my meet and greet, but my staff told me what you'll need to do. the location at the BA TV building, and make sure that by 9 a.m. you're already there. Just tell the guard your full name. Your name is the only pass for my fan day, and wait for my staff to guide you. May I know your full name so I can tell them? Again, goodmorning.
Basa ko muli sa huli niyang message, 6 a.m nang umaga niya ito sinend at 10 a.m na. Ngayon ko lang din napansin na anong oras na pala ako nagising, kaya pala parang tamad na tamad pa rin ako, ang oras kasi ng gising ko ay alas-siyete nang umaga.
casithediyosa: Goodmorning Jhackier My Love. Sorry, sorry hindi ko sinasadyang makatulog. Sorry kung hindi ako nakapag reply agad. Nakakahiya sa'yo, 'wag ka sanang magalit Jhackier My Love, inis na inis naman na ako sa sarili ko e. Thank you pala sa pag send ng tungkol sa Meet and greet mo. Ngayon ko lang nabasa kasi kakagising ko lang, hindi kasi ako sanay matulog nang ganoong oras e kaya nakatulogan kita. Hindi tuloy ako nakapagreply. Sorry Jhackier My Love. Sorry talaga. Siya nga pala, nakapag-usap na tayo pero hindi pa pala ako nakakapag pakilala.
Casithediyosa: 'Casilyn Fortallen' ang pangalan ko.
Tatayo na sana upang bumaba na ngunit biglang nag vibrate ang cellphone ko. Nag reply na si Jhackier My Love.
jhackkrozt: No, it's okay, Casilyn. How's your sleep?
Ang sweet niya talaga, kung tanungin niya ako para bang ako ang girlfriend niya. Ang aga na namang nabuhay ng buto-buto ko sa sobrang kilig, ang kaso hindi ako masiyadong makangiti nang napakalaki dahil sa lintik na labi kong namamaga. Kainis.
YOU ARE READING
Im just a Fan
RandomAng lalaking sikat sa industriya ay maari bang magkagusto sa sa isang normal na babaeng tagahanga niya? Maari bang magkatotoo na ang akala ng lahat ay hanggang pangarap na lamang ? Maari bang matupad ang isang storya na akala ng lahat ay sa mga tel...